Chapter 8: Back to you

1 2 0
                                    

The video started playing when I entered the cafeteria.

Unang tapak ko palang ay may bumato na sa ulo ko ng bote ng tubig. Walang iba kung hindi si Katarina. Dahil upgraded ang gamit na CCTV dinig din ang ingay sa loob ng café.

"Bullseye," sabi ni Katarina at lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria ay nagtawanan.

Kaya pala pakiramdam ko may bukol ako.

Nang mga panahon na 'yun ay nakita kong matutumba na sana ako, but I'm quick to gain my posture. Kahit umangat ng tingin ay hindi ko ginawa para hanapin kung sino ang bumato noon. Nanatili akong nakayuko habang sapu-sapo ang ulo kong nasaktan.

Aalis na sana ako pero nilapitan ako ng grupo ni Katarina. Kinuha niya ang wallet ko pati ang laman nito. "You don't deserve this money, stupid. This is my parent's money, this should be mine." Tapos ay binato niya sa mukha ko ang wallet ko.

Napapailing nalang ako habang pinapanood ang nangyayari. Nang tingnan ko ang mga mukha ng mga nasabing biktima ay hindi mapigilang mapangisi.

The face of the self made victims were turning pale.

Back to you, bitches.

Ibinalik ko ang tingin ko sa video at nakita kong pinulot ko muna ang wallet ko pero sinipa ito ni Betty at tinapak-tapakan.

Hinawakan ko ang paa niya para pigilan siya sa ginagawa pero tinapakan lang niya ang kamay ko.

Hayup talaga na pag-uugali 'yan! Parang ka boardmate ni lucifer sa impyerno.

Buti nalang nagantihan ko siya ng gamit ang left hook ko.

Tumayo na ako at hinayaan ang wallet ko sa sahig.

"Pwede bang tigilan niyo na ako," malumanay na sabi ko.

But the girls didn't budge. And that's when I felt the orange juice dripped all over my upper body.

That's when I snapped. Hanggang sa matapos sa pagsampal ko kay Katarina.

"What a nice scene," Sabi ko at pinatay ang monitor.

I clasped my hand together and looked at the people before me. Men were clenching their jaw while women were scowling. I can see they are still reluctant of the fact that their children were at fault.

Typical hypocrites.

"Now, could you please explain this to me, dean?" I said wearing my cold stoic face. "Sabi ni Mrs. Fernan, dapat daw ay ikick-out ako dahil lalala lang daw ang kaso ng bullying sa school na 'to. Pero hindi naman siguro kayo nakapikit habang pinapanood kung paano ako saktan ng mga babaeng 'to, di ba?"

"I-I... I didn't k-know." dean stuttered.

"What a stupid alibi." I bitterly said. "Matagal ka nang may alam sa kaso ng bullying sa school na 'to. Pero wala kang ginagawang paraan para mapatigil. Tapos noong ako na 'yung gumanti at nanakit wala pang isang oras, may aksyon ka ka agad. Ang galing."

"Y-you..."

"Stop with this nonsense." Karaminah shouted. "Can't you let it pass? Kapatid mo si Katarina, hindi niya 'yun sinasadya."

Ano daw? Tangina, nabingi ata ako!

"What can I expect from you, Mom." I said shaking my head. "Of course, it is not your daughter's fault. Ano ba namang batuhin niya ako ng bote ng tubig , kunin ang pera ko at sampalin ako. Of course, of course, it's not her intention, 'di ba, Katarina?"

Katarina scowls but didn't uttered a single word.

"Next time, choose your words wisely, Mom. You're not talking to my former 6 years old self." I said and diverted my gaze to Mrs. Fernan.

"You're right, Mrs. Fernan." I acknowledge her. "Dapat talaga ikick-out na ang mga bullies dito. Pero bakit hindi natin unahin ang anak mo?"

"You..." Duro ng babae sa akin.

"Me?" Tanong ko, turo ang sarili. "What about me? Should I be kick out, first?"

"This could be settled, Ms. Ybañez." Dean interrupted.

"How?" I asked.

"How about the both parties apologize with each other and act like it didn't happened. Also, stop with the fightings."

What. A. Brilliant. Idea. Coming. From. Such. A. Dean.

"No! I won't apologize to that bitch." Betty yelled stamping her feet."

Typical pride of a brat.

"Parang tanga naman ako kung ako pa ang manghihingi ng sorry. Deserve mo naman masuntok, dapat nga binali ko din daliri mo sa kamay, eh."

"Bayolente kang bata ka." galit na sabi ni Mr. Jimenez.

"Eh, anong tawag mo sa anak mo? Santa santanita pero may hobby manakit ng mas maganda sa kaniya?"

"A-ang kapal talaga ng mukha mo." Betty yelled.

I rolled my eyes at her.

These people are all beyond repair.

"May iba pa ba kayong sasabihin? Kasi nangangalay na akong tumayo dito. Mga walang kwenta naman mga pinagsasabi niyo." walang galang na sabi ko.

"Kailan ka pa naging gan'yan, Calista, ha?" Galit na sigaw ni Christopher. "Saan ka natuto ng mga kawalang-hiyaan?"

"I don't know. I thought it runs in our blood?" I coldly replied.

"You shameless bastard." he roared.

I sighed. Ngayon lahat ay nanonood nalang sa palitan namin ng batikos.

Hindi ko nalang siya sinagot, alam ko naman na bastarda ako.

"Ano na dean?" Ibinaling ko ang tingin ko sa dean na nagulat sa biglang pagtawag sa kaniya. "Suspension for 2 weeks para sa aming apat. Okay na ba 'yun? Ako na magde-desisyon, ang tagal niyo magisip!"

"What? No way!" Sigaw nilang lahat.

"What ever! I'm done here." I uttered. "I'll be back in 2 weeks. Bye everyone. It's so nice meeting you all." I sarcastically said.

I turned my back on them and slammed the door behind me.

***

"Who is that girl? She is not the Calista we know." Karaminah murmured. "Where is that confidence and arrogance came from?"

"Oo nga mommy. Bakit bigla siyang naging matapang nang ganiyan? Hindi na siya natatakot sa atin." sabi ni Katarina. "Mom, Dad. Parusahan natin siya sa bahay. Hindi na kayo ginalang. Sa harap pa naman ng ibang tao."

"Inggratang bata. Makikita niya pag-uwi sa bahay." Nanggigigil na sabi ni Christopher.

CalistaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora