Chapter Ten: Late

51 8 16
                                    

Nang makakain ay dumiretso ako sa kwarto para mahiga na. Gusto kong ipahinga ang utak dahil pakiramdam ko ay napagod ako kahit wala naman ako gaanong ginawa.

Napangiti ako sa isiping hinatid ako ni Kent. Masyadong napasarap ang kwentuhan namin at di ko namalayan na nakarating na kami sa destinasyon.

Nakatulog ako ng puro si Kent ang nasa isip.

Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto. Akala mo ay balak gibain.

"Ate! Ate papasok ka ba? Mag-alas-siyete na!" Nawala ang antok sa buong katawan ko nang marinig ang sinabing iyon ni Carl! Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Inis kong tanong. Nagmadali akong pumunta sa CR at naligo ng mabilisan. Mathematics in the Modern World ang unang subject namin at nakakahiyang ma-late! Strikto pa naman ang propesor na iyon.

"Damn!" Salubong na salubong ang kilay ko at gigil na gigil sa sarili. Gusto ko na sana um-absent kaso may quiz kami ngayon sa Political Science. Itinapis ko ang tuwalya sa hubad kong katawan at patakbong nagtungo sa kwarto. Dali-dali akong nagbihis ng uniporme at nag-suklay ng buhok. Hindi ko na nagawang mag-ayos ng sarili dahil late na talaga ako. Maglalakad pa ko. Kahit sumakay ay late pa rin ako! 7:30 ang unang klase.

"Wag ka na pumasok" ani Kuya Chaviz nang makalabas ako ng kwarto bitbit ang bag ko. Umagang-umaga pero feeling ko ang lagkit ko na dahil sa pawis na namumuo sa noo at likod ko.

"May quiz kami" saka ako patakbong lumabas ng bahay. Kagat ko ang ibabang labi habang mabilis ang lakad patungong school. Hindi baling mapagalitan basta makapag-quiz ako sa major subject. Napapagalitan na nga ko ni Prof. Sebastion tapos pati kay Prof. Allejo ay mapapagalitan rin ako? Kung sa ganito lang rin ako sisikat, ayoko.

Ayokong madumihan ko ang apelyido ng mga magulang ko.

Nang makapasok sa gate ay malinis ang daan. Wala nang estudyanteng pakalat-kalat dahil malamang ay oras na ng klase! Nakakahiya dumaan sa mga room kung saan may mga estudyanteng nag-aaral pero wala akong choice.

Nilunok ko ang kaba saka kumatok sa nakasaradong pinto. Bumukas iyon at ang nakataas na kilay ng propesor naming bakla ang sumalubong sa akin.

"Late" istriktong aniya. Kinagat ko ang ibabang labi.

"Sorry Sir. Na-late po ako ng gising" excuse ko. Wala akong ibang maisip na dahilan kaya iyong totoo nalang ang sinabi ko.

"You think it's a valid reason?" Tanong niya. Kinagat ko ang ibabang labi saka umiling. Suminghal siya na halatang nairita. "Fine, I'll let you pass this time kapag nasagutan mo ang tanong sa white board" umawang ang bibig ko.

Dinadamba ang puso ko sa kaba dahil mahina ako sa Math. Friendly ako sa lahat ng subject pero hindi sa Math na mula ata ipinanganak ako ay may galit na sa akin ang subject na ito.

Pumasok ako at dinako ng tingin ang white board kung saan mayroong nakasulat. It is finding the mean, median and mode. Nakahinga ako ng maluwag dahil naalala ko kung paano ito ginagawa.

1. 50 54 39 50 17 44 14
A. Find the mean
B. Find the median
C. Find the mode.

"Start answering. While you are answering, I will question you regarding that" striktong aniya. Ibinigay niya sa akin ang white board marker habang ako ay hinarap ang board. Hindi ko na nagawang ilapag ang bag ko dahil kailangan maging tama ang sagot ko para makapasok ako ngayon sa subject niya.

"What is mean first and how will you going to solve it?" Humarap ako sa kaniya.

"The mean is the most popular measure of center. To a layman, this is called 'average'. The statistics calls it 'arithmetic mean'.The mean of a set of measurement is the sum of a sample of measurement divided by their number of data points" tumango-tango siya dahilan para mapangiti ako ng maliit. Hinarap ko ang black board saka isinolve ang Mean.

Kahit hindi ito ang median, in-arrange ko na ang mga numbers from least to greatest.

1. 50 54 39 50 17 44 14
Arranged: 14 17 39 44 50 50 54

Una, in-add ko lahat ng number kaya ang lumabas ay...

"Sir, can I use my phone to calculate the sum?" Baling ko kay Sir.

"Go ahead" aniya. Inilabas ko ang cellphone mula sa bag at saka sa calculator. I sum all the numbers and the result is 268. At dahil pito ang numbers, dinivide ko ito sa 7. 268 divided by 7 is 39.29. So the mean of this set is 39.29.

M=39.29

Binox ko ang sagot at pinakita kay Sir.

"Who among you got the correct answer?" Tanong ni Sir sa mga kaklase ko. Walang nagtaas ng kamay dahil lahat sila ay nakapako ang tingin sa akin na nagsasagot. "What? Diba sabi ko bago kumatok si Madrigal ay magsagot kayo? Ano, hinintay niyo lang siya na matapos iyan?" Galit niyang tanong.

"Sir," tumayo si Paulo. May malaking salamin sa mata na ang hula ko'y para sa pagporma. "We're sorry. Akala po kasi namin ay siya na ang magsasagot bilang punishment niya for being late"

Inis na bumuntong-hininga si Sir. Umupo na si Paulo. "Okay. Sasabayan niyo siyang sumagot. Siya sa board while you are all in the papers, understand?"

"Yes Sir" they answered in unison.

"Proceed," baling ni Sir sa akin. "What is the median?"

"The median of a set of data arranged to size, the ascending or descending, is the value of the middle data point if the number of data points." Hinarap ko ulit ang board at doon nagsulat. Inilagay ko ulit ang arranged set. Pito ang number sa set at ang gitna ang median. Dahil nakaayos ito from least to greatest, ang median ay ang 44.

M=44

Tumingin ako kay Sir. May tipid na ngiti sa labi niya habang tumatango-tango.

"What if, eight ang numbers na nariyan sa set. Ano ang median?" Tanong niya.

"Kung eight po ang numbers na narito sa set, kukunin po ang dalawang gitnang numbers at kukunin ang mean. Add lang po iyong dalawang numbers na nasa gitna, the 4th and 5th numbers, then divide it into two. Iyong sagot ang magiging median ng set" paliwanag ko.

"Who among you got the correct answer?" Baling niya sa mga kaklase ko. Marami ang nagtaas ng kamay dahilan para mapangiti ako. Feeling ko tuloy ay isa akong teacher at sila ang estudyante ko.

"Okay. The last one, mode"

"The mode is simply the value in a data set that occurs with the highest frequency and more than once. It is possible that in a set of data, there is no mode, or more than 1 mode." Nagsulat ulit ako sa board. From least to greatest saka ibinox ang number na umulit sa set na ibinigay.

M=50

Ang mode ay ang number na umulit sa set. Hindi lang isang mode ang meron sa set. Pwedeng higit sa isa o wala. Depende kung may maulit sa set.

"Good. Take your seat" ngumiti ako at saka naglakad patungo sa upuan ko. Feeling ko tuloy ay ang laki ng achievement ko sa araw na 'to. Late man ako, atlis may naisagot ako sa unang subject. Pasalamat nalang talaga ako at hindi Political Science ang subject namin ngayon kung hindi ay baka maiyak ako.

"Naks galing ah" napangiti ako sa sinabi ni Kent.

"Ako pa?" Inangat-angat ko ang aking kilay saka nakinig na sa sinasabi ni Prof. Allejo. Tuloy ay nahagip ng mata ko si Paulo na matalim ang tingin sa akin. Nang makita niyang nakita ko siya ay nag-iwas siya ng tingin at nakapangalumbabang nakinig sa propesor.

Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala kung bakit matalim ang tingin niya sa akin.

My middle finger salutes on him yesterday. Intrimitida pa naman siya kaya paniguradong matitikman ko na naman ang pagiging mataray ni Paulo.

'Tsk'

JusticeWhere stories live. Discover now