chapter 14-(advice)

68 6 0
                                    

Zia's pov

Nakarating kami sa bahay ni andrew pero napanganga ako sa sobrang laki nito parang palasyo.

"hoy lalaki diba waiter ka lang?! Eh bakit ganito ang bahay mo mala palasyo sa sobrang laki?! Nagnakaw ka siguro noh, naku andrew masama yan wag ka ng magna-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pitikin ako nito sa noo.

Napangiwi naman ako sa sakit.

"ma'am hindi po ako nagnakaw o nanguha,florantes restaurant is my resto so tinutulungan ko din ang mga staff kapag madaming tao. Eh yung time na kumain kayo madaming tao kaya ako ang nagasikasu sainyo."sagot nito.

Napatango tango naman ako at kumamot ng ulo.

Jugdemental talaga ako.

Pumunta kami sa harap ng gate at nagulat ako ng biglang bumukas ito magisa.

"hala may multo!" takot na sigaw ko.

Hinawakan ko sa braso si andrew atsaka hinatak palayo.

Nagulat ako ng hapitin nito ang bewang ko at tinapat nya ang mukha ko sa mukha nya.

"its automatic."mahinahong sagot nito.

Tinulak ko naman agad ito na ikinatawa nya.

"masyado kang close hindi ba uso sayo ang distance like one meter apart!"sabi ko rito.

Tumatawang pumasok ito sa gate ng bahay nya.

Sinundan ko na lang ito at iginala ang mga mata ko.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nya agad nya akong pinaupo sa sofa nya sa sala.

Formal lng tignan ang bahay nito dahil sa kulay pero nakakamangha naman ito sa laki.

"now what is your problem?"tanong nito agad.

"teka lang tanungin mo muna ako kung ano gusto ko kape,juice o tea? Dali na nauuhaw na ko! Gusto ko juice ha!"sabi ko rito.

Kanina pa ko nauuhaw dahil nabuhos ko na yata ako ng luha dahil wala na kong laway.

Medyo nawala ang lungkot dahil habang papunta kami sa bahay ni andrew pinapatawa ako nito ng pinapatawa kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko pa naman alam ang totoong kwento at hindi ko pa naririnig ang pagpapaliwanag ni mama kaya hindi muna ako magagalit sa kanila pipilitin ko muna na mawala ang inis ko sakanila dahil sa mga kasinungalinagan.

Agad naman itong tumayo at tumawa.

"ikukuha lang kita ng juice!dyan ka lang!"sabi nito.

Para naman kung saan ako pupunta.

Wala naman akong ibang pupuntahan.

Tango lang ang naging sagot ko rito.

Pagalis nito inilibot ko ang mata ko nakita ko na naman na maaliwalas ang bahay nya kulay puti ang dingding at ang sofa nito ay kulay itim.

Maliban doon meron ding 24 inches na tv roon.

Napakayaman naman ng lalaking toh.

"im back"nakuha ng lalaking nakatayo ang atensyon ko na tila napagwapo nito.

Maskulado at napukaw nito ang tingin ko sa kanyang mga mata napakaganda nito kulay abo.

"huy ziana okay ka lang?!"isang tanong na nagpagising saakin mula sa reyalidad.

Ibinigay nito saakin ang isang basong naglalaman ng inumin.

Tango lang ang naging sagot ko dito bago ko inumin ang ibinigay nito saakin.

"now! Can you tell me why are you crying in the middle of the park?"tanong nito.

Pinilit kong wag umiyak habang ikinukwento ko dito kung ano ang mga narinig ko.

Ilang beses ko na itong naalala pero hindi pa rin naaalis ang sakit na binigay ng bawat salita na yun.

Ng matapos akong magkwento agad ako nito niyakap dahil sa hindi matangal na hikbi ko.

"zia alam mo kung ako ang nasa kalagayan mo hindi pagtakbo ang gagawin ko,oo masasaktan ako kasi may nalaman ako na hindi ko matandaan na pangyayari pero pakikinggan ko muna ang paliwanag nila bago ako tuluyang umalis, naiintindihan naman kita eh, kaya lang kailangan mo ding intindihin ang pamilya mo! Alam kong masakit para sayo pero hindi lang ikaw ang nasasaktan sila din!"sabi nito.

Hindi la rin ako tumitigil sa pagiyak tuloy pa rin ang hikbi ko.

"pero hindi naman ako ikaw eh, kaya hindi ko magagawa yang sinasabi mo!"pagsagot ko rito.

"pero mapapakinggan mo sila, hindi ba?!"tanong nito saakin.

Tinignan ko ito at para naman itong batang nagaantay sa magiging sagot.

"titignan ko."tanging sagot ko.

Pinunasan ko lahat ng natitirabmng luha sa mga mata ko.

"inaantok ako andrew! Pwede ba matulog dito?"tanong ko rito.

Ngumiti naman ito saakin at tumango.

"next time bago ka tumakbo sa problema makinig ka muna sa paliwanag okay?!"sabi nito.

Tumango naman ako dito atsaka nahiga sa may sofa.

"magluluto lang ako sa kusina pag may kailangan ka tawagin mo lang ag pangalan ko maam!"sabi pa nito at sumaludo saakin.

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nito at ikinilos.

Ng ipinikit ko ang mga mata ko bumabalik saakin ang mga nangyari kanina.

Sana pala pinakinggan ko muna sila

Tama si andrew sa mga sinabi nito.
Siguro nga may dahilan sila kung bakit sila nag sinungaling saakin.

Sa ngayon matutulog muna ako at bukas ko aayusin ang lahat.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now