chapter 13-(family problem)

77 7 0
                                    


Zia's pov

Papunta kami ngayon sa bahay nila tita jasmine para mag celebrate ng birthday nito.

May dala kaming cake para sakanya, at cookies.

Magaalastyes na ng makarating kami sa bahay nito.

Nagbusina si papa ng mga ilang busina pa atsaka bumukas ang gate nila tita.

Pagapasok namin sinalubong agad kami ni tita jasmine at ng pinsan kong si maemae 3 years old pa lang ito kaya sobrang close kami.

Madalas sin kasi ako dito nung highschool ako.

Agad akong hinila ni tita jasmine papuntang sala at pinaupo sa sofa nya.

"kamusta na ellithia? May naalala ka na ba?!"tanong nito saakin.

Hindi ko alam pero lagi akong tinatawag ni tita jasmine sa pangalang ellithia hinahayaan ko na lang ito

At palagi rin nitong natatanong kung may naalala ako!

Wala naman akong nakakalimutan maliban yung mga memories ko nung elementary and nung baby ako pati nga yata first year highschool memories ko nakalimutan ko eh.

"ahmm—wala pa po tita eh. Sorry po."sagot ko rito.

"no. Iha don't apologize its okay! Maalala mo rin ang lahat okay!"sabi nito.

Tango lang ang nasagot ko dito dahil naiilang nako.

Ng tumayo si tita at pumunta sa gawi nila mama agad ko namang pinagtuunan ng pansin si maemae na nakatingin lang sa direksyon ko.

Sinenyasan ko itong lumapit saakin na agad naman nitong sinunod at yumakap ito saakin.

Ngumiti ito ng paramg wala ng bukas kaya ngumiti din ako.

"namith ita aye siana!"(namis kita ate ziana)sabi nito na ikinatuwa ko.

Hindi pa rin ito diretsyo magsalita.

Nawala ang atensyon ko kay mae mae ng makita sila mama at tita na para bang nagaaway.

"mae mae dyan ka lang ha! May titignan lang si ate ziana!"sabi ko rito.

Agad naman itong tumango.

Nilandas ko ang direksyon nila tita upang marinig ko ang paguusap ng mga ito.

"hindi habang buhay mabubuhay sya sa kasinungalingan marilou! Kailangan nyang makaalala!"impit na sigaw ni tita kay mama.

"makakaalala din sya hindi lang sa ngayon!"sagot naman ni mama kay tita.

"marilou alam mong hindi mo anak si ellithia anak sya ni elisa! Pinangalanan mo lang sya ng ziana dahil yun ang pangalan ng anak mong namatay hindi ba?!"sabi pa ni tita.

Sa mga salitang iyon tumulo ang luha ko,hindi ako tunay na anak nila mama sino si elisa parang pamilyar ang pangalan nya sakin pero hindi ko sya maalala.

Sino ba sya?! Wala akong kilala elisa.

Ipinagsawalang bahala ko ang mga nasa isip ko at nakinig uli sa usapan nila mama.

"ate anak ko si ziana,matrotroma lang sya kapag ka naalala nya na ang lahat! Tungkol sa mga magulang nya!"sabi ni mama habang may luhang bumabagsak sa mga mata nito.

"kailangan nyang maalala ang tungkol sa aksidente! Hindi sya mabubuhay lang sa isang amnesia, kailangan nyang malaman ang totoo ang nangyari,marilou hindi mo sya anak!"nanlulumo na sabi ni tita.

Gusto kong tumakbo,gusto kong sumigaw, sa lahat ng pinakita nila sakin lahat yun kasinungalingan hindi sila ang magulang ko.

Anong bang aksidente?! Wala akobg maalala!!!!

Babalik na sana ako kay mae mae para magpahinga kahit sandali lang ang utak ko pero hindi ko inaasahan na matatabig ko ang vase na ikinadahilan nito para mabasag.

"ziana/ellithia!"sabay na sabi nila tita at mama.

"narinig mo ba ang lahat?"tanong ni mama  saakin.

Hindi ako sumavot pero ramdam ko ang patuloy na pagbagsak ng luha ko sa mga mata ko.

Hahawakan sana ako ni mama pero iniwasan ko ito.

Kinuha ko yung bag ko na katabi ni mae mae at lumabas ng bahay.

Ayoko muna silang makita.

Ayoko munang makita ang mga nagsinungaling saakin.

Paglabas ko agad akong tumakbo pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon nagsinungaling sila mama saakin.

Patuloy lang ako sa pagtakbo ng mapagod ako ay naupo ako sa isang tabi.

Hindi ko alam kung nasan ako ng ilibot ko ang paningin ko.

At napansin kong nasa gitna pala akong park ng subdivision nila tita.

Wala masyadong tao, siguro kasi nasa madilim na lugar ito.

May duyan din dito, naupo ako roon atsaka yumuko.

"bakit ba sakin nangyari ito?! Sino ba kasi si elise?!anong car accident yun! Bakit hindi sila mama ang tunay kong magulang bakit wala akong maalala sa childhood memories ko?!"tanong ko sa sarili ko.

Ang dami kong tanong pero ni isa walang sagot.

Gusto ko lang umiyak sa ngayon wala na kong ibang magawa kundi umiyak.

Nakayuko lang ako wala akong paki kung may makapansin man saakin.

Inangat ko ang tingin ko may liwanag akong nakita na bulto ng isang tao.

Pinagid ko ang luha ko dahil hindi ko makita ang itsura nito sa dami ng luhang nasa mata ko.

"ziana?! Ikaw bayan?"rinig kong sabi nito.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito pamilyar naman saakin ang boses nito.

"andrew?"tanong ko rito

"ako nga! Bat ka umiiyak may nangyari ba?!"tanong nito saakin.

Hindi ako nagsalita at agad ko itpng niyakap.

Ibinuhos ko lahat ng luha ko sa dibdib nito.

Gusto kong maubos na ang luha na toh. San ka ba nanggagaling?!

"sge lng iiyak mo lang yan! Pag mayproblema ka okay lang umiyak wag ka lang susuko!"sabi nito saakin.

Hindi ako sumasagot rito ibinubuhos ko lang ang luha ko sakanya.

Ayoko munang magsalita.

"tapos ka na ba?"tanong bito saakin.

Umalis ako sa pagkakayakap ko sakanya at tumango.

"ano ka ba?! Usapan natin luha lang ang pupunasan ko bakit may sipon!"aabi nito saakin.

Bahagya naman akong Natawa sa sinabi nya.

"ayan ngumingiti ka na!"sabi pa nito.

"andrew bakit ka nga pala nandito?!" tanong ko rito

"malapit lang dito ang bahay ko!kaya ng mapadaan ako may nakita akong babaeng umiiyak eh kamukhang kamukha mo kaya nilapitan ko!"pagapapliwanag nito.

"thank you!"pagpapasalamt ko dito.

Tinignan ako nito sa mga mata ng may pagalala.

"ziana ayos lang naman magkwento.
Pero hindi naman kita pipilitin magkwento okay lang sakin kung ayaw mo gusto ko lang malaman ang nangyari."sabi nito.

"ikwekwento ko sayo! Halika nga at maupo ka dito."sabi ko rito at tinap ang katabi kong duyan.

"sa bahay ka na lang  magkwento kung gusto mong sumama sa bahay ko at nang malagyan natin ng yelo yang namamaga mong mata!"sabi nito.

Tango lang ang naging sagot ko dito.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now