Chapter 49: Chasing Justice

35 5 2
                                    

Ilang araw at linggo akong lunod sa pag-aasikaso ng kaso ng mga Fernandez. Pino at solido bawat detalye na makukuha ko sa mga biktima na tulad ko ay gigil na makamit ang hustisya.

Wala akong tinanggap na ibang case. Naging maluwang sa akin si Boss nang sabihin ko ang dahilan. Isa pa, angat man ang pangalan ko dahil sa pagiging magaling, marami pa ring magaling sa kumpanyang ito. Hindi lang nasisilayan ng iba dahil tutok sila kung sino nasa angat ng tatsulok.

Dalawang hearing na ang nangyari. Solido ang lahat. Saksi kami sa bawat pag-urong ng dila ng lawyer na kanilang nakuha. Ako mismo, kahit sa unang hearing palang, I'll already judge them lifetime imprisonment. My evidences and proofs are enough reason to put them on jail. I don't know what's going on to the judge that he still want to fulfill three hearings before judging.

Nakangiti kong ipinatong ang limang case folder sa mesa ko. Ang USB ay nilagay ko sa maliit kong drawer na nakapatong sa mesa. Pinagpuyatan ko ang lahat ng iyon ng dalawang linggo. Bukas ang huling paglilitis. Enero 30, 2023. Ipapanalo ko ang laban na ito.

Tumaas ang tingin ko sa pinto nang may kumatok.

"Pasok" nakangiti kong hinarap ang dumating. Bumungad ang ngiti ni Atty. Alcala at Atty. Quiozon. Bitbit nila ang isang paperbag.

"Atty. pinapahatid ni Boss. Hindi ka kasi lumalabas eh may mini-celebration dahil ikakasal na siya" umawang ang bibig ko sa gulat. Tumayo ako at inaya silang maupo sa sofa.

"Talaga? Sinong fiancè?" Chismosang tanong ko. Inilapag ni Atty. Quiozon ang paperbag sa akin.

"Regalo ni Boss" binuksan ko iyon. Natuwa ako nang makita ang iba't-ibang klase ng libro. May nakalagay pang note.

'People tend to bring you down but you always have reason to bring yourself up. Continue inspiring us, Atty Madrigal'

                                        -Boss

Napangiti ako sa maikling note na iyon. Isinantabi ko ang munting regalo at nakipag-kwentuhan sa dalawang lawyer na aking kaharap. Wala namang bago. May yabangan ukol sa mga na-solve ang case. May mga tanungan hinggil sa pending cases na aming sino-solve. Kahit tatlo lang kami ay aliw kami sa presensiya ng isa't-isa.

Natapos lang ang lahat nang dumating si Paulo at Paulyn para sunduin ako. Agad kong niyakap ang dalawa at ipinakilala sa aking mga kasama.

"Si Paulyn, anak ko. Eto si Paulo, ano--"

"Asawa niya" kumunot ang noo ko saka pinalo ang braso ni Paulo. Nahihiya kong tiningnan ang dalawang respetadong lawyer nang humagikhik sila na parang kinikilig. Nagpaalam na kong aalis kaya umalis na rin sila ng opisina. Nakangiti kaming namasyal na tatlo.

Nasa parke kaming tatlo. Kasalukuyang nakikipaglaro si Paulyn sa mga kaedaran niya. Hanga ako sa social skills na mayroon siya. Nahawa siya sa pagiging extrovert ng kaniyang tatay-tatayan.

Bahagya akong nagulat nang lumingkis sa bewang ko ang braso ni Paulo.

"Last hearing bukas, diba?" Tanong niya. Bumuntong-hininga ako saka hinilig ang ulo sa balikat niya.

"Oum. Mananalo naman kami diba?" Tanong ko kahit alam ko namang mananalo kami. Suntok sa buwan kapag hindi kami nanalo. Imposible iyon.

"Siyempre. Magaling kang lawyer eh," ngumiti ako. "Malakas ang ebidensiya mo. Nababalik mo sa posisyon ang mesang balak patumbahin ng mga kalaban mo. I adore your dedication to get the justice you are fighting for from the very first start. I love you"

Napangiwi ako kahit nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso matapos marinig ang huling salitang binanggit niya. "Anong connect ng I love you mo diyan?"

JusticeWhere stories live. Discover now