Talbos

303 17 4
                                    

Peste naman oh!

Malutong na sabi ni Winter sa kanyang isip. Hawak nyang mabuti ang kumpol ng talbos na nakuha nya sa bakuran ng kapitbahay nila. Naiinis sya dahil sa lahat ng pwedeng iutos sa kanya..yung manguha pa talaga ng talbos ng iba ang napiling ibigay ng nanay nya.

Damihan mo pagkuha, mukhang wala namang pakialam ang may ari ng bakuran.

Wala ngang pake yung may-ari ma pero yung aso nila..meron!

In the name of talbos, sinigurado nya talagang di sya mahuhuli kaya nga dito sya dumaan sa kaliwang bahagi ng bakuran kung saan may maluwang na labasan papunta sa likod bahay nila. Pero pag minamalas ka nga naman.

Nakasalubong nya lang naman ang isang malaking aso na handa yata syang hakmalin sa oras na gumalaw sya.

Pinag-pawisan sya lalo ng marinig nya ang sunod sunod na tahol ng aso.

Mama I'm scared.

Iwinagay-way nya ang hawak nyang talbos sa harap ng aso..nagbabakasali syang vegetarian ito.

Napalunok sya ng mas lalong tumahol yung aso.

Wala na yata syang choice kundi gawin ang bagay na alam nyang nararapat sa ganitong sitwasyon.

Run Winter, run!

Pumasok sa isip nya yung linyang narinig nya sa isang pelikula.

Tumakbo na sya.

Mahigpit pa rin ang hawak nya sa mga talbos.

Bwisit na talbos to!

Naiinis man ay di nya parin magawang bitawan ang talbos dahil siguradong mas malalagot sya sa Mama nya kapag wala syang dala.

Mas binilisan nya pa ang takbo ng maramdaman nyang hinahabol pa rin sya ng aso.

Gusto nya ng umiyak ng makita nyang dead end ang napuntahan nya.

Bahala na.

Tabi-tabi po, makiki-akyat ng gate po.

Sa isip-isip nya habang inaakyat ang gate ng isang bahay na di nya alam kong kanino.

Nakahinga sya ng maluwag ng makita nya ang struggle ng aso sa labas ng gate. Nagpupumilit itong pumasok at tahol ng tahol.

"A-awat na ples, I'm tired." humahangos na sabi nya.

"Sooman!"

Juskowpow!

Biglang tigil naman yung aso at bigla nalang din umalis na akala mo ay walang nangyaring habulan sa pagitan nila ni Winter.

"You okay, Winter?" nag-aalalang tanong sa kanya ng nag-iisa nyang napaka gandang kapitbahay na si Karina.

Aliens abduct me please.

Sa lahat ng gate, why kila Karina pa?!

Si Karina lang naman ang maganda nyang neighbor. Ang kanyang dream girl. Na ngayon, sa kasamaang palad ay nasaksihan ang nakakahiyang paghabol sa kanya ng aso at ang pagnanakaw nya ng talbos.

"A-ah..eh..hehehe oo, o-okay ako salamat pala sa gate nyo hehehe." parang timang na sagot ni Winter.

Nahihiya sya ng sobra sa ginawa nyang pag-akyat nalang basta-basta sa gate nila Karina. Yung aso kasii.

"Pasensya na, nanghahabol talaga aso nila Tita kapag may nakikitang ibang tao sa bakuran nila." ah ganun ba? Sa isip isip nya. Napansin nyang nakatingin si Karina sa kamay nyang mahigpit na nakahawak sa talbos.

Random Jiminjeong Where stories live. Discover now