chapter 20-(picture)

72 8 0
                                    

Ellithia's pov

Magkakasama kami ng barkada maliban kay clark na may ginagawa para makapasok ang team nila sa laban ng university namin.

Kumakain ako habang ang mga couples naman ay busyng busy maglandian.

Ewan ko parang nanghihinayang ako sa nangyari kahapon.

Dapat pala hindi ko pinigilan!!

Laging nasa isip ko simula pa kagabi, Naiinis ako sa sarili ko dahil iba ang nararamdaman ko kay clark.

Alam ko naman na mali na ibinigay ko sakanya ang first kiss ko ng hindi ko sya boyfriend pero may nagsasabi ng sa munting isip ko na dapat maging masaya ako.

Sa ngayon iisipin ko lang na hindi yun nangyari para mas maging maayos ang pagiging magkaibigan namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagkwentuhan sa mga couples ng may biglang humila ng buhok ko.

Agad ko namang tinignan kung sino ito pero nakita ko lang ang isang babaeng maganda,maputi at maikli ang buhok.

Agad naman akong tinulungan nila amelyn.

"ano bang problema mo ha?! "inis na tanong ni amelyn dun sa babae.

"sya!, sya ang problema ko!,nilalandi nya ang boyfriend ko! "sabi nito.

"ano bang sinasabi mo?! Sinong boyfriend! At fyi ate wala akong nilalandi! "sabi ko naman dito.

"si clark gian samson ang boyfriend ko,you slut get away of my boyfriend! "maarteng sagot nito.

Ibig sabihin may girlfriend si clark at hindi nya yun sinabi saakin habang unti unti akong nahuhulog sakanya.

Masakit na may girlfriend na pala sya! Sobrang sakit sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito ang pinakamasakit parang unti unting nadudurog yung puso ko sa sinabi ng babae na girlfriend sya ni clark.

Alam ko namang hindi ako dapat masaktan dahil wala namang kami ni clark pero kung kelan nahulog na ko sakanya atsaka ko pa nalaman na may girlfriend pala ito.

"kaibigan namin si clark! Hindi nya nilalandi si clark! "sagot naman ni jenele.

"oh really?! "sabi nito.

Nagulat naman kami ng bigla nalang itong tumawa ng malakas.

"then what is this? "sabi nito sabay pakita ng picture namin ni clark na magkasama at magkadikit ang labi sa isa't isa.

"so kung hindi mo nilalandi ang boyfriend ko kinakalantari mo ganun ba yun ha! "zabi pa nito.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pinakita nito.

I was too stuned to speak.

Nasasaktan pa rin ako,kung nasasaktan ako alam ko na mas nasasaktan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

Niloko sya ng boyfriend nya! Niloko sya ni clark.

Anong laban ko sa babaeng toh! Girlfriend sya,eh ako ano ako?!

Ni hindi ko nga alam kung gusto din ba ko ni clark kaya nya ko hinalikan.

Hihingi pa lang sana ako ng sorry sa babae ng bigla kong makita si clark na hinawakan yung babae.

"what are you doing here jannica? "inis na tanong nito sa babae.

Bakit parangvmas lalo akong nasaktan ng makita kong hinalikan ng babae si clark sa mismong harap ko.

Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko sa harap nila ay umalis na ko.

Ayokong makita ang magiging eksena nila.

Ayoko ng makita pa si clark.

Narinig kong tinatawag pa nila clark ang pangalan ko pero hindi ako lumingon kasi kapag lumingon ako malalaman nya na mahal ko na sya,oo mahal ko na sya,inaamin ko na,mahal ko sya na dati pilit kong denideny sa sarili ko.

Palaging kong dinideny sa mga kaibigan ko,kay mykel pati sa sarili ko.

Kasi ayokong mainlove ng walang kasiguraduhan,

Narinig ko ang pagtawag saakin nila amelyn pero tuloy pa din ako sa pagtakbo,alam kong hinahabol nila ako pero wala pa rin akong hinto sa pagtakbo.

Ng mainis na ko dahil hindi pa rin sila humihinto sa paghabol saakin.

Hinarap ko sila at kasabay naman nun ng paghinto nila.

"ano ba?! Tumigil nga kayo sa paghabol saakin! Anong bang kailangan nyo?! Tumigil na kayo gusto ko lang naman mapagisa! Bakit ba ayaw akong pagpahingahin sa problema?!kakatapos lang ng problema ko sa pamilya ngayon ito naman! Do i did something bad to have this hurt! To have all this problem! I dont even know why they doing this to me! Amelyn tell me do i did bad to somebody!?!"

Hindi ko alam kung anong sakit toh! Basta ang alam ko sobrang sakit sobra sobra! Mas masakit pa kesa nung nalamn kong ampon lang pala ako!

Hindi ko akalain na may mas sasakit pa pala doon!,mas masakit pala na yung lalaking mahal mo at pinararamdam din sayo na mahal ka eh may girlfriend pala! May totoo pa lang mahal!

Ayoko ng ganitong pakiramdam!,gusto ko mawala to kahit sandali lang kahit panandalian lang!

Tuloy pa rin ako sa pagiyak ko sa harap nila, naramdamn ko naman na may yumakap sakin.

"amelyn sa tingin ko kailangan muna natin syang iuwi!"rinig kong sabi ni ymar.

Hindi pa rin umaalis si amelyn sa pagkakayakap sakin.

Pagalis ni amelyn sa pagkakayakap sakin agad ako nitong inalalayan makatayo!

"gusto mo na bang umuwi? "tanong ni amelyn saakin.

Agad akong umiling bilang sagot.

Ayokong makita ako ng mga magulang ko ng ganito!

Gusto ko munang isekreto sakanila ang nangyayari.

Kapag umuwi ako tatanungin lang nila ako kung anong nangyari.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na inlove ako sa taong hindi ko alam kung anong tingin sakin sa lalaking may girlfriend pala.

Tapos nasasaktan ako dahil may girlfriend pala sya pero hinayaan kong halikan nya ko.

Ayun ba yung sasabihin ko sakanila.
Baka magalit lang sila saakin dahil sa kabaliwan na ginawa ko.

Medyo malayo din kasi ang parking lot sa kinatatayuan namin kaya pinakuha na lang ni amelyn kila ymar ang gagamitin naming sasakyan.

Nakayakap lang ako kay amelyn ng bigla itong magsalita.

"ellithia? Pwede ka naman muna sa bahay ko,kung gusto mo lang naman."sabi nito.

Agad naman akong tumango dahil ayoko pa talagang umuwi hindi ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon.

Kung aaminin ko ba kay clark na mahal ko sya o lalayuan ko na lang sya para maging madali sakin ang lahat para mabilis akong makapag move on sakanya.

Siguro kailangan ko lang talaga mag pahinga.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now