Chapter Nine: Walk in Together

59 7 10
                                    

Natapos ang araw na iyon na puno ako ng sama ng loob. Panay parinig ni Paulo sa akin. Gusto'ng-gusto ko siya patulan dahil inis na inis na ko sa kaniya. Kung hindi lang pumapagitna si Kent dito, paniguradong nasampulan na siya ng ka-malditahan ko.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Kent. Nakasabit na ang bag niya sa balikat. Isinalansan ko ang mga gamit ko saka isinabit ang bag sa balikat.

"Hay, naloloka ako!" Ayan na naman ang pag-alingawngaw ng boses ni Paulo. "Stressful ang araw pero atleast, bukod sa gumanda ako ay pumasa ako sa lahat ng subjects! Mukhang wala akong dos ngayon" aniya. Nag-tiim ang bagang ko at gaya ng inaasahan, hinawakan ni Kent ang likod ko at hinaplos iyon.

"Tara na" nakangiting sabi niya. Matipid akong ngumiti saka nag-martsa palabas. Bago ako tuluyang lumisan ay binalikan ko ng tingin si Paulo. Nakatingin siya sa'kin. Ngumisi ako saka itinaas ang kamao ko. Sumaludo sa kaniya ang gitnang daliri ko.

Agad akong tumakbo nang manlaki ang mata niya at tumayo mula sa kinauupuan.

'Inamo ka. Pinagtiisan kita na huwag saktan kasi may nangingialam pero hindi pwedeng matapos ang araw na ito nang hindi ka nasasaluduhan ng gitna kong daliri'

"Ches!" Nakangiti akong bumaling sa likod. Tumatawang nakasunod sa'kin si Kent.

"Ano?" Humina ang lakad ko. Nagkasabay kami sa paglalakad. Nag-angat ako ng tingin sa floor ng building namin. Masamang-masama ang tingin ni Paulo sa'kin.

"Mas maganda ka pala kapag ngumingiti eh," napangiwi ako sa sinabi ni Kent. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Tara, libre kita milktea"

"Naku hindi na," agad kong tanggi kahit libre. "Kailangan kong aralin 'yong lecture kanina sa Political Science. May quiz tayo bukas"

"Sige. Samahan kita sa library tapos libre kita ng milktea after," agad kong ipinilig ang ulo ko at akmang magsasalita nang mauna siya. "I am just happy to see you smile Chesley. C'mon, libre naman tsaka para mabantayan kita"

"Hindi mo naman obligasyon 'yon kaya wag na" nahihiya ako. Hindi naman kami close para i-baby niya ko. It's just a smile. Why do he need to do that then?

"Wala naman akong sinabi. Sige na, that's my way of building a friendship to you," nag-iwas ako ng tingin nang mag-init ang pisngi ko. Wala namang sense 'yon diba? Hindi lang ako sanay na may gumaganito sa'kin. "Tuturuan din kita"

"Sige" saka kami dumiretso sa library. Open ito hanggang ala-sais ng gabi kaya maaari pa kaming pumasok. Pumwesto kami sa dulong bahagi ng library. Pinili ko ulit ang libro ng Political Science.

"Bakit iyan?" Tanong ni Kent nang makaupo ako sa tapat niya.

"Marami kasing source 'to. Once ko na itong nabasa at connected 'to sa pinag-aralin na'tin kanina" kinuha niya sa'kin ang libro at tumayo. Kumunot ang noo ko sa iniasta niya.

Sinundan ko siya ng tingin. Doon siya sa may shelves pumunta. Binalik niya sa librarian ang libro saka humanap ng bago.

Aaminin kong gwapo si Kent. Palaging nakangiti at pipigilan ka sa hakbang na gagawin mong alam niyang ikakapahamak mo. He has this friendly aura. And he's kind also. Approachable and gentlem---

'At bakit ko ba siya pinupuri?'

Ipinilig ko ang ulo nang makitang papalapit na siya dito. Inilapag niya ang isang may kanipisang libro.

"Ano ito?" Tanong ko. Hinawakan ko ang libro. Titulo rin nito ang Political Science. Ang cover nito ay mas intimidating tingnan. Parang mas mahirap intindihin.

"Manipis man 'yan, nandiyan ang mahahalagang topic na pinag-aaralan na'tin. As of now, Supreme Court ang topic na'tin. Tingnan mo sa Table of Contents at makikita mo 'yong specific informations" nakangiting paliwanag niya.

Binuklat ko ang libro. Page 72 ang topic ng Supreme Court. Nagpunta ako sa page no'n. Naka-bullet ang mga information. Hindi boring basahin dahil keyword na ang naroon. Tatlong page lang ang hinaba ng topic ng Supreme Court sa librong ito.

"Reliable ba 'to?" Tanong ko habang naglalabas ng papel at ballpen.

"Oo. Diyan ako kumuha ng essay na'tin nakaraan" kinuha niya ang kamay ko at inilapag sa palad ang isang orange. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Bawal 'to"

"Kainin mo kasi agad para pwede" natawa ako sa sagot niya. Mabilis kong kinain ang orange saka nag-umpisa'ng mag-review. Hindi ako gaanong maka-focus sa binabasa dahil sa panay daldal ni Kent. Nagte-take down notes naman ako kaya may mare-review ako sa bahay. Panay rin ang bigay niya sa'kin ng orange kaya nahahati ang utak ko sa pagre-review at pakikinig sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit mas gusto ko siyang pakinggan kaysa mag-review. 75% ng utak ko ang naiinitindihan ang kwento niya habang ang natira ay sa binabasa ko na.

"Tapos ka na?" Tanong niya. Isinubo niya ang huling orange. Nakangiti akong tumango saka isinara ang libro. Tiningnan ko ang sinulat ko sa notebook. Key words iyon kaya may mare-review ako pag-uwi.

"Oo" sagot ko. Pinanood ko siyang tumayo at kunin ang librong ginamit ko. Binalik niya iyon sa shelf na pinagkuhaan niya. Nag-iwas ako ng tingin at nagligpit ng ginamit nang bumalik siya.

"Ano, milktea tayo?" Aya niya. Isinukbit ko ang aking bag. Sabay kaming naglakad paalis ng library. May kadiliman na rin ang paligid no'n at iilang estudyante nalang ang narito.

"Libre mo diba?" Natatawang ani ko.

"Oo naman" aniya. Lumabas kami ng school ng magkasabay. Nagke-kwentuhan kami habang papunta sa isang milktea shop.

"Flavor ng iyo?" Tanong niya. Itinaas ko ang tingin sa tarpaulin na naglalaman ng mga flavor ng milktea nila.

"Dark Chocolate" sagot ko. Tumango siya saka humarap sa babaeng staff. Kumikinang ang mata nito dahil sa kagwapuhan ng kasama ko.

"One Dark Chocolate tsaka One Cookies and Cream" aniya sa babae.

"Right away Sir. Wait for a minute" saka siya umalis sa harap namin. Inokupa namin ang pang-dalawahang upuan sa loob ng shop. Hindi naman siguro ako pagagalitan nila Kuya. Kung si Mama ang nandiyan, papagalitan niya ko pero wala na siya. Wala nang magagalit sa'kin.

"Ches, pwede ko ba malaman kung bakit ka lumipat ng course?" Tumingin ako kay Kent. Kunot ang noo niya at naroon ang pagkaamo sa mga mata.

Tumikom ang bibig ko at kumuyom ang kamao ko. Mabilis na nag-play sa utak ko ang krimen ng gabing iyon. Nagawa ng tanong niyang iyon alisin ang kakaunting saya sa dibdib ko. Tila pinisil ang puso ko dahil lang doon.

"Okay ka lang" umiwas ako ng tingin. Itinago ko sa ilalim ng mesa ang kuyom kong kamao. Isa lang ang dahilan ko kung bakit ako lumipat sa course na kailanman ay hindi ko ginusto.

Hustisya lang ang huling maireregalo ko sa mga magulang ko.

"Okay lang kung hindi mo sabihin. Naiinitidihan ko" tumingin ako kay Kent. Na-appreciate ko ang pag-intindi niya sa privacy ko. Ayokong mag-iba ang tingin niya sa'kin kapag nalaman niya ang dahilan ko.

Dumating ang order niya. Binigay niya ang akin. Lumabas kami ng shop at nagtuloy sa paglalakad sa may kadiliman ng gabi.

"Ayoko sa course kong ito kaya! Mapilit lang si Daddy. Gusto ko sana nag-doktor kaso ayaw nila Daddy. Wala daw sa linya ng pamilya namin" natawa ako dahil nakanguso siya na parang bata.

"Take mo nalang" ani ko habang humihigop ng milktea.

"Yeah. Blessing in disguise na rin" nagpatuloy kami sa kwentuhan. Wala namang usapan kung saan kami patungo. Namalayan ko nalang na malapit na ko sa bahay nang nasa ikalawang eskinita na kami.

"Hala, dito na bahay ko" nagugulat kong sabi. Natawa siya.

"Hindi ko rin namalayan. Ganda ng sense of humor mo eh hahaha!" Aniya. Hinarap ko siya saka ngumiti.

"Salamat. Gabi na kaya dapat umuwi ka na rin" ani ko. Ngumiti siya saka inangat ang braso para guluhin ang buhok ko dahilan para mapasimangot ako.

"Sige. Bye. Kumain ka muna bago matulog" aniya saka tumalikod. Kinagat ko ang ibabang labi saka siya tinalikuran. Patakbo akong nagtungo sa bahay namin.

Feeling happy? Hindi ko alam. Komportable lang ako kasama siya dahil kahit papaano ay nawawala sa isip ko ang problema.

JusticeWhere stories live. Discover now