Chapter 4: Realization

2 1 0
                                    

Ang dami palang mga nagambag-ambag sa pagpapakamatay ko. Ang tinuring kong pamilya, yung lalaking bumaboy sa pagkatao ko at ang mga tunay kong magulang, lahat. Pero nagkulang din ako, pinabayaan ko ang sarili ko.

Dahil hinayaan ko silang gawin ang gusto nila sa akin. Hiniyaan ko silang itulak ako sa bangin ng pagpapakamatay. Sinisi ko sa kanila ang lahat pero kung noong una palang napigilan ko na silang tapak-tapakan ako, hindi na sana aabot pa sa ganito ang nangyari.

Ngayon ko lang narealize, na hindi ko kailangan magmalimos ng pagmamahal at atensyon sa mga kinagisnan kong magulang   dahil kung may intensyon talaga silang mahalin ako bilang anak, sana noong una palang.

Pero bata pa lang ako ramdam ko na wala silang amor sa akin dapat pala hindi ko nalang pinilit. Tingnan mo kung saan ako dinala ng pamamalimos ko. Sa kakahingi ko ng pagmamahal nila, nakalimutan kong mahalin at bigyan ng atensyon ang sarili ko.

"The moment you wake up, I want you to remember what you have realize when you're watching your past." The voice in my head said.

"W-wake up? What do you mean?" I stutter. "Hindi pa ba ako patay?"

"Silly," the voice chuckles. "Now, Live your life the way you always wanted it to be. Be free and fly high. You deserve all the goods in  Earth. This is your gift little miss."

"Wait," awat ko "P-paanong---?"

But before I was given an answer, something hard punch me in the guts  made me knock out cold.

CalistaWhere stories live. Discover now