Kabanata 12

7 3 0
                                    


Nagising ako at napansin ko ang mga punong-kahoy na lumalagpas sa pwesto ko. Mabilis ang kanilang paglagpas. Mamaya ko lang napagtanto na nasa loob ng isang tumatakbong bus pala ako. Nilibot ko ang loob. Nasa tabi ko si Lerin na natutulog kaya ginising ko siya.

“Lerin,” mahinang tawag ko sa kanya. Tinapik-tapik ko ang balikat niya. “Lerin, gumising ka.” Nagising din siya ‘di nagtagal. Nilibot niya rin ang lugar. “Nasaan tayo?”

“Nasa bus tayo, Lerin. Paano tayo napunta dito?”

“Hindi ko alam. May dumukot sa ‘tin, ‘di ba?” Nang dahil sa tanong niya ay agad ko ring naalala ang mga nangyari. Nag-usap lang kami ni Lerin kanina sa labas ng mall sa ilalim ng isang punong-kahoy ngunit bigla nalang akong nakaramdam ng tela ng ipinatong sa ilong ko.

Nilibot ko ulit ang loob ng bus at kitang-kita ko ang likod ng mga taong nakasakay din sa bus. May parang pamilyar sa akin kaya tinitigan ko muna ito. Pamilyar sa akin ang likod ng isang lalaki. Iniisip ko kung saan ko siya nakita.

“Si Dew!” wika ko.

“Sino?” rinig kong sabi mula ni Lerin.

“Si Dew. Bakit siya nandito?” Tumingin-tingin pa ako sa ibang banda. Naaninag ko rin ang dalawang pamilyar na likuran.

“Manong Tacio at Bogart?!” bulalas ko.

“Sino ba iyang mga sinasabi mo?” ani Lerin. Nagulat at nagtataka na ako sa mga nangyayari. Bakit sila napadpad dito? Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan sina Mang Tacio at Bogart. Nagtataka man ako, pero nami-miss ko na rin sila.

Nang makalapit ako sa kanila ay hindi nga ako nagkamali ng akala, si Mang Tacio at si Bogart nga.

“Bogart! Mang Tacio! Anong pong ginagawa ninyo rito?”

“Dahil sa kagustuhan kong bilhan ng bagong notebook si Bogart ng bagong gamit, pumunta ako sa kabilang bayan. Nagbakasakali akong may makitang pera para pambili. Nagnakaw ako...” mahina niyang sabi. Unti-unting lumalabas ang luha sa kanyang kanang mata. Diretso lang ang kanyang tingin sa daan. Nagulat ako sa narinig at nakita. Pakiramdam ko ay nananiginip ako. Si Bogart naman ang tiningnan ko nang may pagtataka.

“Nagsinungaling ako kay tatay tungkol sa score ko sa klase,” wika naman ni Bogart nang hindi man lang din tumingin sa akin. Diretso lang ang kanyang titig. Hindi ko na siguro maipinta ang mukha ko sa pagtataka. Bakit sinasabi nila sa akin ang kanilang mga masamang nagawa? Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ‘to?

Nilingon ko si Dew. Seryoso ang mukha nito. Pinuntahan ko na rin siya dahil nagulat din ako kung bakit siya nandito sa loob ng bus.

“Ginahasa kita. Nag-isip ng kalaswaan at kabastusan,” sambit niya. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang sinabi iyong nang makalapit ako sa kanyang kinauupuan. Pati ang kanyang mga mata ay tutok na tutok sa dinadaanan naming kalsada.

“Dew?” tawag ko sa kanya. Parang hindi niya ako naririnig. Sinubukan ko pang pumagitna sa harap niya. “Dew?” muli kong tawag. Hindi pa rin siya kumikibo at diretso lang ang kanyang tingin.

“Anong nangyari sa ‘yo? Anong nangyayari sa inyo?” tanong ko sa kawalan. Pagkatapos ay bumalik ako sa tabi ni Lerin kung saan ako nakaupo kanina.

Ang daming tao sa loob ng bus na hindi ko pamilyar. Lahat sila ay nakatitig lang sa daan.

“Pinaniwala ko ang asawa ko na anak niya ang pinagbubuntis ko,” bigla kong rinig mula sa harap ko. Bakit nila sinasabi ang kanilang mga kasalanan ngayon, ano ang nangyayari?!

Pilit kong iniisip at inuunawa ang mga pangyayari. Nanaginup ba ako? Lumingon ako kay Lerin na siyang nakatingin din sa akin.

“Anong nangyayari?” tanong niya, bakas din ang kanyang pagtataka.

ALORAWhere stories live. Discover now