Kabanata 18

9 5 0
                                    


Matapos ang usapan namin, nagpaalam na kami ni Eloia sa kanila. Palagi kong tatandaan ang mga tagubilin nila sa akin. Mami-miss ko ang kanilang mga kulit, ngiti at tawa.

“Kinakabahan tuloy ako sa sinabi ng mga kaibigan natin, Eloia,” wika ko sa kanya habang tutok ang paningin namin sa daan.

“Lakasan mo lang ang loob mo at palagi kang manghingi ng tulong kay Makapangyarihang Yahweh. Lagi mong aminin na mahina ka at kailangan mo ang lakas Niya. Kumapit ka sa pangako Niyang makakarating ka sa Lupain ng Kaluwalhatian. Hawak ka Niya kaya kumapit ka,” aniya. Yumuko nalang ako. Parang pinapahiwatig talaga nila na may masamang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Sana nga ay makakayanan ko.

Bumubungad na naman sa amin ang luntiang paligid gawa ng mga kahoy at mga tanim. Napabuntong-hininga muli ako. Mabuti nalang at kahit papaano ay nakagagaan ng damdamin ang lugar na ito.

Pero biglang naging hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid. Hindi ko alam kung ano iyon pero napakunot-noo ako gayong marikit naman ang paligid kaya nagtataka ako kung bakit bigla akong nakaramdam ng hindi maganda rito.

Ganoon pa man ay iwinaksi ko nalang iyon sa isipan at itinuon ang atensiyon ko kay Eloia na nasa may ulohan ko na lumilipad.

“Eloia, noong natulog pala kami sa kubo, may napanaginipan ako,“ simula ko.

“Ano iyon? Tweet tweet!”

“Nakatayo ako sa isang malawak na lugar. Halos ang buong lugar ay asul at napakalma. Maging iyong tinatapakan ko ay hindi nga lupa, parang bulak pero hindi ganoon kalambot. Ang mga ulap din ang kapal, halos hindi ko na nga rin makita ang himpapawid. Naging asul lang ang kulay ng lugar na iyon dahil sa lawak ng inaapakan ko. Para itong dagat pero hindi umaalon, kalma lang. Tapos ang ganda pa ng pakiramdam ko roon, ang saya. Parang wala akong kilalalang kalungkutan sa lugar na iyon,” mahaba kong paliwanag sa kaniya.

“Baka kamukha iyon ng Lupain ng Kaluwalhatian.” Namilog ang labi ko sa sinabi niya. “Gaano ba kaganda ang lupain na iyon?”

“Dahil sa kagandahan ay hindi ko mailalarawan, Alora. Hindi ko rin maihintulad sa iba,” aniya. Muli, nagtaka na naman ako.

“Pero gusto kong bumalik sa panaginip na iyon, Eloia. Ang sarap at saya ng pakiramdam ko roon, ang payapa.”

“Ang mga katangian iyan ay nasa Lupain ng Kaluwalhatian ngunit hindi iyon ang kabuuan,” aniya. Parang nananabik tuloy akong makarating sa lupaing iyon. Nakarinig na naman ako ng kaluskus sa gilid ng daanan kaya napatigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman kung ano iyon. Lumakas na naman ang kutob ko sa hindi magandang mangyari. Halos magsalubong na ang mga kilay ko sa pagtataka kung ano iyon.

“Eloia, nararamdaman mo ba iyon?

“Ihanda mo ang sarili mo," wika niya. Sa halip na sagutin ako ay iyon ang sinabi niya. Ang pagtataka ko nama’y napalitan ng kaba. Maya-maya ay bigla akong nakarinig ng tunog ng ahas. Pinakinggan ko muna nang maigi ang paligid dahil baka tunog lang iyon ng mga dahon na nadadala ng hangin.

Mas lalong lumalakas ang tunog ng ahas kaya lumingon ako sa likod pero wala akong nakita kaya laking gulat ko nang muli akong humarap. Isang dambuhalang ahas na kulay itim. Ang mga mata pa nito ay kulay pula. Tinitingala ko siya sa laki niya. Pamilyar sa akin ang ahas na ito. Napansin ko na lang ang sarili ko na hinahabol ang hininga dahil sa takot. Ito na siguro ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko kanina habang kami’y naglalakad. Paano kung katapusan ko na?

“Saan ang punta ninyo?” pinaghalong boses ng babae at lalaki mula sa ahas. Ang laki ng boses nito, nakakatakot. Habang ang kanyang katawan naman ay napakalikot. Lalo tuloy akong kinabahan. Halos hindi ko na mahabol ang hininga ko.

ALORAWhere stories live. Discover now