Action scene

327 17 2
                                    






Sa sobrang bilis ng ginagawa kong pagtakbo hindi ko na nagagawang iwasan yung mga tao sa daan. Nagmamadali kasi ako.

"WINTER! SI NINGNING AT KARINA NAGSASABUNUTAN!!"

Ikaw ba naman ang makarinig ng ganyan habang tahimik na naka-upo sa loob ng canteen at uminom ng paborito mong chocomoo. Inutang ko lang nga pambili nun tapos maibubuga ko lang.

Hingal na hingal na huminto ako sa tapat ng open stage kung saan maraming nagkukumpulang tao.

"LET GO OF MY HAIR!!" isang high pitched voice ang umalingawngaw sa ere.

Kaagad akong sumiksik sa mga nagkukumpulan. Nakita ko sa gitna si Ningning at Karina na parehong hawak ang buhok ng isa't-isa. Napahawak din tuloy ako sa aking ulo. Ang sakit sa anit ng ginagawa nila.

Bahala na nga.

Mabilis akong pumunta sa dalawa at pumagitna.

"Woooah!" sound effects from the chismoso't chismosa.

"Tumi—gil na k—ayo." hirap na hirap na sabi ko. "Araaaaaaay!"

Lintek.

Ako na yung nasasabunutan.

"Para sabihin ko sayo. Nagkamali ka ng binabangga Karina." matapang na sabi ni Ning sabay hila pa sa kaliwang side ng buhok ko kung saan sya nakahawak.

Napadaing na naman ako.

"Aba lang! Ako tinatakot mo? Hoy, Ningning sa nanay ko nga di ako natakot sayo pa kaya." sagot naman sa kanya ni Karina na katulad ni Ning ay madiin ding hinila ang kanang part ng buhok ko kung saan sya nakahawak.

What the fck. Doble yung sakit.

"Ah talaga lang ha!"

"Talagang talaga!"

Aray ko na talaga.

"Mga put—anginang jusmiyo marimar na bwakinang shet kayong dalawa kapag hindi kayo tumigil at hindi nyo binitiwan ang buhok ko masasapak ko kayong dalawa!!"

*gasp* from everyone.

Napatigil talaga sila.

"Wi—winter..." sambit ni Karina. Napaatras sya ng konti at binitiwan ang buhok ko. Habang si Ningning naman ay...mabilis na tumakbo palayo.

What the hell was that?

Masamang tumingin ako kay Karina.

"I—" hirap syang kitain ang mga mata ko. "I'm sorry ang kapatid mo kasi..."

Inayos ko ang aking buhok. Pilit ko itong sinusuklay gamit ang kamay ko.

"Ang laki-laki nyo na asal bata parin kayo. Kung naiirita ka sa kapatid ko pwede mo naman syang pagsalitaan nalang bakit kailangan nyo pang idaan sa pisikalan? Mas matanda ka rin sa kanya." sabi ko na mas ikinayuko nya.

"Ano?" tanong ko kasi parang may sinasabi sya pero di ko naman marinig.

"I'm sorry." sabi nya lang still hindi parin sa'kin makatingin.

Tinignan ko nalang yung mga taong nakikiusyoso parin.

"Oh ano?" mataray na tanong ko. "Tapos na ang action scene. Wala ng susunod umalis na kayo. Tsupe!"

"Epal kasi."

"Anong epal? Gusto mo tayo naman magsabunutan hali ka rito." hamon ko dun sa isang babae na nagsalita.

"Luh?"

"Winter stop it." napatingin ako kay Karina at sa nakahawak nyang kamay sa braso ko.

Umayos ako ng tayo. Binitiwan nya na rin ang braso ko.

Tahimik lang kaming dalawa sa gitna ng school. Kami nalang ang naiiwang nakatayo dito sa may open stage.

"I'm sorry talaga sa nagawa ko sa sister mo. To make it up to you...lilibre nalang kita sa pudtrip."

"Hindi ba dapat kay Ning mo gawin yan?" mabilis na tanong ko sa kanya. Pansin ko ang mabilis na pag-iwas nya ng tingin at ang pamumula ng tenga nya.

"I pulled your hair din kanina and I can make it up kay Ning tomorrow." mahinang sagot nya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sige, basta bukas magsorry ka kay Ning. Pagagalitan ko rin yun mamaya at sasabihan kong mag-sorry sayo." ngumiti ako at pinat ang balikat nya.

"Tara na!"




________________________






"Anyare sayo beh? Galing kang gyera?"

"Ah oo, nagsabunutan kami ni Karina. Order mo nga akong soft drinks."

"Hoy! Totoo? Bakit?'

"Naasar nung tinukso ko kay ate Winter. May gusto ata talaga yun kay Ate. Yung soft drinks ng Giselle."

"*dramatic gasp* Di nga?! Naloka na ata ang feeling straight na si Karina."

"Giselle soft drinks nga!!"





______________________




A very short ud.
Hello everyone! ^_________^

Random Jiminjeong Where stories live. Discover now