Kabanata 5

16 5 0
                                    


Kabanata 5

"Ikaw ba'y nasiyahan sa iyong ginawa?" tanong ko kay Dew nang ibinuka siya sa kurtina ng aking kwarto. Hindi ko siya tiningnan sa mukha 'pagkat pakiramdam ko ay masasaktan ko siya nang walang oras. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa niya kagabi. Napagtanto ko kung gaano kasakim ang mga tao.

Naramdaman ko ang paglubog ko sa kama saka ko napansin na umupo si Dew. "I'm sorry," wika niya, "nagawa ko lang 'yon dahil nalasing ako."

"Anong nalasing?"

"Nakainom nang maraming inumin, nawala sa sarili," paliwanag niya.

Hindi ko pa rin magawang tingnan siya kaya nasa pintuan lang ang direksyon ng mga mata ko. "Hindi mo 'yon nagawa, ginawa mo 'yon."

"Alora, here-" Pinutol ko siya sa kanyang pagsasalita dahil kasabay niyon ay pumatong na naman ang kanyang magaspang na kamay sa balikat ko. "Huwag mo akong hawakan!" galit kong sambit. Napansin ko namang unti-unting lumayo ang kanyang kamay at muling ipinatong iyon sa kanyang tuhod.

"Alora, namatay ang girlfriend ko anim na buwan ang lumipas. Napasaya niya ako. Sa kanya ko lang nahanap ang kasiyahan na inaasam ko dahil wala naman iyon sa pamilya ko. Si Papa ay nasa labas ng bansa kaya ang nakakasama ko lang dito sa bahay ay si Mama. My life was so boring not until I met my girlfriend. Pero nawala rin iyon nang kinuha ang buhay niya sa pamamagitan ng aksidente. Nasagaan siya habang tumatawid dahil may gagong driver na hindi nakapagpreno."

Nakuha ng kanyang kwento ang atensyon ko kaya nakinig ako nang maayos.

"Nung una kitang makita sa kalsada, naalala kong pwede kang mamatay sa ginawa mong pagtayo do'n kaya ganoon na lang ang pagligtas ko sa iyo. At kagabi, nung lasing ako, hindi ko alam kung bakit nakita ko sa 'yo ang girlfriend ko."

Nagsilabasan kaagad ang mga luha ko sa narinig. Lapastangan.

"Iyan ba ang dahilan upang kunin mo ang pagkababae ko?!" sigaw ko sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata.

"Hindi ko sinasadya, Lora, please."

Padabog akong tumayo upang ipahiwatig na hindi ako nasiyahan sa kanyang ginawa maging sa kanyang rason. Ngunit hindi pa ako nakalabas nang tuluyan ay nagsalita ulit siya.

"Pero...gusto na rin yata kita.."

***

Naguguluhan ako sa sarili ko dahil feeling ko seryoso naman ang sinabi ko kay Alora kanina na gusto ko siya. I know it's a bit unbelievable dahil ilang araw lang kaming nagsama and hindi pa ako nakapag-move on sa pagkamatay ng girlfriend ko. Pero I have this desire na gustong makita si Alora araw-araw. This is weird.

Pumunta muna akong basketball court para i-relax ang isipan ko. I am somehow afraid baka nag-report na ngayon si Alora sa mga pulis. Hindi ko siya napigilang umalis kanina kaya hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Pero I doubt kung alam ba ni Alora ang tungkol sa mga pulis.

"Dew!" rinig kong may tumawag sa 'kin. Paglingon ko sa kanan ay si Andrei pala, bitbit ang bola.

"O, may laro ngayon?"

"Akala ko nga, e. Ba't walang tao dito ngayon?" tanong niya sa akin.

"I don't know, dude. Tahimik, e."

"Alright. Uwi nalang ako. Baka mamaya pa sila. Sige, bro, una na 'ko," sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Tumango lang din ako.

Bumalik sa isipan ko si Alora nang tuluyang makaalis si Andrei. Nakatitig ako sa ring pero wala doon ang isip ko. To be honest, hindi bago sa akin ang makipagtalik. Observing Alora, I know na hindi siya 'yong babaeng cheap at madaling makuha. She's more of a conservative, pansin ko. Pero nawala lang talaga ako sa isip ko kagabi dala nang maraming alak sa katawan ko. I mean, sino bang nasa tamang pag-iisip kung nalasing? No one, I bet my life on that.

ALORAМесто, где живут истории. Откройте их для себя