Chapter 22: Save Me, Please (1)

39 6 6
                                    

Warning: Not suitable for young audiences. Force Sexual Intercourse, Kidnapping and Physical Violence are present.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba na bumalot sa puso ko nang makakita ng itim na van. Tinted ang kulay niyon. Sumabay ang kilabot dahil pakiramdam ko ay may taong nakatingin sa akin mula sa loob.

Huminga ako nang malalim saka naglakad patungo sa kabilang daanan. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang marinig ang pagbukas ng pinto ng van. Nagmadali akong maglakad ngunit sa hindi inaasahan, paghakbang ko sa sementadong kalsada, ay may humawak sa aking braso at agad akong hinatak.

"Ahh!" Tili ko. Agad kong hinablot pabalik ang braso ko at nang magawa iyon ay itinulak ko ng malakas ang lalaki saka tumakbo nang mabilis. Hindi pa ko nakakalayo nang mabangga ako sa isang lalaki. Hinawakan niya ako sa balikat at walang alinlangan sinuntok ang aking sikmura dahilan para nanghihina akong lumuhod sa sahig habang sapo ang masakit kong tiyan.

"Ang hina mo naman pre eh. Isang suntok lang sa babae, wala nang palag iyan" maskuladong ani ng lalaking nasa harap ko.

"Tangina, tinulak ako eh" natatawang sagot ng kausap niya. Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sa akin na parang isang sakong bigas. Naglakad sila patungo sa nakatigil na van at doon ako ipinasok. Sinubukan kong manlaban nang takpan nila ang ilong at bibig ko ng panyo. Nakaramdam ako ng hilo at antok sa hindi malamang dahilan nang maamoy ang panyo.

NAGISING ako na parang pinupukpok ang aking ulo sa sakit. Nakaramdam rin ako ng pamamanhid ng buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang kamay at paa. Nang idilat ko ang tingin, nangilabot ako sa lugar.

Tanging ilaw sa tuktok ng aking ulo ang nagbibigay liwanag sa abandonadong kwarto. Nakaupo ako sa isang upuang gawa sa kahoy habang ang kamay at paa ko ay mahigpit na nakatali. Marumi ang paligid, napapalibutan ng sapot ng gagamba. May mga butiki at ipis sa dingding.

'Nasaan ako?'

Bumalot ang takot sa pagkatao ko nang maalala ang van kanina noong pauwi na ako. Iyon ba iyong nangunguha ng bata para tanggalan ng lamang-loob? Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang mabuhay para kina Mama.

Lumilipad pa ang aking isip nang bumukas ang pinto. Nakakakilabot ang ingay niyon dahil sa kalumaan. Tiningnan ko ang taong pumasok at kumunot ang noo nang mamukhaan ang babae.

'Zisiannia?'

Naguguluhan ako. Zisiannia Navales is my classmate and here she is now. In front of me while I am being kidnapped. May kinalaman ba siya rito?

Hindi pa ko tapos mag-analisa nang muli ay may pumasok na dalawang lalaki. Natuon ang mata ko sa lalaking katabi ni Zisiannia. May hithit itong sigarilyo habang nakaukit ang ngisi sa labi. Pula pa ang mata sa hindi ko mawaring dahilan. Nakasuot ito ng itim na shirt at itim na pantalon.

"Hi Chesley Madrigal" Kent Bryan Dela Cruz said while smoking a cigarette. Hindi ko alam kung bakit namasa ang mata ko at dumagundong sa kaba ang puso ko.

Bakit sila magkasama ni Zisiannia sa lugar kung saan ako dinala ng mga kidnappers? Bakit mababakas sa mukha nila na wala silang pakialam at inaasahan nilang mangyayari sa akin ito? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

Napakaraming tanong ang umusbong sa aking isip. Hindi iyon masagot ng kahit ano dahil wala akong maintindihan. Sa loob ng ilang buwan ay nakasama ko sila kaya... ano ito? Anong ibig sabihin nito?

"She looks confused huh?" Tumingin ako sa lalaking kasama ni Kent na dumating kanina. Hindi ko kilala ang lalaki ngunit hindi ko gusto ang malagkit niyang pagtingin. Parang hubad ako para sa kaniya.

"Siyempre," lumapit sa akin si Kent. Iniluhod niya ang isang tuhod at walang pakundangang nilagay ang kamay sa aking hita. Halos mapugot ang hininga ko nang itaas niya pa ang kaniyang kamay habang nakangisi at deretso ang tingin sa akin.

"Don't play with her Bryan. Boss' aren't here yet. Baka ikaw ang pugutan ng ulo no'n" hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Zisiannia. Natigil ang kamay ni Kent sa pag-akyat at inalis na roon ang kamay niya ngunit pakiramdam ko ay ang dumi ko. Pakiramdam ko ay hinaras ako at wala akong kalaban-laban. Gusto kong maiyak sa kalagayan ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit narito ako ngayon sa puntong ito? Para saan ang lahat ng ito?

"Sa bagay, sa atin pa rin naman ang bagsak niyang babaeng iyan" malakas na kinotongan ako ni Kent na nagpasakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit niya ko sinasaktan. Masakit ang ginawa niyang iyon. Siya kaya kotongan ko?

"What if put her gag down so she could speak?" Lumapit ang isa pang lalaki at marahas na tinanggal ang busal sa bibig ko. Mariin niyang hinawakan ang panga ko at itinangala sa kaniya. "Your lips look so good hmm?" Walang anu-ano'y dinilaan niya ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at pumalag dahilan para natatawa niyang binitiwan ang panga ko.

Gusto kong maiyak. Pakiramdam ko'y pinagkakaisahan ako at wala akong katulong. Pakiramdam ko pinagsasamantalahan ako. Sa paghawak ni Kent sa hita ko, pakiramdam ko'y naroon pa rin ang kamay niya. Sa ginawang pagdila ng lalaking iyon sa labi ko, pakiramdam ko ang dumi ko.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Tanong ko sa kanila. Tanging kay Zisiannia lang nakapako ang tingin ko kahit sa ibang dako siya nakatingin. Hindi ko kayang tingnan ang dalawang lalaki.

"We've got a news that your---"

"Ano ba iyan George? Maka-english ka naman para kang foreigner?" Turan ni Kent habang inis na nagkakamot ng ulo. "Mag-tagalog ka na tss"

"Eh?" Ngumiwi ang lalaking tinawag na George. Ang lalaking dumila sa labi ko. "Ayun nga, nage-excel ka sa klase eh. Ayaw namin sa ganoon. Mahirap na, baka tuluyan kang maging attorney tapos mahanap mo ang mga tao sa likod ng pagpatay sa mga magulang mo"

Galit kong tiningnan si George. Kung gayon, napag-utusan sila ng mga taong pumatay kina Mama at Papa? Ipinadala sila para kidnapin ako at igaya sa mga magulang ko?

"Gagawin niyo sa'kin ang ginawa ninyo sa mga magulang ko?" Tanong ko sa kanila. Ngumisi si George at lumapit muli sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko pero marahas kong iniwas ang aking mukha.

"Matapang ka nga, tulad ng sinabi nina Kent at Annia," nakangising aniya. "Pero anong silbi ng tapang mo kung hihiwaan kita?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit napalitan ng gulat at sakit nang maramdaman ang dahan-dahang paghiwa sa braso ko. Tiningnan ko iyon. Gamit ang isang matalim na blade, hiniwa ni George sa malaking sugat ang balat ko roon.

"Ahh!" Daing ko na ikinatawa nila.Umagos ang dugo mula sa braso ko. Tiningala ko si Kent nang maramdaman din ang paglapit niya. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod tapos ay tinanggal niya ang dalawang butones ng blouse ko. Namula ako sa hiya at kumabog ang dibdib ko sa takot nang sumilip ang dibdib ko. Lalo na nang ibaba pa ni Kent ang blouse ko dahilan para makita nila ang kulay lila kong brazierre.

"Kent!" Sigaw ko. Sinabukan kong gumalaw pero mahigpit ang pagkakatali sa paa at kamay ko. "H-Huwag niyo naman gawin ito" doon na ko napaluha. Lalo na nang maramdaman ang kamay ni George sa puson ko.

"Mabilis lang naman eh," bulong ni Kent sa tainga ko habang hinahaplos ang braso ko. Lalo akong naiyak sa tinuran niya. "Dalawa kami, isa ka. Mas masarap iyon diba?"

"N-No, Kent..." umiiyak kong sabi. Nagmamakaawa ako. Hindi ko kayang mangyari ang naiisip ko. Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko bang mamatay o umayon sa gusto nila. Ayoko... ayoko sa dalawang choices na iyon.

"Kent and George, hindi talaga kayo makapag-hintay ano?" Bigla ay gumilid ang dalawa. Luhaan kong tiningnan ang isang matabang babae na puro alahas sa katawan katabi ang isang lalaki na gayon din ang hitsura. May hipak na tobacco ang lalaki habang lollipop naman ang nakasalpak sa bibig ng babae. "Darating kayo sa puntong iyan. Hayaan niyo lang muna kami kausapin ang trying hard future lawyer ng Pamilya Madrigal"

JusticeWhere stories live. Discover now