Epilogue

8.5K 201 19
                                    



"Please!Kailangan ko lang talaga.May itatanong lang naman ako dun sa tao eh."
Pagsusumao ni Sanya sa naka babata nitong kapatid.
Pero inismiran lang nito ang ate niya bago harapin.

"I don't believe you,Ate.Gusto mo lang makuha ang number ni Kuya Asher kasi gusto mo siya."Hindi ko mapigilang matawa sa pinag uusapan nilang dalawa.Apat na taon lang naman ang agwat nilang dalawa pero parang mas matanda pa si Jason kesa sa ate nitong si Sanya.

Kung hindi ako nagkakamali ay ang Asher na tinutukoy ni Jason ay ang nagtuturo sakanya ng basketball every Saturday and Friday.

Sanya is 19 years old already,while his Brother Jason is 15.Ang sakit nila sa ulong dalawa pero nadagdagan pa iyon ng kambal.
May nakababata pa silang kapatid na 8 years old,sila ang tinutukoy kong kambal.They were Identical twins kaya maraming naguguluhan kung sino si Jat at Jet.
Jatter and Jetter are my Loving twins!Hindi ko akalain na magkaka anak kami ng kambal.Wala naman sa lahi namin ang kambal kaya hindi rin ito inaasahan ni Jace.

"Hindi ko naman gusto si Asher auh!May itatanong lang talaga ako about sa group project namin."depensa naman ni Sanya na hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang usapan nilang dalawa.

Ako ang nahihirapan sa ginagawa ni Sanya dahil alam naman niyang hindi basta bastang mauuto nito ang kapatid niya.Kung ano ang ikina jolly ni Sanya ay siya namang ikina sungit ni Jason.

"Tsk!Gusto ko lang sabihin sayo na may girlfriend na si Kuya Asher,Ate.If you want ako nalang ang magtatanong sakanya about sa project na sinasabi mo."pagbibigay ng option nito sa kapatid pero tinaasan na siya ng kilay nito.

"Ang damot mo!Wag na nga lang.Pupunta nalang ako sakanila para mas madali."sagot naman ni Sanya kay Jason at nagdadabog itong naglakad tungo sa labas ng bahay.

Nasa iisang subdivision lang naman kasi kami ng pamilya ni Asher.Sobrang bait ng batang iyon at ang talino.Hindi na ako magtatakang nagustuhan siya ni Sanya.Simula ng lumipat kami dito at siya lang ang bukod tanging kalaro ni Sanya.

"Ate!You don't understand,wait for me!Lets talk."nagmamadali namang sumunod si Jason kay Sanya.Pinabayaan ko nalang dahil magkaka ayos din naman sila mamaya.Lagi silang nagbabangayan pero maka raan ang ilang minuto ay mag uusap ulit sila na parang walang nangyari na tampuhan sa pagitan nilang dalawa.

"Babe,"
Naagaw ang atensyon ko ng may magsalita sa bandang likuran ko.
Napangiti ako ng makita si Jace na pababa ng hagdan habang inaayos ang neck tie nito.
Sa loob ng labinlimang taon naming magkasama ay doon ko napagtanto kung gaano katatag ang pagmamahalan naming dalawa.

Maraming problemang kinakaharap pero nalampasan naman namin.Tiwala lang talga sa isa't isa,at yun ang sandigan naming dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilang mamangha sa pisikal na anyo ng aking asawa.Kahit nasa fourties na siya ay hindi parin kumukupas ang perpekto nitong mukha.Mas lalo itong gumwapo at mas nadagdagan ang appeal niya dahil dito.

"Let me,"malambing kong usal sakanya,hinayaan naman niya akong ayusin ang neck tie niya.

"Ang tanda tanda mo na pero hanggang ngayon ay hindi ka parin marunong nito."sermon ko sakanya pero binigyan lang ako nito ng halik sa nuo.

"Alam ko naman na lagi mo akong aasikasuhin eh.Nandiyan ka naman,"napairap ako sa naging tugon nito.Pero kalaunan at natawa rin.

"Nasaan nga pala ang mga anak natin?Nakauwi na ba ang kambal?"pang uusisa nito ng hindi mahagilap ang mga anak niya.
Napailing naman akong lumayo sakanya dahil sa naging tanong niya.

"Yung kambal ay mamaya pa raw tanghali uuwi.Mukhang nalibang sa pagsistay kila Mom and Dad.Habang ang dalawa mo pang anak ay pumunta ata kila Asher.May pinag tatalunan na naman."pahayag ko dito.Natawa naman ito sa sinabi ko.
Inisang hakbang niya ako at niyakap mula sa likuran.

"Saan kaya nagmana ang ugali ng anak nating si Jason?Habang tumatagal ay mas nagiging masungit.Habang si Sanya naman ay laging may manliligaw.Ayaw ko pang mag boyfriend ang prinsesa ko."napangiwi naman ako sa huling sinasabi niya.Kahit kailan talaga ay super protective nito kay Sanya dahil ito lang ang nag iisa naming babae na anak.

Hindi ko rin naman siya masi-sisi dahil maraming nagkaka gusto kay Sanya.Sa edad niyang disi nwebe ay mag kasing tangkad na kaming dalawa.At habang tumatagal ay mas nagiging magka hawig sila ni Jace.Kaartihan lang talaga ang namana saakin ng babae ko.

"Baka nagmana sa Mommy mo si Jason.Natatandaan mo ba no'ng naglilihi ako?Yung Mommy mo ang laging nandito at sobrang sungit niya kaya nagka ganon.Hanggang ngayon ay ganon parin naman."nakanguso kong tugon sakanya.

Tama nga yung sinabi ko na matatanggap niya rin ang relasyon namin ng anak niya.Ilang buwan lang no'ng malaman naming buntis ako ay siya ang kusang pumunta sa bahay namin.

Tahimik lang ito habang inaasikaso ako.Pero kahit ganon ay ramdam ko ang pag aalala niya sa kalagayan ko.Kahit hindi man siya magsalita ay alam kung may paki alam siya saamin.

Hindi ko makakalimutan yung panahon na unang beses niyang nakarga ang apo niyang si Jason.Namumula ang mata nito habang hinihele ang sanggol na si Jason.Doon ko napagtanto na tanggap niya na ako—kami ng mga anak ko.

Hindi ko rin akalaing magiging close sila ni Sanya.Hindi man maganda ang una nilang pagkikita ay bumawi naman ang ginang sa nagawa nito noon sa una niyang apo.

"Hindi mo rin naman mapipigilang mag boyfriend ang anak mo.19 na siya,hindi kaba nagtitiwala sa anak mo?"dugtong ko pa rito.Napabuntong hininga naman ito bago ako pakawalan at hinarap sakanya.

"Hindi pa ako handa para dun."tanging nasabi lang nito.Iningusan ko naman ito dahil masyadong seryuso pagdating sa lovelife ng panganay namin.

"I love you,"walang ka ngiti ngiti kung usal dito.Bigla naman itong tumawa ng malakas kaya mas lalo akong sumimangot.

"I love you so much too,"
Kailangan pa talaga akong asarin bago sagutin.

———

The END!




A/N:Natapos na huhu!Thankyou so much sa lahat ng nagbasa,nag comment at nag vote.Hindi ko iniexpect na kahit on going palang ay road to 4k views na tayo.
Sobrang salamat ng marami sa hindi nagsasawang mag comment ng kanilang hinaing mula sa istoryang ito.
Ngayon ay magpapa alam na naman ang inyong author.
Ang pagkaka abalahan ko naman ay ang on going ko na My Fiance is A Psycho siguradong matatapos ko rin yun.Maraming slamat ulit at godbless sa inyong lahat!

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now