chapter 2-(i'll drive you home)

122 12 0
                                    

Zia's pov

Nagluluto ako ngayon ng almusal namin nila mama at papa. Tulog pa kasi sila.

Hindi naman kami mayaman. Hindi rin naman kami mahirap sakto lang kasi may coffe shop naman si mama at si papa naman ceo sa kumpanya ni lolo.

Balak ko na sanang gisingin sila pero nagulat ako dahil nakaupo na sila mama sa harap ng lamesa.

"ang bango naman ng niluluto ng baby namin!"masayang sabi ni papa.

Echos fried rice lang naman yan at itlog ano namang mabango dun.

"goodmorning baby ko!" paglasabi ni mama nyan ay niyakap nya ko.

"goodmorning din po! Ang OA mo naman pa eh sinangang lang toh eh." sabi ko kay papa

"aba eh totoo naman eh paborito ko kaya ang sinangang mo." pambonola pa ni papa

"asus! Nambola pa ang papa mo." hirit naman ni mama.

"dyan lang po kayo ha magpiprito lang po ako ng tilapia!" sabi ko kila mama.

Pero agad akong hinila ni mama.

" ay n—naku wag na anak okay na ang itlog perfect na ang pagkakaluto mo doon!"  ninenerbiyos na usal nito.

"anak ano kasi baka kasi mangyari na naman yung nangyari sa bahay ng lolo mo nung nagluto ka ng ibang putahe. Okay na yang itlog at fried rice mama mo na lang ang bahala." sabi naman ni papa at nagpilit ng ngiti.

Ay ang sama talaga nila.

di ko naman sinasadyang magkasunog sa bahay ni lolo eh naglalaro kasi ako nun ng ispaispadahan gamit ang sandok nakalimutan ko na may sinalang nga pala akong kaldero sa may stove yun nagkasunog mabuti na lang at nakita agad ni manong joselito kaya naapula agad.

Hay ang sarap balikan ng memories para nabantayan ko yung kaldero na nakasalang sa stove!!!




Standford university.

Nakarating ako sa university nakita ko agad ang lovebirds.

Palaging ganun ang routine namin makikita ko sila sa may bench kung hindi nagkikilitian nag lalandian.

"hoy mga hinayupak na lovebirds magbe-bell na!!"pasigaw kong sabi.

"bitter alert!!  bitter alert! Si zia bitter na naman."sabi ni jonathan.

"truelalu!!"maarteng sabi ni sha sha.

Habang naglalakad kami naglalandian pa din yung mga hinayupak na lovebids panay lang ang irap ko sakanila na ikinatawa nila.

Pagpasok namin sa classroom magkakatabi na naman ang mga hinayupak na couples.

Ako naman lumayo sakanila para mapagisa baka langgamin na ko sa upuan ko lumipat ako malapit sa bintana para makita ko ang hallway nakita ko naman si clark na naglalakad habang may earphone sa tenga.

At dahil sira ulo ako gagawa tayo ng kalokohan!!!

"hoy clark alam mo bang ang sarap mong halikan kasi naman napakakissable ng lips mo, pero hahalikan lang kita wala akong balak magjowa ng basketball player ha!"sabi ko dito natawa naman ako kasi hindi sya huminto hindi talaga nya ko narinig hanngang sa huminto sya sa harap nila ymar at  may sinabi sakanila.


Natapos ang klase namin at sge pa din ang harutan ng mga katabi ko lumipat kasi sila sa tabi ko dahil narinig daw nila yung sinabi ko kay clark.

Kaya tinawanan ako.

Paalis na kami balak ko sanang sumaba4th na lang sakanila pauwi para tipid sa pamasahe pero ang mga walanghiya inutusan ako ng inutusan kaya napagdesyunan ko na lang na maglakad.

Maaga pa naman magtetext na lang din ako kila mama.

To: mama

Message: m4 l@t€ 4k0 m@k@k4uw! H@! B!l! P@ k4s! @k0 f00d!
(ma late ako makakauwi ha! Bili pa kasi ako food!)

Message sent!

Naglalakad ako papunta sa ihaw ihaw street kasi bibili ako ng isaw,barbecue at dugo.

My favoritos!!!

Nakakita ako ng nagtitinda ng palamig kaya bumuli muna ko.

Nakita kong ang daming nakatingin saking tae—este tao pala.

Titig na titig sila sakin dahil busy ako sa paginom ng palamig di ko na lang sila pinansin.

Namimili ako ng ipapalutong barbecue,isaw pati dugo ng may yumakap sakin mula sa likuran.

"you have blood in your pants."sabi nito.

Tinignan ko naman kung sino ang nagsalita shala si cl—clark nandito.

"as in tagos!"nagpapanic kong sabi.

Tumango naman ito bilang sagot.

Shet sabi ko na magkakaroon na ko leche di ako prepared!!

"just walk! Tatakpan ko gamit ang pagkakayakap ko sayo."he said to me.

Tumango na lang ako kesa naman maginarte pa ko nakakahiya kaya.

"ay teka yung barbecue ko!" sabi ko sakanya.

"i'll buy you mamaya magintay ka doon sa may kotse ko!"may irita sa boses nito.

Sungit mo!!!

Supaladong clark.

Pagpunta namin sa kotse nya pinasakay nya agad ako.

Inilahad ko ang palad ko sabay sabing"barbecue ko!" nakangusong saad ko dito.

Teka ngumiti ba si clark?!

Ay hindi siguro namalik mata lang ako.

"just wait here."pagsabi nya nun ay tumalikod sakin.


Ilang minuto din ako naghintay bago ko sya matanaw sa bintana ng kotse.

"here!" saad nito.

Tuwang tuwa ko namang binuksan ang hawak nyang plastic.

"okay na ko matatakpan ko naman yung tagos ko ng damit ko eh!"sabi ko sakanya pero nagulat ako ng isara nya ang pinto at lumipat sa driver seat.

"i'll drive you home."




Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now