Chapter 9

12 1 0
                                    

Naging maingay ako sa aking mga ginagawa dahil ayaw ko na mag kamàli ako at may masabi sa akin ang iba. Hindi ko naman sinamahan ang mga bata ngayon dahil patuloy ako dito sa maduming silid

Habang nag tapon ako ng tila mga wala ng pakinabang ay napansin ko ang mga ilang libro na maari pang magamit. Napansin ko naman si Biya na nag lilibot

"Biya!!" pag tawag ko pa sa kanya

"Bakit po ate?"

"Walang kang gagawin ba ngayon?" umiling naman ito sa akin "Diba pangako sayo na tuturuan kitang mag basa?" tumango naman siya sa pag kakataon ngayon "Kumuha ka ng ng karton na pag lalagyan natin ng mga libro at gagamitin natin iyon para maka pag basa ka ha?"

Naguluhan naman ito dahil pero tumango. Tumalikod naman siya at sinunuod ako pero humarap muli sa akin

"Marunong ka bang mag basa ate?" ehhhhhh? Hindi ba marunong si Lina? My gosh "Baka imahinasyon mo lang yan dahil sa hindi ka maka alala Ate"

"Marunong akong mag basa at pinag kakatiwalaan mo ako diba?" ngumiti naman sa akin at niyakap pa ako

Oh gosh mukhang naniwala naman siya sa akin. Success. Buti na lang...

Nag patuloy naman ako sa pag hihiwalay ng mga libro na pwede pa at hindi na. Ngunit meron isang bata ang pumasok dito sa silid at hingal na hingal

"At anong ginagawa mo dito? Di bat dapat nasa eskwelahan ka?" mala Awtoridad na sabi ko

Wow naman tinarayan ang amo haha only Kalei Lunajero hehe

"Bakit Ikaw, tambayan namin ni Kuya Carlos dito" balik niyang sabi sa akin

"Seryoso ka ba? Dito sa maduming kwarto na ito, kayo nag tatambay?" nag karoon naman ng ilang segundong katahimikan

"Wag mong sasabihin na andito ako dahil malalagot ka sa akin at sa pamilya ko"

Panakot na naman siya. Walang epek yan. Hinayaan ko naman siya at muling nag ayos

"Alam mo maraming bata ang nag nanais na makapag aral dahil di lahat kaya ang materyes. At Ikaw na nasayo ang karangyaan at kakayahan mag aral ngunit sinasayang mo ang pag kakataon na maka pag aral"

Hindi naman ako naka tingin sa kanya ngayon ngunit batid na nakikinig siya sa akin. Wala siyang sinabi ngunit alam ko iniisip na siya ito

"Hindi ko kasi nais bilang isang kilalang tao dahil lamang sa aking pamilya. Mahirap maging Elegancia. Gaya ni Kuya Carlos tinanggalan siya ng pag kakataon na pumili ng babaeng mamahalin niya"

Pag tingin ko sa kanya at binigyan ko naman siya ng seryosong tingin

"Kaya nga dapat mag aral ka upang makilala ka bilang ikaw. Sa panahon na ito mabisa ang naka pag aral ka. Ngunit kung alam lang ng tao na mas maganda kapag nag sikap ka, sana walang mahirap ngayon"

Komento ko. Well I kinda relate to this kid. Because I was born to a family that it's surname is a big deal. Pero sa tingin ko mas suwerte ako

"Ang plano ko sana ay maging isang rebeldeng anak upang di nga ako matulad may Kuya Carlos. Nasanay kasi siyang laging sumasagot ng 'Oo' sa kanyang Ina. Idolo ko si Kuya Carlos ngunit ayaw ko maging isang isang katulad niya na walang pamimilian"

Mukhang ngang idol mo. At parang magiging pareho kayo ng Kuya Arnaldo mo dahil mas gusto niyo nag mahal ng tunay

"Alam mo may pamimilian naman ang Kuya mo kung gugustohin niya. Kung di niya mahal si Binibining Mariana pwede niya sigurong ipag laban ang sarili sa pamilya ninyo" sagot ko naman at nag iisip naman ito "Pero mukhang maayos naman ang relasyon ng Kuya Carlos mo at si Binibining Mariana kaya naman baka ayos lang yun"

Rewrite to 1881Where stories live. Discover now