Chapter 29

5.6K 149 11
                                    


"Ma'am,nasa labas na po yung boyfriend niyo."sabay sabay kaming napalingon kay Manang ng sabihin niya iyon.
Bakit ba lagi nalang nilang napagkakamalan na boyfriend ko yung tao.

"S-Si Jace,Manang?"tanong ko pa dito.

"Oiii filingera!Porket boyfriend si Jace kaagad?Wag kang ganyan dahil halatang halata ka."napakamot nalang ako ng ulo ko at nagpa tiunang maglakad papalabas.Sumunod naman kaagad sila na nagbubulungan pa,hiyang-hiya nga ako eh dahil rinig na rinig kong pinagbubulungan nila ako.

"Excited makita ng Mommy mo yung Daddy mo.Papabili din siguro siya ng laruan."napairap nalang ako sa sinabi ni kuya.Nag uumpisa na naman po siya.

"Why po?Anak rin po ba siya ni Dad at magpapabili siya ng toys?"Napahinto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa.

"Wag kang maniwala sa Tito mong isip bata,Sanya.Hayaan mo siya diyan dahil hindi talaga yan magkaka jowa."pang iinis ko dito at marahang hinila si Sanya sa tabi ko.

"Dyahe ka!"hindi ko nalang pinansin ang sagot ni Kuya at sabay-sabay kaming lumabas ng gate.

"Daddy!Im so happy at makakasama ka po,"napatakbo pa ito kay Jace at nagpa karga.
Mahina naman akong natawa dahil mukhang nabigla din si Jace sa pag lundag sakanya ni Sanya pero ngumiti din ng kalaunan.

"Pag inggit pikit!"inirapan ko naman si Kuya ng dahil sa sinabi niya.Masyado talaga siyang epal sa mga ganitong bagay.

"Ewan ko sayo,tara na nga at baka hindi na natin maabutan sila Dad sa airport."saad ko dito at lumapit sa pwesto ng mag-aama.
Binaba naman kaagad ni Jace si Sanya ng makita kaming papunta sa pwesto nilang dalawa.

"So,lets Go?Ahmm Samuel,thankyou for letting me come with them."nakangiting pagpapasalamat nito sa kapatid kong hanggang tenga ang lawak ng ngiti.

"Nako,Ikaw pa ba?Ang lakas lakas mo kaya sakin.Saka magiging isang pamilya na tayo soon."Napaiwas ako ng tingin sakanilang dalawa at hinawakan ang pinto ng kotse ni Jace sa back seat.

"Ako diyan,dun ka sa tabi ng front seat."inunahan na ako nitong pumasok sa back seat katabi ni Sanya.

Dahan dahan naman akong humarap kay Jace at ngumiti ng tipid.

"Come,"pinagbuksan pa ako nito ng pinto kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay nalang dito.Nakakahiyang mag inarte.

"Thankyou,"bago pa man niya maisara ang pintuan ay nakapag pasalamat na ako dito.

"Your always welcome,milady."nakangiti nitong turan bago tuluyang sinara ang pinto.Hindi ko mapigilang mapangiti narin habang inaayos ang seat belt ko.

"Yiiee kinikilig siya!"Nawala lang iyon ng magsalita si Kuya.
Natataranta naman akong humarap sakanya at baka marinig ni Jace ang pinagsasabi niya.

"Umayos ka nga kuya,baka marinig ka no'ng tao eh.At ano pang isipin."sita ko dito,tinikom naman nito ang sariling bibig at sinara pa na parang zipper.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag.Nadadala din naman pala kahit papano.

"Mmy,did you bring my candies?"untag ni Sanya kaya hinalungkat ko naman ang sling bag kong dala.

Everytime na bumabyahe kami ay kailangang may baon na candy si Sanya.Nahihilo kasi ito at nasusuka habang bumabyahe.
Siguro ay nahihilo siya sa paglundag ng sasakyan at hindi siya sanay.

"Nakalimutan ko pala,"sagot ko naman dito.Doon ko lang rin napagtanto na naka pasok na si Jace at handa ng magmaneho.

"May problema ba?"tanong pa nito ng makitang hinahalungkat ko ang bag ko.

"Wala kasi akong dalang candy para kay Sanya."yun nalang ang tangi kong nasabi sakanya.

"Meron ako rito,pero menthol candy nga lang."wika pa nito at kinuha sa gilid niya ang candy na kulay puti ang balot.

"Mas okay nga yan at ng hindi siya mahilo sa byahe."si kuya na ang sumagot at kinuha ang candy na bigay ni Jace,binalatan naman niya kaagad at binigay kay Sanya.

Walang imik naman itong tinanggap ni Sanya.Doon lang din nag start ng sasakyan si Jace at dahan dahang umandar.

Naging tahimik ang buo naming byahe dahil parehong nakatulog si Sanya at kuya kahit kaaandar palang ng sasakyan.

"Mukhang nakatulog na siya sa sobrang pag aalalang magsusuka siya."saad nito habang tiningnan sandali si Sanya at binalik rin kaagad ang tingin sa daan.

"Nahihiya atang magsuka at natulog nalang,"natawa pa ako ng bahagya habang sinasabi iyon.
Alam kong nahihilo na siya kahit kakaandar lang ng sasakyan dahil tumahimik na ito.Mukhang hindi niya napansing nakatulog na siya kakapigil mahilo at masuka.

"Ahmm,kamusta nga pala yung pagkuha mo ng lisensya sa pagiging piloto?"nag aalangan pa akong magtanong pero no'ng makita kong ngumiti siya ay nawala ang pag aalangang iyon.

"Kunteng tiis nalang,hindi na ako makapag hintay na tawaging isang ganap na Piloto."hindi mawala wala sa labi nito ang tamis ng ngiti habang nagsasalita.

"Ito na ang tamang oras para maging masaya ka.Sana makuha mo na kaagad ang lisensya mo."nakangiti ko ring tugon dito.

"Hmmm,naging sunod-sunod na yung  swerte ko simula ng makilala ko kayo ng anak natin.Mukhang kayo ang swerte ko sa buhay."Napaiwas ako ng tingin dito dahil parang matutunaw ako sa klase ng tingin na pinupukol niya saakin.

"Gusto ko rin sanang makilala ang parents mo.Hihingi ako ng permiso sa panliligaw ko sayo."dugtong pa nito na parang wala lang sakanya.Pero ako ay parang aaratakihin sa hindi malamang kadahilanan.

Napalunok ako ng wala sa oras habang tinitingnan siya.

"S-Seryuso ka talaga sa panliligaw mo?Hindi kaba napipilitan lang dahil may obligasyon ka sa anak natin?"wala sa sarili kong tanong sakanya.

Nag Park narin kaagad siya ng sasakyan ng nasa airport na kami.
Nang maitigil ang sasakyan ay saka niya ako tiningnan ng mariin.

"Sa tingin mo ba ay binobola lang kita?Im damn serious,Sammantha.Bigyan mo lang ako ng panahon para mapakita ko sayong worth it ang oras na nilaan mo sakin.Hindi ako titigil hanggang hindi kita mapa-ibig sakin."
Seryusong usal nito at dahan dahang lumapit sa pwesto ko,napasandal ako sa upuan ko dahil sa pilit akong umaatras papalayo sakanya pero inon-lock lang pala nito ang seatbelt ko.

Lumabas narin siya kaagad kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pano ko sasabihin sakanyang hulog na hulog na ako dito?
Tapos yung sinabing niyang mapapa ibig ako,hindi niya alam na ganito na ang nararamdaman ko sakanya.

Wala na,mas lalo lang akong nahulog sakanya...

Susunod....

Hiding Mr.Celebritie's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon