Chapter 18: Little Investigation

39 4 8
                                    

"Salamat" sabi ko sa nurse matapos gamutin ang maliliit na sugat sa braso ko.

Ngumiti ang nurse habang hawak ang tray kung nasaan ang mga ginamit niya. "It's okay. Next time, be careful" sabi niya pagtapos ay tumalikod sa amin at naglakad na papuntang station niya.

"Tara na" sambit ni Paulo. Tumango ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa hospital bed. Sabay kaming lumabas ng clinic.

"Kaibigan na kita?" Nakangiti kong tanong na sinisilip pa ang mukha niya.

"Hindi!" Masungit niyang sabi. Masama niya kong tiningnan at saka tumaray ng 360°. "Nae-echozera na ko sa katatanong mo eh! Pang-ilan mo na iyan hmp!"

"Confirmation lang!" Tinarayan ko rin siya saka humalukipkip. Nakanguso akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room kung saan maririnig ang pagse-sermon ni Kuya Ivan.

"Everyone, it is not good, as a future lawyer to act jealous for unknown reason," pumasok kami gamit ang backdoor at tumungo sa aming upuan. Hindi ako nag-abalang tumingin pa sa dati kong upuan dahil alam kong nakatingin na naman si Kent.

"Okay ka na?" Tanong ni Barbara. Hindi na nga ata mawawala ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Okay na. Salamat ah" sagot ko sa kaniya na ikinangiti niya saka tinuon ulit ang paningin harap.

"It is okay to admire someone. Mr Dela Cruz," tawag niya kay Kent. "Pwede kang makulong dahil nalabag mo ang Republic Act No. 9262. Hindi ka man makukulong nang matagal, makukulong ka pa rin at hindi magandang record iyon para sa future lawyer na tulad mo," aniya. "Pwede ko rin i-report ito sa admin at hindi sila magda-dalawang isip na patalsikin ka. Layunin ng paaralan na ito ang bigyan ng kaligtasan at kaalaman ang mga estudyante"

"No," mahinang sabi ni Kent. "I will apologize to Chesley. I want to study please" tumingin sa akin si Kuya Ivan saka ibinalik ang tingin kay Kent.

"Will you talk to her in private or you will apologize in public?" Tanong niya. Kumaba naman ang puso ko. Ayokong maulit ang kaninang nangyari. Baka hindi na naman niya ma-kontrol ang sarili tapos ay masaktan niya kong muli.

"C-Can I talk to you in private Ches?" Hindi ko alam kung bakit ako napatingin kay Paulo na nakatingin rin sa akin. Pinanliitan niya ko ng mata saka tumaray bigla!

"Ano?" Mataray niyang tanong na ikinatawa ni Louie. Napanguso ako sa kaartehan niya. Tinarayan ko rin siya saka tumayo at tumingin kay Kent. Tumango ako at hindi nagsalita. Lumiwanag ang mukha niya at agad tumayo. Napatingin ako kay Zisiannia na agad akong tinarayan.

Lumabas kaming sabay ni Kent at nagtungo sa dulong hallway kung saan kami lang ang tao. Karaniwan kasi ay on-going ang klase ng mga katabi naming room. Class Hour ng ganitong oras kaya walang estudyante ang makikita.

"Chesley sorry," paunang sabi niya. Pinili kong hindi magsalita. "Ang dami ko kasing hinahangaan sa'yo at hindi ko namalayan na nandoon na ko sa puntong nasasaktan kita ng pisikal. Akala ko kasi gusto mo rin ako," ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Ha?" Gulantang kong tanong. Buti pa siya alam na gusto ko siya samantalang hindi ko alam iyon.

Nahihiya siyang tumingin sa akin at nagkamot ng patilya. "Nasasabayan mo ang trip ko. Hinahayaan mong hawakan ko ang kamay mo. Hinahayaan mo kong tawagin ka sa gusto ko kaya siguro naging ganoon ang takbo ng utak ko dahil akala ko gusto mo rin ako"

"Mali ang akala mo kung gano'n," bumakas ang pagkapahiya at panghihinayang sa mga mata niya dahil sa deretsahan kong pagsabi no'n. "Ikaw ang unang nag-welcome sa akin sa law. Kung wala ka ay baka nagmukha na kong naliligaw na tupa," bahagya akong tumawa. "Hinayaan ko ang mga bagay na iyon dahil hindi ko alam kung paano ka susuwayin. Wala akong ibang intensyon. Hindi kita gusto"

JusticeWhere stories live. Discover now