Chapter 23

5.6K 187 4
                                    



"Wow!Sobrang laki po ng house nina Daddy,Mmy."manghang usal ni Sanya habang inililibot ang tingin sa buong paligid.

Tinupad nga ni Jace ang sinabi nito kanina.Akala ko ay uuwi na kami kaagad pero umiba yung dinadaanan namin.Sabi pa niya
"May isang salita ako,kaya pupunta tayo sa bahay ngayon tulad ng sabi ko kanina."

Hindi ko na magawang umalma dahil nandito na naman kami.

Nasa labas palang kami ng bahay nila pero sobrang ganda na.Pano pa kaya pag nasa loob na.

"Maiwan nalang kaya ako dito sa sasakyan?"pagdadalawang isip kung usal kay Jace na naghihintay sa labas ng sasakyan niya.

"Sasama ka.Ikaw ang ina ng anak ko kaya natural na ipakilala din kita sa parents ko."wala akong nagawa kundi ang lumabas ng sasakyan at sundan sila ni Sanya.

Sana kasing bait niya rin ang pamilya niya.

Napahinto kami sa isang malaking double door.Kumawala naman si Sanya sa hawak ni Jace at naglakad sa pwesto ko para hawakan ang kamay ko.

Namamawis ang kamay ng anak ko kaya paniguradong kinakabahan din siya.

"Okay ka lang?"bulong ko dito.
Tumango naman siya at hinigpitan lalo ang kapit sa kamay ko.

Nang tumingin ako sa pwesto ni Jace ay nabuksan na nito ang pintuan ng mansyon nila.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa bahay ng may isang eleganteng babae ang sumalubong kay Jace.

"Omygod!Buti nalang at nandito kana dahil kanina pa naghihintay ang bisita mo.Do you still remember your ninang's daugther?She's here."Napaiwas ako ng tingin sakanila ng marinig ang usapan nilang dalawa.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nanay ni Jace.
Parang may kung anong tumatak sa dibdib ko dahil sa sinabi ng ginang.

"Ma,may kasama ako.Saka napag usapan na natin to,ilang beses ko ng sinabi na ayaw kung makipag blind date.Just stop setting me up,im here to introduce someone."
Bakas sa boses ni Jace ang pagka irita pero nanatili parin siyang malumanay.Kahit siya ay naiinis sa sinabi ng mismong nanay niya.

Nagtama ang mata namin ng ginang at pinagmasdan pa ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko mapigilang napayuko at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Sanya.Walang imik namang nanunuod si Sanya sa dalawa.

"Ohh,pag usapan nalang natin yan mamaya.Papasukin mo nalang muna yang bisita mo at aasikasuhin ko lang si Sofia."paniguradong ang senet up niyang babae ay yung si Sofia dahil nasabi niya ito kanina.

Bumigat ang paghinga ko dahil nasaktan ako sa sinabi nito.

Parang ang pinaparating niya ay walang ka inte-interes ito saamin ni Sanya.

"Im really sorry about that.Pumasok muna tayo at ng maipakilala ko na kayo.I didn't expect this to happen,but I promise that everything will be okay."Tipid akong ngumiti dito.
Ginaya niya naman kami papasok ni Sanya habang siya ay nanatiling naka-subaybay saamin sa likuran.

Napaka lawak at maaliwalas ng bahay nila.Walang kaartihan masyado pero mamahalin naman ang mga gamit.If im not mistaken mga Antique ang mga gamit nila.

"Mom,are we really welcome here?"napabuntong hininga naman ako sa sinabi ng anak ko.
Pati siya ay ramdam na ang hindi pag tanggap saamin sa bahay na ito.Mukhang hindi magiging madali ang ganitong set up.

"Don't you trust your Daddy?He said everything will be fine,kaya just do trust him,okay?"I cheer her up dahil masyado itong naapektuhan sa pakikitungo ng nanay ni Jace.

"Magandang hapon po sir,pinapasabi po ng seniora na sa harden daw kayo dumeritso."
Napalingon naman ako sa pwesto ni Jace na kaharap ang isang kasambahay.

"Susunod na kami manang,"tugon naman nito at hinarap kami ni Sanya.

"Nagugutom na ba kayo?Kakain nalang muna tayo bago umuwi.Kakausapin lang natin sandali ang parents ko."

"Were okay,Dad.Lets Go there na po,so i'll be meeting my grandpa and grandma."nag aalala ko namang tinignan si Sanya.Hindi ganyan ang sinasabi niya sakin kanina.

Alam kung ramdam niya rin na hindi kami welcome dito pero pilit niya parin siyang nag iisip ng positibo.

"Alright,lets Go?"tinapik pa nito ang hawak niyang cellphone at pinauna kami.

Marami kaming dinaanan na pasikit sikot hanggang sa mapunta kami sa bandang likod ng bahay nila.May malaking swimming pool sa isang nakapa gandang harden.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita.Parang nasa gubat ka pero puno ng mga bulaklak at ang sarap sa mata nito.

"Ma,Where's Dad?"doon ko lang napagtanto na nasa harapan na pala kami ng mama niya.May kasama itong babae na parang isang modelo.Ang ganda at classy no'ng babae.Siya ata yung Sofia na sinasabi ng Mama ni Jace.

"May inaasikaso lang,hintayin nalang natin siya.Sandali lang naman daw yun."tugon naman ng ginang at hindi man lang kami tinapunan kahit ni isang tingin.

Napatunghay naman ako kay Sanya ng madinig ang buntong hininga nito.

"Come here,baby."naagaw ang atensyon ko ng maghila si Jace ng upuan sa harapan.Unang naupo si Sanya saka naman ako pinaghila ni Jace ng upuan sa tabi din ng anak namin.Tumabi naman siya kaagad sa gilid ni Sanya.
Napapagitnaan naming dalawa si Sanya.

"Haii,Jace.Do you still remember me?We were colleagues."bakas sa boses no'ng Sofia ang pagkamangha habang pinagmamasdan si Jace.Naglahad pa ito ng kamay sa harapan.Tipid namang ngumiti si Jace dito at tinanggap ang kamay no'ng babae na naka lahad.

"Hmmm,you were ninang's Solen daugther right?"hindi pa siya sigurado sa sinabi.
Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay ng makita ang paghaplos ni Sofia sa kamay ni Jace.Kaagad namang binawi ni Jace ang kamay niya dahil pati siya ay nakakaramdam narin ng balak ng babae.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sofia,napalitan iyon ng isang plastik na ngiti.Napunta naman saakin ang tingin niya at kinunutan pa ako ng nuo.

"Who are you?"bakit ang arte ng pagkakasabi niya sakin?Parang naiirita pa siya sa presenya ko.

"And who's that kid beside you?"bakas sa boses nito ang pagka-kursyo.Bigla naman akong kinabahan ng makitang pati ang mama ni Jace ay nasa akin ang atensyon.Na parang hinihintay rin nito ang sasabihin ko.

"She's Samantha,the mother of my daugther, Sanya."

Susunod.....

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now