Chapter 1

5 1 0
                                    

  "I don't like your bodyguard. Masiyadong mayabang" sabi ni jack habang nakatingin kay ken na nakaupo sa kabilang table

  "Trabaho niyang protektahan ako kaya niya ginawa yon" sabi ko

Napailing na lang si jack

Masaya lang kaming nag-usap hanggang sa lumapit si ken

  "I'm sorry to interrupt pero pinapauwi kana ng mommy mo" sabi ni ken

  "Nagpaalam ako na hapon na uuwi"

  "Nandon daw yung grandma mo ma'am"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

Si grandma ay ang mommy ng daddy ko

Ayaw na ayaw pa naman ni grandma na wala ang isang family member sa bahay kapag nandon siya

Agad naman akong tumayo para magbayad pero pinigilan ako ni jack

Tumayo din ito at inilabas ang sariling wallet

  "Ako na" sabi niya, umiling ako

  "Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad"

  "Pero ako yung lalaki kaya ako na" sabi niya atsaka tuluyang naglakad papunta sa counter para magbayad

Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami

  "Hatid na kita" sabi ni jack

Sasagot na sana ako ng magsalita si ken

  "Hindi pwede" diretsang anas nito

  "Kanina ka pa ah? Baka hindi mo alam na bestfriend ako ni deyang?"

  "At baka hindi mo din alam na trabaho ko na hindi magtiwala sa kahit na sino bukod kay ma'am andrea, sa parents niya at sa grandma niya. It is not my job to trust anyone who is not part of her family"

At bago pa talaga sila tuluyang magkainitan ay sumingit na ako sa usapan"

  "Jack he is right" usal ko dahilan para mapatingin siya sakin "but that doesn't mean i don't trust you. Alam mo namang protective sila nommy at daddy kaya..."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko

  "Hey, no need to explain" tiningnan niya muna si ken atsaka ako tiningnan "just be safe ok?"

  "Do you want to come? Nandon si grandma" sabi ko, umiling lang ito bilang sagot

  "You don't have to be that rude to jack" sabi ko

Tinatahak na namin ngayon ni ken ang daan pauwi

  "Hindi ako pwedeng maging mabait sa kahit na sino bukod sayo" sagot nito

  "But can you please be a little bit nicer"

  "I can't"

  "But..."

Bigla nitong inihinto ang sasakyan atsaka tumingin ng diretso sa akin

  "Ano ba ang kailangan kong gawin para maintindihan moko?"

Moments Later

Ako ang naiilang para kay ken dahil sa tinging ibinibigay ni grandma sakanya

Diretso lang kasi itong nakatayo sa likod ko at parang walang pakialam

  "So you got andrea a bodyguard" sabi ni grandma

  "Yes mama" sagot ni mama dito

  "Andrea, iha. Can you tell your bodyguard to leave for now. We have a family matter to talk about" utos ni grandma sa akin

Tiningnan ko si ken at napapabuntong hininga naman itong umalis

Danger POV

Tinawagan ko si ex.p

  "Naka link sa computer mo yung audio device na nasa damit ni andrea" usal ko atsaka agad ibinaba yung tawag

Pinakinggan ko lang ito hanggang sa marinig ko silang nag-uusap

  "Nabalitaan ko sa isa nating tauhan na merong sumusubok na mag hack ng system ng G.S.E" sabi ng grandma ni andrea "it is a good thing that you got her a bodyguard. Pero sapat na ba ang isa?"

  "Ken is highly recommended ng agency nila. Kampante ako na kayang-kaya niyang protektahan si andrea kahit na siya lang mag-isa" sabi naman ng daddy ni andrea

Napangisi naman ako

  "Your bodyguard can't protect you andrea. Just wait and see how you will fall in my trap"

Tinawagan ko ulit si ex.p

  "Mukang nakuha mo ang loob nila ah?

  "Ako pa ba? Ngayong kampante na sila sa bodyguard ni andrea mas madadalian na tayong gawin ang plano" sabi ko

  "Pero danger mag-iingat ka pa din. Isang maling kilos mo lang mabubuking ka" sabi ni ex.p

  "Wag kang mag-alala. I have a plan, siguradong magugulat na lang sila sa mangyayari"

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon