Chapter 24

5.6K 183 14
                                    


"She's Samantha,the mother of my daugther, Sanya."

Napalunok ako ng ilang beses dahil parang natutuyo ang lalamunan ko.Bakit biglaan naman?

"Jace!Wag kang magbiro ng ganyan."Hindi maipinta ang mukha ng ginang habang sinasabi iyon kay Jace.

Tinaasan naman ako ng kilay no'ng Sofia at inismiran.

"Are you really sure about that?Paano kung niloloko ka lang niya?"
Natawa ako ng pagak saka siya pinukol ng masamang tingin.

"Sino ka para husgahan ako ng ganyan?Ano naman ang mapapala ko kung lolokohin ko si Jace!?Wag kang magsalita na parang may alam ka kahit wala naman."hindi ako papatalo kung nadadamay ang anak ko dito.Sinong ina ang papayag na maagrabyado!?

"I cant believe this!Hinding hindi ko matatanggap yang anak mo Jace!Anak mo siya sa pagkakamali at kailan ay hindi ko matatanggap."Ang sakit sa dibdib ng mga binibitawang salita niya.
Narinig ko ang mumunting hikbi ni Sanya sa upuan niya na mas lalong dumurog ng puso ko.

She don't deserve this.

"Ma!Hindi ko kailangan ang opinyon mo.Anak ko siya at sigurado ako dun.Kung itatakwil mo man ako bilang anak ay wala akong paki alam.Kahit kailan ay wala naman ako sayo diba!?Ginagawa mo lang akong puppet para mag maipagmalaki ka sa mga kaibigan mo.S-Sabi ko sayo noon gusto kong maging piloto.Pero hindi ko magawa dahil iba ang gusto mo para sakin.Tapos na ako sa pagiging sunod-sunuran sayo."
Ramdam ko ang sakit ng mga binibitawang salita nito.
Pero nagpapasalamat ako at hindi niya kami tinalikuran ng anak niya laban sa magulang nito.Pero hindi ko naman gusto na mag aaway sila ng dahil sa presensya namin ni Sanya.

"Dahil to sayo eh!Your a bitch——"
Ang akmang pagsampal nito saakin ay nasangga ni Jace.

"Try to lay your hands in her Face again,i'll difinitely break your bones."Napalunok si Sofia at nagdadabog na lumayo sa pwesto namin.

"I-Im really sorry,are you okay?"malumanay na usal nito at pinagmasdan ang mukha ko na parang sinisiguradong wala akong galos.Hindi naman natuloy eh kaya hindi na niya dapat pang pagmasdan ang mukha ko.

"W-We don't want this to happen naman po,if were not welcome here its okay.I understand,but you don't have to say those words to my mother."ang kaninang pinipigilan kong mga luha ay tuluyan ng bumuhos.
I don't want to see her like this.

"Sanya..."pati si Jace ay naluluha narin dahil sa sinabi ng anak niya.
Ang kaninang magulong tagpo ay napalitan tahimik.Natikom ng mama ni Jace ang bibig niya habang pinagmamasdan si Sanya.

"A-aalis nalang kami,salamat nalang po sa oras ma'am."mabilis kung kinarga si Sanya at nagmamadaling umalis.Ramdam ko pa ang pagsunod saamin ni Jace papalabas ng bahay nila.

"Ako na,"wala akong nagawa kundi ang ibigay si Sanya sakanya dahil hinarangan na ako nito.

Naging tahimik kami sa byahe,walang ni isa ang nagsalita saaming tatlo.

"Are you okay na?"tanong ko kay Sanya at bahagyang sinuklay ng kamay ko ang magulo niyang buhok.

"W-Water po,"maghahalungkay pa sana ako sa bag ng mag abot si Jace ng bottle water.
Kinuha ko naman ito kaagad at binuksan para sakanya.

"S-Sanya,"katatapos lang uminom ng tubig ni Sanya ng tawagin siya ng Daddy niya.

"Yes po?"bakas sa boses nito ang pamamalat dahil siguro sa kakaiyak niya kanina.Namumula parin hanggang ngayon ang pisngi niya.

"Are you mad at me?"nag aalangang tanong nito sa anak niya.

"Im not po,I just didn't expected that to happen.But I feel something in my heart.It hurts po."hinalikan ko siya sa nuo at niyakap ng mahigpit.
Sobrang inosente ng anak ko para maranasan lahat ng sakit na ito.Kung pwede lang ay aakuin ko lahat ng hinanakit niya ay ginawa ko na.

"K-Kahit ilang sorry ang sabihin ko ay wala paring magbabago kasi nangyari na.Pero sana hindi magbago ang pakikitungo niyo saakin."napalunok pa ito ng mariin saka kami tiningnan mula sa salamin.

"Hindi mo naman kasalanan yun.Naiintindihan ka naman namin kaya wag kang mag alala.
Ang hiling ko lang talaga ay manatili ka sa tabi ni Sanya—-sa tabi namin."naging bulong ang huli kong sinabi dahil nahihiya akong iparinig sakanya.

Totoo naman kasi,wala siyang kinalaman sa pamilya niya.I feel bad for him kasi hindi siya magawang suportahan ng magulang niya sa gusto niyang gawin.

"H-Hindi pa naman siguro huli ang lahat para tuparin mo ang pangarap mo."wala sa sariling usal ko dito.Natigilan pa siya no'ng una pero kalaunan ay ngumiti ng tipid saakin.Para saakin kasi ay isa ang pangarap sa source ng happiness ng isang tao.

"Sana nga.License nalang ang kulang sakin noon kung hindi ako pinigilan ni Mama."kahit paano ay thankful ako sa mga magulang ko.Kahit kailan ay kami preni-ssure ni Kuya sa mga gusto namin sa buhay.If im not mistaken mga ilang buwan pa bago niya makuha ang lisensya niya sa pagiging piloto.

Magsasalita pa sana ako ng may marinig akong humilik sa gilid ko.Bahagya kaming natawa ni Jace ng makitang mahimbing na natutulog si Sanya sa bisig ko.

"Sobrang thankful ako at napalaki mo siya ng maayos.Kahit hindi ko deserve na ipakilala bilang Ama ni Sanya.Ako yung nahihiya sainyong dalawa.Hindi ko man lang kayo maipakilala ng maayos sa magulang ko."tumawa ito ng mahina pero bakas dito ang lungkot.Pati ang mga mata niya ay puno ng hinanakit mula sa mga magulang niya.Hindi ko siya masisi-si,but he deserve to be happy.

Kung ano man ang kahahantungan ng buhay namin ay buong puso namin itong tatanggapin.

"Deserve mo lahat ng nararanasan mo ngayon.Balang araw ay maiintindihan ka rin ng pamilya mo.Basta kami ng anak mo ay laging nasa tabi mo lang."

Susunod...

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now