Kabanata 5

13 1 0
                                    

••

"Kuya tignan mo ang damit ko, basa dahil sa babaeng Yan. Dapat kasi ang mga taong kagaya niya ay dapat nakatira lang sa kalye"

Bastos pa na pag kakasabi ng bata. Kalma Kalei, dapat may pera ka para kay Biya, kalma

"Paumanhin sa aking nagawa ngunit alam ninyong di ko yun sinasadya. Ngunit Wala po kayong karapatan na Ang mga kagaya ako ay dapat sa kalye lang. Kung tutuusin ay mas pang kalye ang ugali ninyo"

Matapang kong pag sasabi at lalong nainis ang Bata sa akin. Ngumisi pa ako sa kanya.
Dapat lang para malaman niya di ako basta basta matapaktapakan dahil mayaman siya

"Manuel, di dapat ganito ang pag sasalita mo sa mga mas matanda sa iyo. At di nakakalalake ang pang aaway sa mga Binibini"

Wow ah, may pa ganyan si Kuya. At plus pogi points siya sa akin. Pero duh, dapat masungit parin

"Patas na Tayo, kaya Hindi ko na kailangan na humingi ng pasenya!!!" paninigaw pa siya sa akin

"Hay naku, kung Ganon siya palagi walang babaeng mag kakagusto sa kanya" bulong ko naman sa aking sarili pero napatingin ako sa taong nasa tabi ko

Tumalikod naman ako at ginawa na ang dapat king Gawin. Nagawa ko naman ito ng mabilis at inutusan ako ni Lola na ibigay ito kay Donya Cassandra

"Nakita ko at narinig ko ang pag aaway ninyo ng pamangkin ng aking Asawa. Hindi ko nagustohan ang ginawa mo at ang iyong paraan ng pag sasalita rin"

Pag sasalita niyang kalmado na nag aayos ng bulaklak ngunit alam ko na galit siya. Tumingin naman siya at iniwasan ko ito pero tumingin ulit

"Isa ka lamang katulong at tandaan mo na amo parin si Manuel o kahit na sino sa aking mga anak. Gumalang sa mga tao, lalo na sa mga taong Elegancia ang apelyido"

"Paumanhin po, tatandaan ko ang inyong mga sinabi" at nag bow pa ako para lalong gumalang

Umalis naman ako at nag punta sa aming kwarto na tinutulugan namin. Inabutan naman ako ni Biya na naka upo at agad niyang napansin ang mukha ko

"Ayos ka lamang ate?"

"Maayos lang ako. Pagod lang"

Niyakap naman niya ako at niyakap ko rin siya. Nakaka Gaan ng loob ng pag yakap ng batang ito

Nag Daan ang mga oras at ginawa Namin ang usual na aming ginawa para sa pamilyang Elegancia. Nai kwento ko kay Nanay ang nagawa ko kanina kaya naman hindi niya ako pinayagan na makita mga amo namin ngayon

Kaya naman nag huhugas na ako ng pinag lutuan ng mga kasamahan ko kanina.

"Kuskus lang!! Ito na lang pag anohan mo ng inis mo" at lalo ko pang pag kuskus

"Mabubutas na yan Lina" at pag tigil ko naman dahil mukhang nasosobrahan ko na ito

Dahil gawa gusto ko lang gumawa ay ako na rin ang nag hugas ng mga pinag kainan nilang buong pamilya

Noong patapos na ako sa aking Gawain ay may nag salita na nag paumanhin sa akin. Hindi ko naman siya kilala. Pero parang mas matanda siya sa akin na mga ilang taon

"Maayos na ba ang kalagayan mo Lina?"

...

Hindi ko naman ang aking gagawin dahil Sino ba siya???

"Ah ito ba ang sabi nila na epekto ng aksidente mo?" tumango naman ako sa kanya "Bale pala, pasenya na sa nagawa ng kapatid ko sayo kanina"

Mabuti na lang maayos ang kapatid ng batang yun

"Ayos lang po yun, Bata po ang kapatid kaya intindihin ko na lang. Larong Bata po naman"

Tsk!!!! Mabuti lang talaga mahaba na pasenya ko

Rewrite to 1881Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon