Chapter 9

3 1 0
                                    

'Ang lakas ng ulan'

Matapos naming makita na lumabas si andrea ay agad akong lumabas para hanapin siya

Hindi ko na inintindi ang lakas ng ulan. Patuloy ko lang siyang hinanap at halos maikot kona ang buong subdivison pero hindi ko pa din siya mahanap

'Bakit kasi ang hilig umalis ng mga tao kapag may problema?!'

  "NASAN KA BA?!"

Hindi kona naiwasang hindi mapasigaw sa inis

Napahilamos na lang ako sa mukha ko

Patakbo akong pumunta sa pinakadulong parte ng subdivision at doon ko narinig ang impit na hikbi ng isang babae

  "Andrea?"

Andrea POV

Wala sa sarili akong lumabas ng bahay at hinayaan ang sarili na maglakad sa kung saan man ako dalihin ng mga paa ko

I hurts so bad when the person you trusted almost your whole life tried to kill you

Buong buhay ko siya lang ang itinuring kong bestfriend ko bukod ngayon kay ken

Tumingala ako sa langit at sinalubong ang malakas na buhos ng ulan

  "Ilakas mo pa! Yung sa sobrang lakas wala na akong mararamdaman!" umiiyak na sigaw ko

Sa sitwasyon ko ngayon para akong babaeng iniwan ng boyfriend niya na humahagulhol sa daan

Pero sino nga bang hindi masasaktan sa nangyari?

  "Andrea?"

Paglingon ko ay bigla akong na guilty dahil nakatayo si ken sa harap ko at basang-basa siya sa ulan

Walang pasabi nitong inilagay sa ulo ko yung jacket na suot niya at iniuwi ako sa bahay

'Im sorry'

Kinabukasan

Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni mommy ang bumungad sa akin

Agad ako nitong inalalayan papaupo atsaka ako inabutan ng tubig

  "Ano bang nangyayari sayo? Bakit bigla kana lang umalis ng hindi nagpapaalam?" mahinahong tanong ni mommy

Yumuko lang ako at hindi sumagot

  "Ang lakas pa ng ulan kagabi. Buti na lang palagi kayong naliligo ni jack sa ulan nung mga bata pa kayo kaya hindi ka nagkasakit"

"Mommy nasan si ken?" tanong ko, napatitig lang sakin si mommy

Biglang nag-iba ang tingin niya

  "Magpapadala muna ng bagong bodyguard mo. Nagkasakit siya nung hinanap ka niya habang umuulan" sagot niya "naka leave siya for a whole week"

Moments Later

Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatayo sa harap ng bahay na tinutuluyan ni ken

Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil kahit nasa labas ako ay masasabi kong napaka eleganteng tingnan ng bahay niya

Grey ang kulay ng bakod niya. Pinaghalong black, white, and brown naman ang pintura ng bahay, naka bricks din yung daan papunta sa main door

  "Inhale... exhale... ok. Kukumustahin mo lang naman siya kaya wag kang kabahan" sabi ko sa sarili ko

Pinindot ko ng tatlong beses yung doorbell saka naghintay

Maya-maya lang ay lumabas na si ken. Nakapantulog ito

Nagulat pa ito ng makita ako

  "Anong ginagawa mo dito? Alam ba nila na nandito ka?" agad na tanong nito

  "N-nagpaalam ako. Atsaka... gusto lang kitang dalawin. I heard you got sick" sagot ko

Napahawak ito sa noo niya

  "Alam mo palang may sakit ako bakit ka pa pumunta? Pano pag nahawa ka?" nangungunsuming tanong nito "hindi ka dapat pumupunta sa bahay ng lalaki ng mag-isa at gabi pa!" pangaral nito sakin

Napayuko ako

  "Gusto ko lang kumustahin ka. Nagui-guilty kasi ako kasi nagkasakit ka dahil sa paghahanap mo sa akin sa ulan kagabi" hindi naman ito nagsalita "uuwi din ako, gusto lang talaga kitang kumustahin

  "Sa tingin mo hahayaan kong umuwi ka ng dis oras ng gabi? Kargo de konsensya pa kita pag may nangyari sayo!"

Ken POV

Napapabuntong hiningang inilapag ko sa center table ang ice coffee saka umupo

Tiningnan ko si andrea

Bahagya akong napailing

'Minsan matured naman mag-isip pero madalas masiyadomg pinaiiral ang pagiging inosente'

  "Nasan yung bagong bodyguard mo?" tanong ko dito

  "Naiwan sa bahay" mahinang sagot nito

  "Hinayaan ka lang niyang umalis ng mag-isa kahit na gabi na?! Ibang klase!" hindi makapaniwalang anas ko

  "Actually... ako yung nagpaiwan sakanya..."

  "Kahit na! Kung ako yon kahit pagalitan mo pa ako hindi ako papayag na umalis ka ng mag-isa lalo na at gabi!" inis na usal ko "kung hindi lang ako nagkasakit hindi ka sana mabibigyan ng bodyguard na pabaya!"

  "Sorry. Pwede naman akong umuwi..."

  "At ngayon mo talaga paiiralin ang pagiging immature mo?!" inis na usal ko

Na guilty naman ako sa sinabi ko dahil bumakas sa itsura niya ang pagkapahiya

  "Stop trusting everyone that easy. Not because they are nice to you means they are trustworthy. Ipapahamak ka ng ugali mong yan"

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon