chapter 25-(jonathan)

62 6 1
                                    

Ellithia's pov.

Kakasabi ko lang na iiwasan ko na ang lalaking yun ih pero bakit parang ayaw ni lord

Lord!!! Iiwasan ko na po sya ihhh! Wag naman pong ganun!

Nasa kwarto ako kanina ng gisingin ako ni mama dahil nanjan daw ang lalaking hinayupak.

Agad akong bumaba para kumain hindi para pansinin o batiin ang lalaking yun.

"anak anjan ka na pala,nasa sala si clark, napakagwapong bata! "sabi ni mama saakin.

Sasagot pa lang sana ako ng makita ko ang pagkunot ng noo ni papa.

Alam kong magaaway ang dalawang ito.

"tiyak naman na mas gwapo ako dun ano! Kaya mo nga ako pinakasalan diba?! "sabi ni papa.

Natawa naman ako sa reaksyon nito.

Hindi pa rin ito nagbabago,parang bata pa rin ito dahil laging nagseselos

"tama na po yan, tutulungan ko na lang po kayo maghain."pagsabat ko naman sa dalawa.

Lumapit naman ako dito pero pinigilan lang ako ni mama.

At sinabing ayain ko na daw ang lalaking hinayupak na kumain kasabay namin.

Pero hindi ko ito pinuntahan at dumiretsyong upo.

Napabuntong hininga naman si mama at nagtungo sa sala para sya na ang tumawag sa lalaking hinayupak na yun.

Hindi ko sya papasinin o babatiin im going to move on kahit hindi naging kami!!

Nakita ko naman ang pag dating ni mama kasama ang lalaking hinayupak inalis ko agad ang tingin ko dito atsaka kumuha ng pagkain.

"kumain ka na iho, wag kang mahiya. "sabi ni mama dito.

Hindi ko man pasadahan ng tingin ang hinayupak na toh.

Alam ko na nakatitig ito saakin.

Naubos na ang tinapay na kinuha ko kanina kaya naman balak ko sanang kumuha uli pero katabi kasi ni mama ang tinapay kaya medyo malayo.

"ma, paabot po ako ng tinapay. "sabi ko dito.

Hindi pa naiitataas ni mama ang kamay nya ng kunin na ng lalaking hinayupak ang tinapay.

"ako na po. "sabi nito at tangkang iaabot sakin ang tinapay pero nagsalita agad ako

"ayoko na pala ng tinapay,maghohotdog na lang ako, paabot pa."sabi ko dito.

Aabotin pa lang ni papa ang hotdog pero tumayo na ang lalaking hinayupak.

"ako na po tito."sabi pa nito.

Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil naiinis na ko.

Wala na bang pagkain toh sakanila.

"wala na bang pagkain sa bahay nyo kaya dito ka nakikikain?! "inis na sabi ko dito.

Nagkamot naman ito ng batok at bigla namang tumayo si mama papunta saakin.

Hindi pa man din ako nakakatayo ng paalisin ni mama si papa sa pwesto nito at pumalit ito sa tabi ko.

Hindi ko na lang ito pinansin at tumingin uli sa lalaking hinayupak.

Inirapan ko ito ng nakakamamatay na irap.

Pero pasimple akong kinurot ni mama sa ilalim ng lamesa.

"sinundo ka nya ih para sabay daw kayong pumasok, kanina pa sya dyan sa sala dahil ang bagal mong kumilos, baka hindi pa kumakain sa sobrang aga nagpunta dito ko na pinakain."paliwanag ni mama.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now