Kabanata 1

11 1 0
                                    

•Kalei POV•

Nagising naman ako at nasa Library ulit ako. Kung saan ako lumabas. Tinignan ko Naman ang harap nito kung nasaan ko nakita noon si Miss Roberto pero wala na naman ang gusali na iyon

"Ate Tara na, mapagalitan Tayo!!" Hila ng bata sa isang palda ko

My gosh andito parin ako. Pinanganak ako sa 20th century pero nag balik ako dito?

Hindi ko Naman alam ang aking gagawin kaya naman sinundan ko na itong Bata na ito na tumawag sa akin

Bigla ko Naman naalalabigla na noong nag laho si Ms. Roberto. At sumagi rin sa akin isip at Di mawala ang sinabi niya sa akin kanina bago ito nag laho

"Wag kang mag alala babalik ako bilang ako pero sa susunod na balik di na ako yun. Mag hanap ka muna at sasabihin ko kung bakit ka narito"

Pumasok naman kami sa isang Malaking bahay at marami ang tao rito nag nag hahanda. Mukhang may birthday

Nag punta na kami sa may kusina at Pinaharap naman ako ng bata sa isang matandang masungit ang mukha

"Ikaw Catalina, di bat kakagaling mo lang sa isang aksidente tapos aalis ka, saan ka nanggaling?"

Galit niyang pahayag sa akin at pinalo pa ako pero di naman masakit

Catalina?? yun ba ang pangalan ko dito? What the hell?

"Aksidente? Ano pong sinasabi ninyo?" Mahina kong tanong

"Ano ka ba? Hindi mo na ba maalala? Di nga nahulog ka noon sa ilog"

Pumasok naman ang ala ala sa akin na nahulog nga ako at may kamay akong inabot din bago ko masara ang mata ko

"Ay naku Lola, naka limutan mo na ba? Di ba sabi ng doctor?"

Pawemang pa ng bata at tinaas pa ang kilay niya

"Hindi mo ba talaga maalala, Lina?"

Umiling naman ako at nag bulungan pa ang mga kasama namin dito sa kusina

Kung maka tingin naman sila. Ganda kayo?

"Niligtas mo si Lincea ang anak ng ating amo pero ang kapalit ay Ikaw ang nahulog sa tubig. Niligtas ka naman ng ni Arnaldo Isa pa nating amo. Pero pag ka ahon ninyo ay Wala kang pulso kaya akala Namin ay Patay ka na ngunit nagising ka bigla at ang sabi mo ay "Sino po kayo" at nawalan ka ulit ng malay. Dinala ka namin sa Hospital, pero simula ng magising ka ay hindi ka masyado maimik na parang kakaiba sayo. Tinanong ko naman ang doktor maaaring nag ka amnesia ka, isang sakit na nag pawala ng mga alaala mo. Kaya naman Catalina, mag ingat ka at baka maaksidente ka ulit at di ka na maka ligtas"

Pag kwekwento ng matanda. Sinaad rin ng mga kasama namin na mag iisang buwan daw akong  natulog.

Tumulong naman ako sa kanilang hinahanda. Isa akong katulong ng isang mayaman na pamilya kaya naman inayos ko at sadyang may celebration talaga

Kaarawan daw ng isang anak ng amo namin at talagang ginawa nilang especial dahil uuwi siya dahil ito ay nag aaral sa Maynila

Dahil Wala ako talaga sa sarili ay pinalayas ako ng matanda sa kusina

"Eto naman ate kasi tignan mo pinalayas Tayo ni Lola Tisya"

Angal naman ng bata. It's wasn't my choice to come here you know

"Anong pangalan mo nga pala?"

hindi naman maka paniwala at pumikit pikit pa sa akin

"Ate ako si Biya, tas Ikaw si Catalina, pero ang tawag namin sayo ay Lina. Tapos ang parang magulang natin ay si Lola Tisya, na Ang pangalan ay Leticia"

Rewrite to 1881Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon