Chapter 21

6.8K 181 4
                                    


"Kumain kana ba?"
Tanong ko dito na hindi siya nililingon sa likuran habang naka sunod siya sakin.

Wala naman siyang sinabi na ganito niya kaaga susunduin si Sanya.Eh hindi pa yun nakakaligo at malamang na matatagalan pa sila ng saksakan ng arte ng anak niya.

Anak niya...

Ang sarap lang sabihin.
Ito pala yung feeling na matagal ko ng inaasam asam.

"Hmmm tapos na.Where is she?
Wait,can you turn around?"Napahinto ako sa paglalakad at dahan dahan humarap sa pwesto niya.
Parang may sariling isip ang katawan ko na pagsinabi niya ay ora mismo kung susundin.

"Red roses for milady,"hindi ko man lang napansin ang dala-dala nitong bulaklak kanina.
Nahihiya ko naman itong tinanggap sakanya.Feeling ko nga nanginginig yung buo kung kalamnan.

"T-Thankyou.Hindi pa pala nakakaligo si Sanya.Okay lang ba kung maghintay ka ng ilang minuto?Ewan ko kung minuto lang dahil may taglay na kaartihan si Sanya."pilit kung hinihinahon ang sarili ko para lang maging maayos ang pakiki tungo ko sakanya.

Ngumiti naman ito saakin kaya Napaiwas ako ng tingin sakanya.
Shezzz!Parang malalaglag Underwear ko sa klase ng ngiti niya.

Dumeritso kami sa kusina dahil nandon naman si Sanya at Kuya.

Napanguso ako ng masilayan ang pilyong ngiti sa mga labi ni kuya.
Parang bigla akong nagdalawang isip na dito kami dumeritso.

"Daddyyyyyy!You came so early po,"matinis na tili ni Sanya at mabilis na yumapos sa daddy niya.

Ang saya lang nilang tingnan,sobrang magka hawig kasi.

"Heyyy,How are you?Oo naman para mas matagal kitang makasama."nakangiting usal naman ni Jace at hinalikan sa nuo si Sanya.

"Sanaol!Haiii Im Samuel Samaniego,Samantha's older Brother."hindi papahuli si kuya na siyang lumapit pa sa pwesto nila.

Tumango naman si Jace at binaba ang bata dahil umuungot itong tatapusin ang pagkain niya.

"Im Jace Del Mun—"

"Jace Del Mundo,right?Kilala na kita dahil may nagkukuwento sayo—"
Sa sobrang taranta ko ay nabato ko kay kuya ang dalang bulaklak.
Bakit kailangan pang ibuking ako!?

Napasinghap naman ito at taka akong tinignan.Napangiwi ako dahil sapul na sapul ito sa mukha niya.Pinulot ko naman kaagad ang bulaklak dahil ididisplay ko yun sa kwarto.

"S-Sorry naitapon ko yung bulaklak.Bibihisan ko muna si Sanya."napakamot pa ako ng ulo habang sinasabi yun sakanya.

"Its okay,maghihintay naman ako.So,take your time."bat ba sobrang down to earth siya!?Siya yung tipong pang leading man eh.Yung sobrang smooth lang ng pagkatao niya.

"Ang bad mo Samantha!Inaano ba kita at nagkaka ganyan ka?"inilingan ko lang siya dahil naiistress ako sa presensya niya.
Hindi ko ito pinansin at tinuon ang antensyon kay Jace.

"M-Maupo kana muna Jace,aayusan ko lang sandali si Sanya para maka alis na kayo."pag uulit ko ng sinasabi dito,naupo naman siya kaagad sa dining at taka kaming pinagmasdan ni Kuya.
Parang hindi niya inaasahan ang eksena namin ni Kuya.Sobrang nakakahiya talaga minsan pag may kapatid kang kalog.

"Bakit aayusan mo pa?Kaya nga may kasambahay tayo eh,tapos nandito din ako.Mas mabuti pang maiwan ka dito kay Jace at ng makapag bonding kayong dalawa."
Kahit kailan talaga ang walang magandang naidudulot si kuya.

Bat kailangan pang magbonding!?
Daming pauso ni kuya at malamang buong araw niya akong aasarin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ng hinila na niya si Sanya na kakatapos lang kumain.Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa kaya kaming dalawa nalang ni Jace ang natira.

Awkward naman akong na paharap sa pwesto ni Jace.

"A-Ano,gusto mo ng tubig og juice?"yun nalang ang tangi kung nasabi sakanya.
Ano pa bang sasabihin ko!?Alangan naman Makikipag kwentuhan ako sakanya!

"Water will do."mabilis naman akong tumalima para kuhanan siya ng tubig.Ramdam ko ang titig nito na mas lalong nakakapag taranta sakin.
Kung ice lang ako ay malamang tunaw na tunaw na ang peg ko.

"S-Saan mo nga pala dadalhin si Sanya?"pagbubukas ko ng topic dito.Umayos naman ito ng upo at deritso akong tiningnan.

"Sa totoo lang,I really don't know.Siguro ay tatanungin ko nalang siya sa gusto niyang puntahan o pasyalan."nagdadalawang isip pa itong sabihin pero nginitian ko lang siya para hindi siya ma pressured.

"Bibigyan nalang kita ng ideas ng mga gusto niya.Mas gusto niya kasi yung tahimik at malamig na lugar.She loves reading books about science and history.So pwede kayong mag bonding sa Park then magdala lang kayo ng libro.Or picnik!Isa yun sa gusto niyang gawin."parang biglang nawala ang pader sa aming dalawa.Mas okay kung maging open ako sakanya para mas matutukan namin ng atensyon si Sanya.

"Thats great!Ill asked her for picnik dahil marami naman akong foods na nakahanda sa sasakyan.
Ahmmm,kung okay lang pwede bang favor?"napakagat labi naman akong tumango sakanya.Nahihiya pa siya sa huli niyang sinabi.
Basta para kay Sanya why not diba?
































"Can you come with us?"
Parang nabingi ako sandali sa sinabi niya.Hindi naman siya favor talaga,pero kung pipilitin niya ako why not diba!?
Choosy pa ba ako!?

Iniinamagine ko palang ay para na akong nasa alapaap.Tiyak na nasisiyahan si Sanya pag sumama ako sakanilang dalawa.

"Pero kung busy ka ay next time nalang—"

"Hindi!I mean,hindi naman ako busy.Pwede naman akong sumama dahil mamaya pa naman yung appointment ko."kahit sa totoo lang ay wala naman akong appointment.Masyadong pahalata yung naging reaksyon ko kaya kailangan kung hindi ipahalata dito.

"Get ready then,"tumango naman ako dito at mabilis siyang tinalikuran.Hindi pa man ako nakakalayo ay bumalik din ako kaagad sa harapan niya.
Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Okay ka lang bang mag isa dito?Hihintayin ko nalang siguro silang makabalik at saka ako mag aayos."nakakahiya namang talikuran ko siya dito dahil bisita siya.

"Its okay.You should prepare already para maaga tayong maka alis.Im sure Sanya is excited for our bonding together.ill be fine alone here."wala akong nagawa kundi ang talikuran siya dahil sa bibig niya na mismo nanggaling.
Siguro ay bibilisan ko nalang at ng matapos kaagad.

Bibilisan mo dahil mamimiss mo siya kaagad.

Napapikit naman ako sa inis dahil sa kusa ko itong nasabi sa isipan.

"What?Sinong mamimiss mo kaagad?"

Susunod.....

A/N:😪 Nabusy po ako thats why ngayon lang nakapag ud.Thankyou for reading mga mare and haiii sa mga naghihintay ng update nito...Godbless you all!

Hiding Mr.Celebritie's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon