Kabanata 7

7 3 0
                                    

“Lora..” Si Dew. Blangko ang kanyang mukha nang hinarap ko siya.

“Saan ka ba galing?”

“Nagbasketball lang kami ng barkada.”

“Kaya hindi mo nasagot ang tawag ko?”

“Oo, lowbat kasi ang cellphone ko at nasa bag lang din.”

“Alam mo namang hindi maayos ang pakiramdam ng nanay mo, pinili mo mga barkada mo, Dew,” mahina kong sambit sa kanya kasi baka marinig ako ni Tita Elna na nakaidlip.

“Pasensya na. Maligo muna ako.”

Nilagay niya ang bag niya sa lamesa bago pumasok sa kanyang kwarto. Agad kong binuksan iyon at hinanap ang kanyang cellphone. Sixty percent naman ito kaya bakit niya sinabi kanina na lowbat siya. Sinubukan kong buksan at medyo nanlaki ang mata ko nang makitang incorrect password ang nabasa ko. So nagpalit siya ng password.

***

“Babe, good morning,” dinig kong bati sa akin ni Dew. Alas singko pa lang ng umaga kaya nagtataka ako kung bakit gising na siya.

“Ba’t ang aga mong nagising? Wala naman kayong OJT ngayon, ‘di ba, kasi Sabado?”

“Hindi ko pala nasabi sa ‘yo kahapon, babe, may OJT pala kami ngayon.”

“Bakit daw?”

“Kailangan ng tao doon sa office kasi na-aksidente kasi ang anak ng boss namin.”

Hindi na ako sumagot. Bumangon nalang ako at naghanda ng kanyang makakain at baon. Hindi ko pa tinanong kung bakit nagpalit siya ng password sa cellphone n’ya.

Inihanda ko na ang lahat ng kailangan n’ya pati ang polo niya.

“Salamat, babe.”

“Bakit mo pala sinabing lowbat ka kahapon, e, sixty percent naman ang cellphone mo?” Sa halip na sagutin ako ay kumuha siya ng plato at kutsara na para bang hindi niya ako narinig.

“Hindi—”

“Akala ko kasi lowbat ‘yon, Lora, pasensya na,” putol niya sa akin. Talagang kahapon ko pa siyang hindi naiintindihan. Ngayon lang ako nagtataka sa tao.

Bago siya umalis ay nagmano muna siya sa mama niya at kanya ring hinalikan ang noo ko.

***

“Uy, Magdalena na pala,” biglang sambit ni Tita Elna nang mabuksan ang TV. Magdalena ang paborito niyang pinanunuod tuwing alas kwatro ng hapon. Ang teleserye ay patungkol sa isang babae na parang gulong ng palad ang buhay. Masukal, maligaya, mapait, maligaya ulit. Hindi ko nga alam kung ano ang kanyang kapalaran sa huling kwento niya.

“Alas kwatro po ‘yan nagsisimula, ‘di ba?” tanong ko kay Tita Elna.

“Oo, hija. Wala pa pala si Dew. Alas tres ang uwi no’n.” Naisip ko agad si Dew. Hindi pa umuwi. Nagtungo ako sa maliit na lamesa kung saan nakapatong ang telepono.

Nagri-ring lang ito pero hindi sinasagot. Tinawagan ko ulit pero nagri-ring pa rin at hindi sumasagot. Naiinis na ako dahil kahapon pa siyang ganito.

“Hindi po sumasagot si Dew,” sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagluluto. “Baka nagba-basketball na naman ‘yon,” wika ni Tita Elma. Hindi na ako sumagot. Naiinis ako.

Pagkatapos kong magluto ay nagtungo ako sa basketball court, nagbabasakali akong makikita ko roon si Dew. Pero nadismaya lang din ako nung malaman kong wala siya roon.

“Ah, excuse me po. Naglaro po ba dito kanina si Dew?” tanong ko sa binatang nakatayo at nakaharap sa basketball court, nanunuod.

“Ah, wala po, ate. Ilang araw na rin po siyang hindi naglalaro. Pero nakita ko po siyang may kasamang babae kanina. Kaano-ano n’yo po si Kuya Dew?”

ALORAOnde histórias criam vida. Descubra agora