Confession

3.1K 72 31
                                    

I rubbed my hands together at pina-practice ko ulit yung mga dapat kong sabihin. Kinakabahan ako.

Ilang beses ko na bang sinubukang umamin sa kanya? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na rin akong umatras. Pano ba naman kasi sa tuwing makakaharap ko sya eh lagi nalang akong inuunahan ng nerbyos.

Sa tinagal-tagal ng aming pagkakaibigan never talaga, as in never syang sumagi sa isip ko na I would fall for a girl, especially to her. Sa bestfriend ko.

Huminga ako ng malalim bago ulit kumatok sa pinto nya. Kanina pa ako kumakatok sa pinto nya pero hindi parin ako ponagbubuksan.

May ginagawa ba sya ngayon?

Winter naman buksan mo na yung pinto habang may lakas ng loob pa ako. Pag ako inatake na naman ng kaba at takot manghihinayang ka talaga for the rest of your life.

Charot!

Pero bakit kasi antagal nyang buksan yung pi—nto...

"Ano ba—oh, Karina? Anong ginagawa mo dito ng ganito kaagad?" sobrang naka-kunot yung noo nya.

Napalunok ako.

Namamawis na naman yata ulit ang noo ko.

It's now or never Karina.

Panindigan mo ang pagiging bading mo sa bestfriend mo.

"I love you Winter." mabilis na sabi ko.

I just said it.

I just drop the bomb.

She blinked tapos natulala pa sya saglit.

Masyado bang pabigla yung pag-confess ko?

Should I say more?

I cleared my throat habang nakatingin parin sya sa'kin.

"I—i really love you Winter."

She blinked again tapos pareho kaming nanahimik for a few seconds bago sya sumagot.

"Ooowkay. I mean same. Gandang pakinggan na mahal mo rin ako kasi tropa tayo diba? Sa tagal nating mag-kaibigan natural lang naman na mahalin natin ang isa't-isa." sabi nya with her oh so serious face.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa kanya.

Right. Nakalimutan ko.

Tanga nga pala sya.

"AHAHAHAHA!" malakas at pilit na tawa ko.

Itatawa ko nalang talaga ang bagay na to.

Parang walang kwenta yung ginawa kong effort at paglunok ng sangkaterba kong kaba at takot.

"Karina, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nya.

"Okay ako." okay lang ako. "Sige ah, alis na ako."

Mas lalong lumukot yung mukha nya.

"Aalis ka na? Talagang pumunta ka rito tapos yun lang sasabihin mo?" tanong nya.

Gusto ko nalang syang halikan ngayon. Bukod kasi sa sobrang cute nyang tignan ngayon eh, nababaliw na rin ako.

Nakakabaliw mag-confess sa kanya.

Sinabihan ng mahal ko sya tapos isasagot nya sa'kin eh same kasi tropa kami.

Apaka bobo mo Winter ta*gina.

"Yun lang talaga. Sige ah alis na ako."

Umuwi ako ng bahay na sobrang nakabusangot ang mukha. Sinong hindi mapapasimangot at mapapadabog sa nangyari? I just confessed sa taong gusto ko only to be rejected kasi akala nya for friendship lang yung confession ko.









Random Jiminjeong Where stories live. Discover now