Chapter Three: Lawyer

78 8 6
                                    

Tumugtog ang kanta ng SB19 na pinamagatang "MAPA". Ang sakit. Sobrang sakit na ihatid sila sa huling hantungan. Ang sakit na kinuha sila sa amin nang hindi pa naaayon sa oras. Ang sakit na parang dinidikdik ang puso ko.

Kasama ang mga nakiramay, hinatid namin sila sa huling hantungan. Napuno ng kakila-kilabot na iyak ang sementeryo. Nakakahawa ang mga malulungkot na mukha ng mga tao pero pinigilan ko ang sarili na umiyak. Ayokong tumulo ang luha ko kahit sobrang bigat na ng dibdib ko.

"Ches," hindi ko nilingon ang boses ng kaibigan kong nasa tabi ko lang. Inilapat niya ang palad sa likod ko para sabihing may kasama ako, na nakikiramay siya. "Condolence ah. Wag kang mag-alala, si God na bahala sa kung sino man ang gumawa nito sa inyo"

Tumingin ko sa kaniya na may namumuong luha sa mata. "Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya pero iniwas ko ang mata sa kaniya saka tiningnan kung paanong ibinaba sa lupa ang dalawang kabaong. Magkatabi lang ang puntod ng Ama ko't Ina. Habang ibinababa sila, umalingawngaw ang iyakan. Lalo na ng aking bunsong pamangkin na nagdadabog dahil nakita niya ang lola at lolo na ililibing na.

Hindi ko napigilan ang magkakasunod na tulo ng luha nang umalingawngaw ang kanta ng SB19. Lalo na ang liriko ng "pahinga muna, ako nang bahala". Ang sakit na nanunuot sa puso ko at pinapaluha ang mata ko.

Ang isang hikbi ay hindi ko napigil. Naitakip ko ang kamay sa aking bibig dahil sa nakikita ko. Nanginginig ang katawan ko at parang gusto kong umiyak na parang bata. Gusto kong gayahin ang mga pamangkin kong umiiyak ng sobrang lakas. Gusto kong yakapin ang katawan nila kahit malamig.

Pero ang lahat ng gusto kong iyon ay hindi ko ginawa. Pinigil ko ang sarili na huwag magpakita ng kahinaan pero taksil ang luha kong ayaw tumigil. Sobrang labo na ng mata ko dahil sa luha'ng ito. Hindi ko na napigilan na hatakin ang katabi at yakapin. Halata ang pagkagulat ng kung sino man ang hinatak ko. Wala akong ibang intensyon kung hindi ilabas ang sakit.

Iniyakap ko ang braso ko sa kaniyang bewang at umiyak sa kaniyang dibdib. Hindi ko man siya kilala at ganoon din naman siya, nakaramdam ako ng kakampi dahil sa bahagya niyang paghaplos sa aking likod.

"Magiging okay lang ang lahat" baritonong aniya. Hindi ko iyon pinansin. Ipinagpatuloy ko ang paghihinagpis. Umiyak ako nang umiyak sa kaniyang dibdib habang pinipigilan ang paghikbi.

'Ma, Pa, ibibigay ko ang hustisya. Kapag hindi nalutas ng lawyer ang kasong ito, ako mismo ang hahanap sa pumatay sa inyo. Saka ko siya ilalagay sa rehas at mumurahin ng marahas'

Nang manaig ang galit sa puso ko ay humiwalay ako sa lalaki'ng niyakap ko. Walang hiya akong naramdaman. Gumaan pa nga ang loob ko. Hindi ko na tiningnan ang lalaki. Tinalikuran ko siya saka ako sumakay sa van na inokupa nila Kuya para sa kaganapang ito.

Ayokong manatili doon nang umiiyak. Baka nandoon ang killer at natutuwang lahat kami mahina sa paningin niya.

ILANG ARAW matapos ang paglibing sa kanila ay pinatawag kaming magkakapatid sa barangay. Naroon daw ang lawyer na umaasikaso sa kaso namin.

Nakasakay kaming magkakapatid sa barangay mobile habang ang asawa ni Kuya Maverick ay naiwan sa bahay kasama ang mga bata. Ayaw sana ni Kuya pero nagpumilit si Ate. Hindi niya rin ito pwedeng bantayan sa bahay dahil kailangan siya sa barangay. Siya kasi ang panganay sa'min.

Agad kaming bumaba sa mobile at saka tinungo ang barangay hall. Nandoon nga si Atty. Marquez at nakikipag-usap sa kapitan.

"Oh, iyan na sila. Halika, umupo kayo" ani ng kapitan. Umupo kami ni Carl kaharap ang attorney habang ang mga Kuya namin ay nasa likod at nakatayo lang. Hindi tumitingin sa aming dalawa ni Carl ang attorney. Kina Kuya nakatutok ang paningin niya dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Good Morning po" usal ng mga kapatid ko pero hindi ako. Mataman kong tiningnan ang kinikilos ng lawyer.

"Good Morning Madrigal Siblings," ani ni Atty. Marquez saka inilabas ang isang folder. Iniabot niya ito kay Kuya Maverick na sinilip ni Kuya Chaviz. "Hindi itinaas sa korte ang demanda ninyo dahil sa kakulangan ng ebidensya"

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo kong tanong habang magkasalubong ang kilay. Saglit na tumingin ang attorney sa'kin saka inangat muli ang tingin kina Kuya.

"Ang iniaakyat lang sa korte ay iyong sigurado na sa idinedemanda. Sa kaso ninyo, wala tayong person of interest kaya binasura ng korte ang sumbong" aniya na nagpainit sa ulo ko.

"Diba nagturo kami ng tao! Laging ikine-kwento ni Mama iyon na lagi siyang pinagbabantaan at pinagsasalitaan ng masama! Tatlo rin kaming witness ng kapatid ko at ng kaibigan niya noong gabing iyon! Anong hindi sapat ang ebidensiya eh tatlo na nga kami!?" Sigaw ko sa attorney na ikinagulat ng lahat.

"Iha, huminahon ka--" pinutol ko ang sasabihin ni kap.

"Paano ho akong hihinahon eh hindi maganda sa pandinig iyang binalita ni attorney!"

"Lahat naman ng sinabi mo Ms. Chesley pati ng kapatid at kaibigan niyo ay nakalagay sa statement. Bawat senaryong sinabi niyo ay recorded pero hindi sapat na ebidensya iyon para kasuhan na'tin iyong tao dahil we are lack of evidences" paliwanag ng lawyer.

"Eh ano iyong kwintas? Asan na iyong kwintas, akin na!" Sigaw ko sabay lahad ng kamay. Ang kwintas na iyon ay naiwan ng isa sa pumatay. Nakita ko iyon at agad pinulot para gawing ebidensiya. Ibinigay ko sa lawyer ang kwintas na iyon sa pag-aasam na magkakaroon na kami ng lead para idiin ang taong pinaghihinalaan namin ni Carl.

"I'm sorry to tell you this, Ms. Chesley pero nawala ang kwintas," umawang ang bibig ko at tinitigan ang lawyer nang hindi makapaniwala. "Sa maniwala man po kayo o hindi, itinabi ko iyon ng maigi. Sa lugar na alam kong walang makakaalam pero noong tingnan ko ay wala na--"

"Ginagago mo ba kami!?" Tumayo ako at itinuro ang pinto ng hall. Umastang naroon ang bahay namin. "Pinatay ang magulang namin! Tatlo kaming saksi! Binigay ko sa'yo ang kwintas bilang ebidensya! Sinabi ko sa'yo ang pangalan ng pinaghihinalaan namin! Bakit ngayon mo sinasabi sa amin 'to?!" Nag-umpisang manubig ang mata ko habang kita ko ang takot at pag-aalangan sa mata ng lawyer. "T*ngina! Binayaran ka ng pesteng iyon! Ang tanga ko para maniwalang hindi nababayaran ang hustisya!" Tinalikuran ko ang lahat saka marahas na pinunasan ang pisngi nang tumulo ang luha ko.

Pumikit ako ng mariin saka tumakbo palabas ng hall.

"Chesley!" Tawag ni Kuya pero hindi ko sila binalikan ng tingin.

'Nababayaran na ang lahat, pati ang hustiya! Punyeta!!'

JusticeWhere stories live. Discover now