Kabanata 19

9 5 0
                                    

Biglang dumilat ang mga mata ko.

“Gising ka na.”

Naramdaman ko nalang ang malambot na nakalatag sa likod ko. Bakit malambot ito at hindi mga bato, ‘di ba nga’y nahulog ako sa bangin? Napakunot-noo ako. Pakiramdam ko nga’y halos hindi na maipinta ang mukha ko sa pagtataka. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses babae kanina. Halos magsalubong na ang mga kilay ko sa nakikita. Hindi ko siya kilala. Umikot din ang tingin ko sa buong lugar. May apat na sulok at may dingding. Sa harapan ko ay may pinto. Ang loob ay may mga damit na tinutupi na nasa loob ng kabinet. Nagtataka ako. Alam ko ang salitang “kabinet”?

“Anong nangyayari sa ‘yo? Bakit takang-taka ka d’yan? Binabangungot ka ba?” muli kong dinig sa boses babae na iyon. Bumalik sa kanya ang tingin ko at tinitigan ko siya nang may pagtataka. Pumikit ako ulit baka sakaling panaginip lang ‘to. Nahulog ako sa bangin kanina. Hindi pwede ‘to. Ilang pilit ko pa ay itim lang ang nakikita ko habang pumipikit. Anong nangyayari?

“Huy! Okay ka lang ba?!” boses ulit nito. Bumalik na naman sa kanya ang tingin ko nang may biglang may kung anong matigas na binato sa mukha ko. Sisidlan ng pulbo. Dahil do’n ay tiningnan ko siya ulit.

“Ate?” bigla kong sambit. Nagulat ako sa sinabi ko.

“Mabuti at kilala mo pa ako? Ano bang panaginip mo at gulat na gulat ka pagkagising mo? Parang gusto mong bumalik doon.”

“I was dreaming?!” mahina kong sigaw. Nagtaka ulit ako sinabi ko. Bakit ako nag-i-Ingles? Pero mas nagulat ako sa sinabi niyang panaginip. “I was dreaming or this is now my dream?” dagdag ko pa.

“Ano ba? Hoy, nanaginip ka! Nag-good night ka pa nga sa ‘kin kagabi.” Hidi pa rin maipinta ang mukha ko sa sobrang pagtataka. Si Umba, sina Talum at Talam, si Kaher, Si Eloia ay panaginip ko lang?! Imposible! Tandang-tanda ko pa ang lahat ng pangyayari kahit katiting na pangyayari ay tanda ko pa. Paano ako nagkaroon ng panaginip na ganoon ka-ganda?

“Tinatawag na tayo ng mommy. Mag-ayos ka na d’yan. Nakakatawa ka naman,” aniya at lumabas.

***

Nasa hapag-kainan na kami ngayon at gulong-gulo pa rin ang isip ko. Nakita ko ang paghigop ni Daddy ng kape niya. Bigla kong naalala sina Dew at ang kanyang mama. Nakakagulat ang mga pangyayari. Titig na titig pa rin ako sa mga mata ng bawat pamilya ko. Talaga bang pamilya ko sila? Hindi ko namalayan na kinakapa-kapa ko na pala ang mga kamay at balikat ko habang ang lahat ay kumakain.

“Alora, okay ka lang?” Napaligon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Mommy. Alora pala talaga ang pangalan ko? So totoo ang nasa panaginip ko na Alora ang pangalan ko?

“Kanina pa siya ganyan, Mommy. Nung nagising nga ‘yan, biglang dumilat ang mata. Akala ko nasapian. Tapos takang-taka siya,” tugon ni ate sabay tawa nang mahina.

“Baka maganda lang ang panaginip mo, Alora,” rinig kong salita ni Daddy.

“Paanong maganda, Daddy, e bigla ngang dumilat ang mata  niya pagkagising. Baka masamang panaginip nga, e.”

“Mapait doon pero maganda,” wika ko at natigilan naman sila. Nagpatuloy na ako sa pagkain.

***

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa kwarto. Humiga ako ulit at pinilit kong matulog. Baka kasi pag nakatulog ako, lalabas ako doon at kasama ko na sina Eloia. Pero hindi na talaga ako nakakatulog. Tinitigan ko nalang ang bobong ng kwarto ko.

”Hindi man lang ako umabot sa Lupain ng Kaluwalhatian? Sabagay, mostly naman sa panaginip ay bitin,” mahina kong sabi sa kawalan. Napabuntong-hininga na lang. Siguro ay kailangan ko nang tanggapin na panaginip lang iyon.

ALORAWhere stories live. Discover now