Chapter 26

5.6K 167 6
                                    


"I'll be right there in a minute,"maikling tugon ko saka binaba ang tawag.Katatawag lang ng magiging manager ko sa commercial.
Urgent meeting para sa gaganapin naming Shooting.Bigla kong nakalimutan na may trabaho na pala ako this week.

"Who's that Mmy?"nginitian ko naman siya at hinaplos ang mahaba niyang buhok.

Busy siya sa panunuod ng TV habang nagbibihis ako kanina.
Thankful tlaga ako at nakapag bihis na ako.
Isasama sana ako ni Kuya sa airport para masundo ang kaibigan niya.Akala ko kaming dalawa lang pero isang buong Van ang dala ng mga kaibigan ni kuya.At higit sampu sila ang nandoon.

Hindi rin naman daw iniexpect ni kuya na sasama silang lahat.Kaya nagpa iwan nalang ako dito.

"Manager ko,magwowork na kasi ako.Pwedeng maiwan ka muna dito kasama ng yaya mo?"pagtugon ko sa tanon ni Sanya.Nginusuan niya naman ako bago hinarap.

"I think i'll be fine alone naman,but pasalubong for me is enough."Napangiti naman ako sa inakto nito.

"Oo naman!Basta good girl may price kay Mommy."

———

"Hintayin nalang natin sandali si Jace dahil siya ang may iaanounce."tumango na lamang ako dito at ang ibang staff naman ang tumugon dito.

Habang busy pa sila sa pag uusap ay kinuha ko muna ang phone ko sa bag para tawagan ni Kuya.
Ang alam ko kasi ay uuwi din kaagad yun pagka sundo sa kaibigan niya.
Saka paniguradong matatagalan kami dito.Half an hour ng late si Jace kaya stock kami dito.
Ano nga bang nangyari dun?

To:Kuyang Samuel

Kuya,makaka-uwi kaba kaagad sa bahay ngayon?

——-

Ng maisend ko iyon ay hindi ko mapigilang madinig ang usapan ng mga staff.

"Nagka problema daw ang schedule ni Jace ngayon kasi kumukuha siya ng licence para sa piloto."sabi no'ng baklang organizer.Parang may kung anong naramdaman ako sa dibdib ko ng marinig iyon.Paniguradong matutupad niyo ang pangarap niyang maging piloto someday.
Im happy for him.

"Ang usap usapan pa ay may asawa't mga anak na daw ito.May nakakitang fan ni Jace at kinuhanan sila ng picture sa isang Park."Dugtong pa no'ng isang make up artist kung hindi ako nagkakamali.Sobrang daming staff kaya hindi ko na maalala ang iba.

Parang binundol naman ng kung ano ang dibdib ko dahil sa muling narinig,hindi sa saya kundi sa kaba.Posibleng kami ni Sanya ang tinutukoy nilang asawa at anak ni Jace.
Bigla akong kinabahan sa kalalabasan nito at higit sa lahat ang privacy ng anak ko.Pero ang alam ko ay walang tao no'ng time na pumasyal kami.Paano nagkaroon ng fan ni Jace dito at ang picture.

Nasa showbiz industry man kami pareho ni Jace ay alam kung pareho naming itatago si Sanya mula dito.Sobrang hirap dahil laging may nakatutok na camera sayo kahit saan at kailan.Ayaw ko ring idawit si Sanya sa showbiz pero parang malabo yun.
Ang pamilya rin namin ang humahawak ng isang sikat na entertainment company.Paniguradong may alam ang media tungkol sa anak ko.Walang imposible sa mga media,nakukuha nila ang lahat ng impormasyon na nanaisin nila.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay napapitlag pa ako ng mag vibrate ang cellphone ko.

From:Kuyang Samuel

Im on my way home,why?

—-

Sana sa personal ganyan din siya ka pormal.Tutal pauwi narin siya ay ipapasuyo ko nalang sakanya ang pasalubong ni Sanya.Nagsabi pa naman itong gusto niya ng food galing sa mcdo.

To:Kuyang Samuel

Can you buy some pasalubong to Sanya?Matagagalan kasi ako sa meeting kaya paniguradong naiinip nayun sa bahay.
Gusto niya daw kasi ng mcdo,baka kako nagugutom na yun kaka-hintay samin.
——

From:Kuyang Samuel

Nakssss!dapat sa first payment mo ay ililibre moko.Ako ng bahala kay Sanya kaya Focus kalang diyan.Dadaan narin ako ng drive through para sa foods niya.
Isasama ko pala siya sa bar!😁

——

Halos maibato ko ang phone dahil sa nabasa.Gage!Hindi ko talaga siya mapapatawad kung gagawin niya man yun.

To:Kuyang Samuel

Subukan mo lang at ng makakatikim ka ng dugo sa labi mo.Itatakwil din kita Kuya tandaan mo yan!

——-

From:Kuyang Samuel

Ito naman parang binibiro lang eh.Saka pano ko naman madadala si Sanya sa bar,eh bawal bata dun.Then duhh!Its morning kaya walang bukas na bar ngayon.🤭
Ang naive mo😪

——

Inis ko namang binalik ang phone ko sa bag.

Oo nga naman,bakit hindi ko naisip yun kanina.Bawal nga ang bata sa bar at anong oras palang para magbukas ang mga ito.
Naiistress talaga ako pag si kuya ang kausap ko.Nabibilog niya ang ulo ko sa mga kalokohan niya.Hindi man lang ako masanay sanay sa ugali niya.

"Finally!You were duper super late,Jace."napalingon naman ako kaagad sa pintuan ng mamataan si Jace mula dito.
Hindi ko man lang napansin ang pagbukas ng pintuan dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Im very sorry,sobrang traffic kasi at maraming media ang sumalubong sakin papasok dito."hinihingal pa itong magtanggal ng mask at cap bago kami hinarap.

Ng magtama ang mata naming dalawa ay ngumiti ito saakin at naglakad papunta sa pwesto ko.
Parang hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Dumaan pala ako kanina sainyo bago dumeritso dito.Dinalhan ko siya ng mga libro na mga gusto niya tulad ng sinuggest mo sakin."
Walang pakundangan nitong usal at hindi man lang hininaan ang boses niya kaya malamang rinig na rinig ng lahat iyon.

"A-Ahmm,siguradong sobrang saya non."yun nalang ang tangi kong nasabi at iniwas ang tingin sakanya.Ramdam ko ang mga matang naka tutok saaming dalawa.

"Oiii ano yan!Nag umpisa naba ang love story niyo sa totoong buhay!?"ika ng isang derictor na parang sayang saya siya sa sinasabi nito.

"Hmmm,about the contract pala.Hindi ko na pipirmahan.May mas importante kasi akong gagampanan sa totoong buhay."natahimik naman ang buong paligid,nabigla ang lahat sa inanunsyo ni Jace.

Ang akala ko ay nakapirma na ito sa kontrata kaya siya ang magiging kapareha ko sa palabas.Pati ako ay naguguluhan,bakit aatras pa siya kung kailan handa na ang lahat?

"Pero marami ng nag eexpect na fans mo.Paniguradong maraming hindi magaganda na feedback kung hindi mo ito tatanggapin,Jace."Ramdam ko ang tensyon sa buong paligid kaya tumahimik nalang ako sa kinauupuan ko.Hindi rin naman ako makakatulong kong,dadagdag lang ako sa problema.

"I'll quit,for this and showbiz.Magfofocus na ako sa gusto kung Career sa buhay.At gagampanan ko ang dapat gampanan dahil ilang taon ko silang hindi nakasama.Im really sorry,but nothing or no one can change my mind."

Susunod.....

A/N:Feeling ko sabaw ud ko huhu!pagtyagaan muna mga,Mare.Katatapos ko lang kasing gawin ang mga projects ko.😪 thankyou sa paghihintay ng ud ko,higit sa lahat sa mga nakakaintindi ng sitwasyon ko bilang estudyante.godbless everyone!

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now