Pink Barbie

901 34 15
                                    


Life is a war and you need pamaypay.

Oo, pamaypay. Ano ba naman ang nangyayari sa weather ngayon? Ang init-init. Si Mama tuloy panay ang laba tapos panay din sermon sa'kin. Kesyo kababae ko raw na tao hindi ako masipag maglaba.

Ay nasira pa!

Inis na inilapag ko ang pamaypay na hiniram ko kay Lola kanina. Sira kasi ang electric fan dito sa kwarto kaya nagtitiis ako sa pamaypay ni Lola na mula pa yata sa panahon ng mga hapon sa sobrang luma.

Ito nga napalakas ako ng paypay at nasira na. Magpapaliwanag nalang ako ng mabuti mamaya kay Lola. Goods naman ako lagi kay Lola kaya I'm sure na hindi ako mapapagalitan.

"Karina iha!"

Umangat ang isa kong kilay.

Tinatawag na naman ni Mama yung maarteng border nila Ningning. May maliit kasing paupahan itong sila Ningning at sa kamalas-malasan at kasaklap-saklap na pagkakataon ay naging border nila yang si Karina.

Ay naku! Lahat na yata ng kaartehan, kasungitan, kapaklaan, kagandahan...ay mali.

Basta. Napaka ewan ng babaeng yan. At kung minamalas ka nga naman ay iisa lang kami ng university na pinapasukan. Lagi nyang kasama yung mga friends nyang kaparehas nyang pinaglihi rin yata sa sama ng loob. Siguro ganun nga talaga. Birds with the same wings hangout together.

Sumilip ako ng konti sa may bintana at nakita kong nag-uusap nga sila ni Mama. Ang alam ko kasi ay may utang yang si Mama kila Ningning at usually kay Karina nya ipinapaabot lalo na kapag tanghalian sya nagbabayad. Sila Tita kasi madalas wala rin sa bahay nila at gabi lang nauwi. Ayaw namang ipagkatiwala ni Mama ang bayad kay Ningning kasi napaka gastador ni gaga.

Tumaas lalo ang kilay ko. Ang tagal naman yata nilang matapos mag-usap?

Nadako ang tingin ko sa mga sinampay ni Mama. Harujusko! Kaharap lang ni Karina ang mga bra ko!

Nagpabalik-balik na yung tingin ko kay Karina at sa mga sinampay ni Mama. Wag sanang madako ang tingin nya sa mga yun.

Napatakip ako ng bibig habang bumibilog ang mga mata. Tumingin lang naman si Karina sa kinaroroonan ko at nakangising tinignan ako tapos yung shinning shimmering bra ko sa likod ni Mama.

Pink na barbie.

She mouthed.

Doon na ako nanghihinang napaupo sa sahig.

Naalala ko na naman yung nangyari noong nakaraang byernes.

Umuulan, sobrang lakas. Saktong hindi ako nakapagdala ng payong. Nakasuot lang ako ng simpleng white shirt at jeans dahil nga byernes at wash day namin. Hindi ko maabutan ang huling fx na dadaan kung aantayin ko pa ang walang kasiguraduhan sa paghupa na ulan na to.

So I run as fast as I can papuntang sakayan.

Ay rhyme.

Tumakbo nga ako at sa hindi ko malamang dahilan kung ba't ako minamalas ng sobra eh puno yung waiting shed.

Saan ako lulugar? Basang-basa na ako.

At that time ready na akong umiyak. Basang-basa ako at marami ang naka-abang sa waiting shed. Paano pa ako makakasakay?

And then a miracle happened...or so I thought.

Karina in all her glory. Walking palapit sa'kin with her beautiful white payong. Bigla tuloy nag-play sa utak ko yung kanta ng aegis.

Random Jiminjeong Where stories live. Discover now