Chapter 30: Moved

36 5 8
                                    

Isang linggo pa ang lumipas bago ako sabihan ng doktor na maaari na kong lumabas. Narinig ko ang pag-uusap nila tungkol sa mga gamot na kailangan para sa full recovery ko.

"Prinsesa, tara na" sinimangutan ko si Paulo nang sabihan niya na naman ako ng "Prinsesa". Ayaw ko kasi ang itinuturing akong mataas at maharlika. Pero lalo akong naiinis kapag tinatawanan niya lang ako. Animo'y bata kung umasta at mang-asar.

Nakasuot ako ng kulay blue na daster na may design na mini-mouse. Si Ate Ella ang tumulong sa akin para makapag-bihis. Siya raw ang asawa ni Kuya Maverick. Sa loob ng isang linggo, pinilit ko ang sarili na hindi layuan ang mga kapatid ko dahil ayaw kong malungkot sila at ayon na rin sa sinabi ni Paulo. Rumehistro naman sa isip ko na nawawala ang alaala ko kaya kailangan kong alalahanin iyon nang sa gayon ay maintindihan ko kung bakit nasa ganito akong sitwasyon.

Pagkaupo sa wheelchair ay pumwesto si Paulo sa likod ko upang itulak ito. Hinawakan ko ang pulsuhan niya dahilan para bumaba ang tingin niya sa akin.

"Pwedeng si Kuya Maverick na magtulak?" Ngumiti siya at saka ako iniwan para puntahan si Kuya Maverick. Wala pang ilang minuto ay bumalik siya kasama si Kuya. Lumalabas ang dimple nito sa sobrang pagkakangiti.

"Sige, ako na" sabi ni Kuya Maverick. Pumwesto siya sa aking likod at saka itinulak ang wheelchair. Tahimik kaming lumabas ng kwartong iyon kung saan sinalubong kami ng dalawang pulis. Ikinataka ko man ay hindi ko na iyon pinansin. Nasa unahan ang dalawang pulis habang nasa kaliwa ko si Paulo at si Kuya Chaviz naman ay sa kanan. Sa likod ay naroon si Ate Ella at Carl. Kung susumahin ay nasa gitna ako.

Nakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Napapikit ako kaya kasabay ng paghawak sa aking ulo. Doon ay may mga imahe, ngunit walang boses, ang lumitaw sa isip ko.

Sinabunutan ang matandang babae sabay siko sa likod nito dahilan para sumubsob siya sa sahig. Sumugod ang isang matandang lalaki ngunit tinadyakan siya sa sikmura. Limang armadong lalaki ang makikita kaharap ang mga nakaluhod na tao na may katandaan na. May sinabi ang lalaki ngunit hindi ko marinig. Basta itinaas ng lalaki ang kaniyang baril at pinutok iyon. Sapul sa noo ng babae. Sumigaw ang lalaki ngunit dalawang putok ng baril ang tumama sa kaniyang dibdib. Lumumpasay sa sementadong sahig ang katawan ng dalawa. Ngunit hindi doon nagtapos ang lahat. Unti-unting namuo ang luha ko sa hindi malamang dahilan nang paulanan ng limang lalaki ang katawan ng dalawang matanda.

"Chesley, anong masakit?" natauhan ako nang hawakan ni Kuya Chaviz ang pulsuhan ko. Namumuo ang luha kong idinilat ang mata. Mababakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala ngunit pumikit ako ng maraming beses upang mawala ang naisip kong iyon.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang galit at lungkot na umusbong sa puso ko. Paano nila nagawa iyon sa dalawang matanda? Wala silang kalaban-laban kaya paano nilang nasikmura na saktan ang mga taong iyon?

"Okay lang. May naisip lang ako" umiwas ako ng tingin. Doon ko nakita na nasa labas na kami ng ospital. Ikinakunot ng aking noo ang lagpas sa sampung bilang ng mga unipormadong lalaki at babae. Nakasuot sila ng business suit at may sunglasses sa mga mata. May bluetooth earphone sila na nakadikit sa mga tainga. Makikita ang baril na nasa kanilang baywang.

"Sir," sumaludo ang isang pares ng babae at lalaki kay Paulo. "Pinadala po kami nila Ma'am Franceska at Sir Viktorio para ihatid kayo sa inyong bahay"

"Bakit madami?" Kunot ang noong tanong ni Paulo.

"May mga death threats kasing natanggap ang mga magulang ninyo ngayong araw lang. Lahat iyon ay tumutukoy sa pag-ampon ninyo sa Madrigal Siblings" sumagot ang babae na maganda ang pagkakatindig. Numipis ang aking labi at nagsalubong ang aking kilay.

Death threats? Bakit? Anong kasalanan ang ginawa namin para umabot sa ganito ang lahat? Naging masama ba akong tao bago ako mawalan ng alaala kaya ganito ang nangyayari ngayon?

JusticeWhere stories live. Discover now