Kabanata 13

14 1 0
                                    

Kalei POV bilang Lina

Dahan dahan kung naimulat ang aking mata at agad na tinignan si Biya na nakahawak sa aking kamay ngayon

"Ate" pag aalala nito sa akin

Napa upo naman ako sa kama at tinignan ang braso ko na ngayon ay may arm band na. At bigla ko naman naalala lahat ng sakit na aking naramdaman. Hahawakan ko sana ito ngunit medyo naramdaman ko ang sakit

"Lina, hayaan mo na muna yan, huwag mong hahawakan. Mag pa hinga ka muna diyan at kakain na tayo" pag tango ko naman kay Lola

Sa pag labas ni Lola ay pumasok naman si Donya Cassandra. Agad kaming bumati ni Biya sa kanya. Tinignan naman niya ng malalim si Biya kaya naman umalis si Biya at iniwan ako kasama ng matandang ito

"Anong eksena mo kanina" bulong niya sa akin at hinawakan ang kanilang braso ko "At sa araw na ito mo talaga balak mag kalat"

Mag Ina nga kayo. Mga walang hiya

"Sa susunod wag kang pa Arte Arte. Isang mainit lang na tubig nag ganon ka na?" pag higpit pa niya sa pag kakahawak sa akin

"Kung ikaw kaya ang tapunan ko ng kakukulong tubig at hahawakan ko pag katapos. Wala kang nararamdaman?"

Sampal naman ang sinumbat siya sa akin. Hindi naman ako nag patinag sa kanyang tingin sa akin. Bakit sino ba siya?

"Kaya pala ganyan ang ugali ng anak mo! Dahil ganito ang Ina niya" pag duro ko pa sa matandang ito "Mabuti na lang nag mana si Ginoong Carlos at Binibining Lincea sa Ama nila, dahil wala silang magandang makukuha sa iyo!"

Muli naman akong sinampal at mas masakit ito kaysa sa unang sampal niya. Pero dahil sa hindi ko alam ang gagawin at sinampal ko rito

Hinawakan niya naman ang mukha niya at sobrang gulat sa aking ginawa

"Mag sisisihan mo ito"

"Hindi kao natatakot sayo" pabulong ko man sabi ngunit ako ay nag banta sa kanya "Kaibigan ko ang Binibining Mariana, saktan mo ako muli at ganon rin ang anak mo na si Juvila, sasabihin ko to sa kanya para di matuloy ang kasal nila"

Lalo ko namang panakot sa kanya at mukhang epektibo nga dahil hindi na siya maka pag salita

"Kung gayon ikaw nga ang sinasabi ng manghuhulang Palenque" nag dikit naman ang aking mga kilay "Sisirain mo nga ang kasal ng anak ko"

Nginisian ko naman siya at muling nag salita

"Oo sisirain ko ito. Hanggang sa makalaya si Ginoong Carlos sa kasalan na yan. Hindi gusto ng anak mo ang ginawa mo. Kung patuloy mo silang sasakalin, walang anak ang matitira sayo, magiging mag isa, Donya Cassandra Elegancia"

Kung kanina at sampal niya naman ay sinakal niya ako at ngayon ay napa upo ako sa kama na hinihigaan ko lamang kanina

"Sasabihin ko to sa lahat ng tao at makakalat ang ugali mo, Cassandra Elegancia"

Binitawan niya naman ang sakal niya sa akin at tinulak ako at tuluyan na siyang lumabas sa aming kwarto

Hinawakan ko naman ang leeg ko. Gagong matanda, pashnea! Warka!!!

Kumain naman kami ng masaya nila Lola at Biya. Naisipan ko na wag na lamang na sabihin sa kanila ang sinabi at ginawa ni Donya Cassandra kanina. Ngunit naisalaysay ko ang ginawa ni Juvila sa akin

Pinatulog naman ako ng maaga ni Lola dahil sa sugat ko pero sadyang hindi ako natulog. Lumabas naman ako ngunit di na lumayo gaya ng dati kung ginagawa. Sa may Hardin lang ako












Iceza POV bilang Mariana

"My gosh kung alam mo lang itsura ni Kalei kanina, nakakainis" pag dadamog ko pa at pag susumbong ko Kya Gabe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rewrite to 1881Where stories live. Discover now