Chapter 6: Determined

1 2 0
                                    

Pagkalabas ko sa cafeteria ay dumeretso agad ako sa pinakamalapit na CR. Feeling ko mukha na akong basang sisiw dahil sa orange juice na tinapon sa akin kanina. Pati pakiramdam ko ay may bukol ako at ang sakit ng mga daliri ko.

Mga walang hiyang 'yun!

Pagpasok ko sa CR, tumingin agad ako sa salamin at hindi nga ako nagkamali. Ang uniform kong puti ngayon ang  kalahati ay  kulay kahel na. 

Napansin ko din ang itim kong contact lense, naiiyak na ako agad, ilang oras ko palang ata itong suot. Kaya imbis na patakan ng eye drop ay tinanggal ko nalang 'to at tinapon sa trash bin. Useless, hindi naman malabo ang mata ko.

Nang makita ko ang totoong kulay ng mga mata ko ay napangiti ako. Kakaiba ito sa lahat, ang kabila ay kulay langit habang ang kabila ay kulay honey. Imbis na mainis sa sarili kong mata, katulad ng dati kong nararamdaman, ay mas nakaramdam ako ng pagkamangha.

Magmula ngayon, hindi na kita itatago. Pangako!

Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Parang hindi pa din ako naniniwala na nagbalik ako sa taong ito.

Pinisil ko pa ang pisngi ko para makasigurong hindi ako nananaginip.

Nang makaramdam ng sakit, alam kong hindi ito panaginip.

Plano kong magpalit ng uniform, sure naman akong may dala akong extra uniform sa bag ko dahil nakagawian ko na 'to. You'll never know how those idiot's mind works!

Kumpara sa suot ko ngayon na sobrang laki sa akin, ang extra naman ay sakto lang.

Ang manang ko talaga nang mga panahon na 'to.

Ang palda ko din ay sobrang haba, jusko, ano ba 'to, sumasayaw ba ako ng cariñosa araw-araw dati--- I mean, ngayon?

Nang makapagbihis ay lumabas na ako, sinigurado ko talagang mas maayos ang itsura ko ngayon kumpara kanina.

Naghanap ako ng lugar na pwede kong pagtambayan in a mean time. Dahil may natitira pa akong isang oras para bumuo ng mga plano ko. Ang kinatutuwa ko lang sa school na 'to ay ang dalawang oras na lunch break.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga mapanuring mata at bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid ko. Pero tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa dulo ng school at napagpasiyahan kong dito ko sasayangin ang oras ko.

Sa pwesto ko ay may santo na si Mama Mary, hindi naman siya kalakihan, sakto lang. Nakatago siya sa loob ng man made cave. Sa  harap nito ay bench na pwedeng upuan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng puno at mga bulaklak kaya naman parang nawala lahat ng stress ko kanina.

Kahit nahihiwagaan sa nangyayari ay inilabas ko ang iPad ko at nagsimulang mag-research sa iba't-ibang  taong tutulong sa akin.

I'll use my memory from the past to cheat. Somehow this is called cheating dahil alam ko na ang future pero I'm just using my second chance effectively. Ganon talaga, laging may daya, may advantage lang ako ngayon. Malas ako noong nakaraang buhay ko, sisiguraduhin kong ngayon ay wais na ako.

Saka sabi ay, 'I should live my life the way I always wanted it to be.'

So ito na nga, sisimulan ko na sa paghahanap ng taong pwede kong pagkatiwalaan sa numerong hawak ko.

Maya maya ay may narinig akong papalapit.

"Umh..." she looks hesitant. "May I join you? S-sorry dito kasi ako kumakain ng lunch palagi..."

Para siyang nahihiya na hindi ko maintindihan. Bakit pa siya nagpapaalam? Hindi ko naman pagmamayari 'to.

"Sure," sabi ko, at tiningnan ko ang mukha niya. She has a cute features, chubby ang pisngi niya pero maganda mukha. Para siyang marshmallow, ang sarap sigurong pisilin ng pisngi nito.

CalistaWhere stories live. Discover now