Chapter 20

6.9K 196 4
                                    

"Your too old for this Tito,"

"No!Wala yun sa edad basta gusto mo.Ang damot mo naman kasi eh.Naka ilang hotdog kana diyan!"ng dahil lang sa pagkaing hotdog...

Napailing nalang ako habang nakikinig ng away nilang dalawa.Kanina pa silang ganyan,mabuti nalang at tatlo lang kami ang nasa hapag.Isang bata at isang isip bata.Feeling ko tuloy ay hindi ko siya kuya sa inaasta niya.Yung nakikipag away sa pamangkin niya para lang sa pagkain.
Sila Mom and Dad naman kasi ay nasa bakasyon.Kaninang madaling araw lang umalis.

Biglaan din kasi,si mommy ang naka isip non dahil sa napag usapan namin kagabi.Nagulat nalang kami dahil hindi na namin sila nadatnan sa bahay.Sa kasambahay lang namin nalaman.

"You have your own hotdog Tito,bakit mo pa nikukuha yung sakin?"napanganga naman kami ni kuya dahil sa sinabi niya.
Anong!
San niya ba naririnig ang mga salitang yan!?Naloloka na ako minsan sa pinagsasabi nito eh.

Nagtagumpay naman si Sanya na kunin ang natitirang ulam na pinag aagawan nila kanina.
Nalingat na si kuya dahil sa sinabi ni Sanya.

"San mo natutunan yan!?Oiii bad yan Sanya auh.Baby kapa pero yung lumalabas sa bibig mo hindi na pang baby.Sino nagturo sayo niyan!?Hindi kita pinalaki para magsalita mg ganyan!Binigay ko naman lahat auh,kulang pa ba!?"halos manlaki na ang butas ng ilong nito habang pinapangaralan si Sanya.Pero hindi parin mawawala ang kadramahan nito na parang siya ang nagluwal sa pamangkin niya.

Nagtataka naman siyang tiningnan ni Sanya.

"San mo narinig yang salita na yan?"ngumuso naman ito saakin at binaba ang kinakain.Mahirap ng biglain baka suwayin ako.Mas mabuting mag usap talaga muna bago pairalin ang init ng ulo.

Baka misunderstanding lang naman...

"Totoo naman po kasi,he has his own hotdog.Look at his plate,there are still 2 hotdogs."hindi ko alam ang irereact ko dahil sa sinabi niya.
Napakamot nalang ako ng ulo ko ng marinig ang paliwanag nito.
Si kuya naman ay halos mahulog na sa kinauupuan niya dahil sa pagtawa.Hindi nga dapat magpadala sa init ng ulo.Hindi ko talaga magawang pangunahan si Sanya sa mga pinagsasabi niya.

Mukhang hindi rin niya inaasahan ang paliwanag ng pamangkin niya.
My baby is too innocent.

"Why are you laughing Tito?Thats not even a joke,"pamamaktol ni Sanya at ngumungusong bumalik sa pagkain.Umiirap pa ito sa Tito niya na parang asar na asar siya.

"Don't mind him Sanya,just eat para maka prepare kana para mamaya."tumango naman ito saakin at hindi na pinansin ang Tito niya na hindi parin maka move on.

"Green minded kasi,"ungot ko dito pero tinawanan lang ako nito.

"Wow auh!Dont me,alam kung yan din ang nasa isip mo."bawi nito at nginisihan ako na parang baliw.Inirapan ko nalang siya at kumain na.Kung sasagutin ko pa siya ay mamaya pa kami makaka alis dito sa hapag.

"Ma'am,"Napahinto naman ako sa akmang pagsubo ng pagkain.Taka ko namang tiningnan ang kasambahay na tumawag sakin.

"Bakit?"tanong ko dito.
Ngumiti pa ito saakin bago magsalita.I think she's just a student.Ang bata bata niya pa kasi,paniguradong isa siya sa pinapa aral nila Dad.

"Yung manliligaw niyo po naghihintay sa labas."napatanga naman ako dito.Wtf!
Assuming mang isipin pero iisa lang ang nasa isipan ko.

"Papasukin mo nalang sa sala,"
Mahinang usal ko dito.Pero inilingan lang ako nito na nagpa kunot ng nuo ko.

"A-Ayaw po eh,sa labas nalang daw po siya maghihintay."
Nginitian ko naman ito,magsasalita pa sana ako ng makialam naman ang isa.

"May manliligaw ka ba?"sabay kaming napalingon sakanya no'ng maid at kusang napangiwi dahil sa sinabi nito.

Mukhang hindi ba ako kaligaw-ligaw!?

"Excuse me?"naiirita kung turan dito.Tumayo naman ito bigla at yumuko ng bahagya.

"Your excuse,"dadamputin ko na sana ang kutsara para itapon sakanya,pero kawawa naman yung kutsara kasi sobrang tigas ng mukha ni kuya.

"Alam ko yang nasa isip mo,wag mong balakin dahil mawawalan ka ng gwapong kapatid."hindi ko ito pinansin,nilingon ko naman ang anak ko na patuloy parin sa pagkain.

"L-Lalabas muna ako huh,wag mong pansinin si Tito mo dahil hindi ata naka inom ng gamot."taka naman itong tumingin saakin saka sa Tito niya.

"Medicine for what po?"
Inosente nitong tanong kaya mahina akong natawa.

"Gamot para sa ulo niya,"natatawa kung sagot dito.Sinamaan naman kami ng tingin ni kuya ng makita kaming lihim na nagtatawanan.

"Ang dadamot niyo naman at kayong dalawa lang ang nagchichikahan diyan,"inirapan namin siya pareho ni Sanya na mas lalo niyang kinainis.Ang bakla niya lang minsan magsalita.
Minsan nga naiisip kung bakla siya pero madaming nagsasabi na naka fling nila si kuya.Ewan ko ba dun at bakit nagka ganon siya.Ang hangin masyado at lakas mang asar.

"Susunod nalang ako,"tugon ko naman sa kasambahay dahil kanina pa ito naka tayo sa gilid ko.
Tumango naman ito at nagpa tiuna na.

Pinunasan ko muna ng tissue ang gilid ng mga labi ko.Baka may tuyong laway pa ako at amos.
Tumayo na ako kaagad at nilisan ang dining papunta sa labas.

Malayo palang pero kitang kita ko na siya sa labas ng gate.

"Goodmorning,"nakangiti nitong bungad.Parang nahiya ako bigla sa ayos ko.Ni hindi man lang ako magbihis ng pormal bago siya harapin.

Napanguso naman ako ng pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.

Mickey Mouse na printed anf suot ko sa pang itaas at baba.
Blame Sanya for this!
Gusto niya daw matchi-matchi kami ng pantulog kaya wala akong choice kundi suotin din to.

"You look good,"

Susunod......

A/N:Napaikli nito kasi ngayon lang lumakas yung cignal.Sana ma-wait nito next ud ko mga mare...bawi ulit ako if matapos ko yung LAS ko.thankyou for reading!

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now