Chapter 10

3 1 0
                                    

  "Yes sir nandito siya sa bahay ngayon. Don't worry she is safe here"

Kausap ko sa cellphone ang daddy ni andrea

Dito muna matutulog si andrea, nasa guest room siya

  "We trust you ken. Ipagkakatiwala ko sayo ang anak" sabi nito saka ibinaba ang tawag

Masama pa din talaga ang pakiramdam ko kaya pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama pero agad ding napaupo ng may tumawag sa pangalan ko

  "Ken"

  "The fuck dude what the hell are you doing there?" kunot noong tanong ko kay paul

Nakatuntong ito sa pasamano ng bintana ng kwarto ko

Kapatid ko siya or should i say kuya ko siya

  "Oww my baby brother looks so worried" sabi nito atsaka tuluyang pumasok sa loob

  "Tss. Tresspassing ka loko"

  "Tss. Baka bahay ito ng kapatid ko?"

Humiga na lang ulit ako at ipinikit ang mga mata

Damn this headache!

  "Aww!" daing ko ng bigla akong daganan ni kuya "hindi ka ba aware na may sakit ang kapatid mo?!" inis na tanong ko dito "bakit ka ba nandito?!"

  "Pinapunta ako ni dad. Bakit mo ba siya tinutulungan?" tanong nito

  "First get off me. Damn ang bigat mo!"

Natatawa naman itong tumayo

  "So why are you protecting her?"

  "It's my duty" maikling sagot ko

  "Eh yung duty na ibinigay ni dad?"

  "I'm working on it"

Matunog naman itong ngumisi

  "You mean working on how to protect her"

Kumunot ang noo ko

  "Aware ka naman siguro na nandito siya?"

  "Aware din kami na pino-protektahan mo siya" sagot nito "nagbago na ang isip ni dad. Nakakuha na ako ng access sa system ng company nila sa tulong ni Mr. Chan. Ngayon ang gusto ni dad gawin na ang plano as soon as possible and now is the perfect time to assassinate andrea" dagdag nito "nasa teritoryo mo siya at wala siyang laban sayo"

Umiling ako

  "Alam ng daddy ni andrea na nandito siya sa bahay ko. Kapag may nangyari kay andrea ako sigurado ang prime suspect" sabi ko

  "Kelan pa nagkaron ng takot si danger?" mapanuyang tanong nito "hindi ako makapaniwalang hihina ka dahil sa isang babae"

  "At sino namang nagsabi niyan? Nag-iingat lang ako dahil yon ang bilin ni dad pero kung gusto na niyang gawin ang assassination then give me time. Malinis akong trumabaho at alam mo yan" sabi ko

Mataman naman niya akong tinitigan

  "Kilala mo ang sarili mo pero mas kilala kita. Habang nag-uumpisa pa lang itigil mo na. Wag mo nang hayaang lumala" sabi niya saka ako hinawakan sa balikat "alalahanin mo kung bakit ka nandito. Isa lang ang obligasyon mo ken at yun ay ang gumawa ng pangalan at katakutan sa mundong ginagalawan natin'

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata

  "Pano kung ayaw kona sa mundong yon?"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon

Sandali naman itong natigilan bago nakasagot

  "Parte na ng buhay mo ang pagiging assassin. Hindi mo na maihihiwalay sa pagkatao mo si danger" huling katagang binitawan niya bago umalis

Para sakin hindi deserve ni andrea na mamatay sa mga kamay ko. Hindi niya deserve yon dahil kung tutuusin napaka inosente niya at napakabuting tao

Napahanga niya ako nung sinabi niya na simpleng buhay lang ang gusto niya. Nagbago ang tingin ko sakanya dahil don

A precious girl like her deserves to be protected kaya nung may nagtangka sa buhay niya sobrang nag-alala ako para sa kaligtasan niya dahil mukang hindi lang ako ang pumupuntirya sakanya

  "I wont spare that person who tried to kill you. No one is allowed to touch you. Itakwil nako ng black devil mafia pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo"

Andrea POV

Napanguso na lang ako habang tinatawanan ni ken yung niluto ko

  "Sa pagkakaalam ko kahoy ang ginagawang uling hindi itlog"

Nahampas ko naman siya

  "Ang aga kong gumising para magluto tapos lalaitin mo lang!'

Hindi man lang marunong mag appreciate!

  "Hindi ko naman nilalait. Pano ka mag-aasawa kung hindi ka marunong magluto?"

  "Pwede namang kumuha ng chef" sagot ko, napailing ito

  "Mas gusto pa din ng lalaki kung ang babaeng mahal niya ang magluluto para sakanya"

  "Eh kung ikaw, anong gusto mong iluto sayo ng babaeng mahal mo?"

Sandali naman itong napaisip

  "Wala. Kapag galing sa mahal ko kahit na ano pang pagkain kakainin ko"

Nakapangalumbaba na lang na tiningnan ko yung sunog na itlog. As in sunog talaga

'Pero kung ganito namang luto...'

Nanlaki ang mata ko ng bigla itong sumubo nung niluto kong itlog

  "Bakit mo kinain?! Akala ko ba kinukumpara mo yan sa uling?"

  "As i've said basta galing sa mahal ko kahit na ano pang pagkain kakainin ko"

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon