Accidental Queen

650 17 9
                                    







Isa to sa mga unang fanfic drafts ko na nakalimutan ko ng ipagpatuloy (≧▽≦)



_______________



"Papunta na ba sila?"

I immediately nod. Kanina nya pa tinatanong sa akin yan. Parang ako lang ang part ng event na to.

"Good. Punta muna ako sa ilang mga reporters na kanina pa nanggugulo."

Di nya man lang ako inintay makasagot.

I looked at my watch again. They're 20 minutes late for the said conference.

Kung alam ko lang na ganito mangyayari hindi ko sana tinanggap yung offer. Baka ito pa maging dahilan para matanggal ako sa trabaho.

Mabilis na lumabas ako ng hall when I saw the candidates bus. Sa wakas ay nakarating na rin ang pambato namin.

Tumakbo na agad ako papuntang bus.

Inayos ko ang medyo nagulo kong dress dahil sa pagtakbo.

Reporters also started to gathered around the bus.

Where is she?! I thought she'll deal with the reporters?

Camera's flashing everywhere na. It's the biggest event of the year of course ganito ang mangyayari lalo't inaabangan ng lahat ang candidates ng company namin.

Ready na sana akong bumati ng may isang babae ang bumaba ng bus at parang nasusuka pa. Umatras ako bigla.

Alalay ba to ng mga candidates?

Nagsimula ng magsikuha ng pictures ang mga reporters.

Another girl came out fallowed by another girl. They're all wearing the same baby blue shirt and kupas na pants. The other girl is wearing a cap pa.

Nakita ko nalang ang mabilis na pagtakbo ni Ate Irene sa papasok sa loob ng bus. She looked worried that's why I fallowed her immediately.

"Oh my god." she muttered under her breath.

Walang ng ibang sakay ang bus.

Where's the candidates?!

"Rina please accompany those girls papasok sa loob. Kailangan nilang makapasok agad." natataranta nyang sabi.

What's happening?!

"Ate where's the candidates?"

"Ipasok mo muna yung mga babae." she looked so serious kaya lumabas agad ako ng bus.

Muntik na akong mapamura.

Reporters are attacking the girls.

Agad kong tinawag sila Lucas para itaboy sandali ang mga makukulit na reporters na to.

Nilapitan ko yung tatlong babae. Takot na takot sila.

"Hey, it's okay. Let's go sa loob." I said giving them a small smile.

They didn't ask naman. Agad silang naglakad at ni-lead ko naman sila. Natakot siguro talaga sila.

Nakasunod parin sa amin ang ilang reporters.

"Sila ba ang candidates ng SM company?"

"How's the preparation so far? You think you can win?"

"Confident ba kayong maipapanalo nyo ang pageant na to?"

"Lucas, shove them properly." mariin kong utos.

Nakakainis na ang mga reporters na to. Di ba nila kayang mag-antay?

Random Jiminjeong Where stories live. Discover now