Kabanata 2

10 1 0
                                    

••

Sa aking pag babalik ay lalong naging abala ang mga tao dito sa aming tinitirahan

Dahil nga daw Wala ako sa sarili ay nag libot libot lang ako sa paligid pero sinamahan ako ni Biya

Meron naman isang matandang babae na kasama nila Lincea at Juvila. At ito ay sobrang kamukha ni Juvila. Parehas rin sila kung paano sila gumalaw

Lalong abala naman ito dahil siguro sa kaganapan. Siguro mahal na mahal nila ang anak nila na mag babalik o matagal siyang nawalay sa kanila

"Siya ang Ina ng Binibing Juvila at Lincea. Siya si Ginang Cassandra Elegancia"

Pinagmasdan ko naman siya at mararamdaman mo kung gaano kalakas ang tindig niya bilang isang babae. Yung tipong Female Alpha siya

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Lina?" pag tingin ko naman sa isang lalaki at may kasamang mas matanda sa kanya "Maraming salamat muli sa pag liligtas sa aking anak na si Lincea"

"Maayos na po ako. At walang ano man po. Sadyang gumalaw lang ang aking katawan noon na ligtas si Binibining Lincea"

Pag sasagot ko sa kanyang at tumango ito. Ngumiti rin siya kay Biya at inalalayan na Ang kasama niya. Na mukhang ama niya. May kamukha siya, saan ko ba nakita noon, sa may Mall noon eh

"Biya, sino na nga ulit sila?. Hindi ko matandaan kasi?"

Boom buti naman Ganon Ang nangyari at may dahilan ako. Hindi nila ako pag hihinalaan

"Siya si Don Linceo Elegancia ang Asawa ni Donya Cassandra. At yun naman ang ama niya o Lolo nila Linceo ay siya si Don Bonifacio Elegancia"

Tinawag na kami ni Lola Tisya upang mag Handa na rin para sa Celebrasyon. Nag damit rin kami ng maganda upang di mapahiya

Kaming dalawa ni Biya ang sumalubong at bumabati naman sa mga bisita nila. Makikita mo na maraming bisita at mayayaman talaga silang lahat. Ang gaganda ng damit nila. Talagang parang 80s royals sila. Pero mayroon parin mga masungit ang mukha kagaya ni Juvila

Nag Simula naman ang Celebrasyon at hinanda namin ang mga pag kain sa mga bisita. Ay grabe sila nauna ang pag kain sana all

"Magandang Gabi sa Inyong lahat. Maraming salamat sa pag dalo ng kaarawan ng aking aking nag iisang anak na lalaki" pumalakpak naman ang mga bisita ay ganon rin ako "Mga Kaibigan ko, narito na aking anak na kakabalik lang kanina, ang anak ko na si Carlos Elegancia"

Pumalakpak naman ang mga ito. Hindi ko naman makita ito dahil sa mga tao. May bigla namang tumugtog sa isang piano

Lumipat naman ako sa puwesto na walang naka harang sa akin. At mas malinaw na sa akin kung sino ang tumutugtug

Yung Gwapong nilalang. At ang tinutugtug niya ay Yung narinig ko kanina. Pero sadyang maganda parin kahit narinig ko na

Marami namang natuwa dahil sa galing niya. Lahat ay pumalakpak ng siya ay matapos

Umalis naman ako dahil tinawag ako ni Lola Tisya at may ihahanda kami sa loob ng Bahay

Habang nag aayos ako ng mga palamuti ay may narinig akong familyar na boses

"Anong ginawa mo sa aming bahay, Binibini na may utang sa akin?" hindi ko naman siya pinansin dahil sa hiya

Sino ba kasing hindi mahihiya kapag ang nag karoon ka ng utang sa amo. Shete na kakahiya

"Magandang Gabi po" at nag bow ako sa kanya at umalis na

"Nalaglag mo pala ito Binibini" pag tingin ko sa kanya at hawak niya ngayon ang bracelet ko napula

Hinawakan ko pa ang aking kamay para sure lang ako. Kukunin ko na sana ngunit binawi niya

"Akin ho yan kaya maaari ko bang Kunin?"

"May utang ka sa akin Binibini kaya naman ito na lang ang kabayaran ng utang mo saakin" pag ngiti niya at sinuot pa ito

"Ngunit bigyan niyo ako ng panahon, babayaran ko kayo. Tutubusin ko na lamang yan o kaya naman sabihin ninyo ang nais ninyo para sa utang ko wag lang ang bracelet ko"

Derederetso kung sabi pero nag taka naman siya. At di ko gets

"Itong porselas ba kamo Binibini?" pag tatanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya

Anong bang sabi ko?

Tumalikod na naman ako sa kanya at nag punta nasa kusina.

"Carlos Anak!" tawag nila sa kanya mukhang nanay nito

Kinausap naman kami ni Lola Tisya na wag pupunta sa dining room ng mga Elegancia dahil may importante daw silang gagawin

Kaya naman ang aming gagawin ay mag silbi sa mga tao na kanilang bisita

Habang nag bibigay ako ng mga gusto ng mga bisita nila ay parang may namumukhaan akong lalaki

Dahil sa curious ako ay sinundan ko siya at pumasok ito sa loob ng Bahay ng mga Elegancia. Kaya naman palihim akong pumasok at dumaan sa kusina. Tinignan ko naman ang mga tao doon at kompleto ang buong Elegancia.

Pero napansin ko naman ang isang pamilya na nasilayan ko sa labas kanina

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa di ako maka paniwala sa mga nakikita ko. Anong? Paano? Hindi ko na maiinitan ang mga pangyayari

Di ko pa alam kung bakit andito ako sa panahon ng 1881 tapos ito pa ulit?

"Maraming Salamat sa pag dalo Pamilya Rodriguez" unang oag sasalita ni Don Linceo

"Maraming salamat din sa pag imbita aking kaibigan" sagot ng lalaki na ka edadran ni Don Linceo

"Alam naman na natin kung ano ang nais natin ng dalawang pamilya. Alam na rin ito ng mga bata. Kaya naman ang anak namin na si Carlos ay pinag kakasundo namin sa anak bunsong anak ng mga Rodriguez"

Pag taas pa ng baso ni Don Linceo. Sumunod naman ang Ina sa kanila

Napansin ko naman na pilit na masaya si Carlos.

"Sa pag kakaisa ng ating pamilya. Para sa pamilya Rodriguez at Elegancia"

Masaya naman silang mga matanda ngunit di pa masyadong ang mga ikakasal

Ay nasa panahon pala ako na ganito ang set up. Ngumiti naman si Carlos ito sa kaharap na walang halong lungkot

Mukhang mabait naman siyang anak. Agad namang niyakap at binati ang finance ng kapatid niya

Wow ah sungit sungit pero maayos naman sa iba.

Sa aking pag hihinasok sa mga usapan nila ay napansin ako ng isa sa kanila. Nag ka titigan naman kami kaya naman agad akong umalis doon

Pinagalitan naman ako ni Lola Tisya dahil bigla daw akong nawawala

Ngunit sa aking pag iiwas dahil Hindi ko alam ang gagawin ay nag papahayag na ako na dapat siyang lumapit sa akin

Hindi naman ako nabigo at naramdaman niya ang pag papahayag ko. Sumenyas pa ako at sumunod naman siya

My gosh what the hell? How? Kasi there no way

"Kalei, Ikaw ba talaga yan?" dahan dahan na pag kakasabi nito sakin

Mas lalo pang maging weird dahil may dumagdag pa sa aming dalawa

Wala namang nag salita sa amin dahil Hindi naman natlmin alam kung ano ang sasabihin

"Nag katakbotakbo na pala kayong tatlo" at sabay sabay kaming napa tingin sa babaeng nag salita

Ang babaeng hinahanap ko Simula ng dumating ako sa panahon ng 1881. Ang babaeng makakasagot ng mga tanong ko.

"Mag iingat kayo, sa panahon na ito. Tandaan ninyo mag ka iba ang panahon na ito sa panahon na sinilangan niyo"










••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Rewrite to 1881Where stories live. Discover now