Chapter 13

4 1 0
                                    

1 month later

Andrea POV

Magulo!

Angulo-gulo!

Masaya at maayos ang relasyon namin ni ken sa loob ng isang buwang mag on namin

Literal na sweetness overload

He played the role of being my bodyguard and my boyfriend

Araw-araw may bulaklak

Araw-araw siya ang nagluluto ng pagkain ko lalo na at semi ojt ako sa company namin

Nakakahiya nga dahil ako ang babae pero siya pa yung gumagawa ng mga bagay na dapat ang 'GILFRIEND' ang gumagawa

Sinubukan ko namang matuto pero wala talaga dahil sa dami ng ginagawa lalo na ngayon...

Nagkakagulo ang buong board dahil bumaba ang sales value ng G.S.E. from 92% to 13%

Muntik pang ma ospital si grandma dahil tumaas ang presyon nito nang malaman ang nangyari

Nag pull out na din ang ibang stockholders at investors

  "How did this happen to the company?!" galit na tanong ni Mr. Amenardo

  "Magagawan ito ng paraan. We can get our sales back" sabi ni daddy na ikinailing ng buong board

  "Get it back? Bumagsak ang sales ng G.S.E. to 13%! How are you planning to get back to 92%?!" sabi ulit ni Mr. Amenardo "if this continue then i have no choice kundi i-pull out na din ang shares ko!" sabi nito atsaka tuluyang umalis

Naiiling ding nagsialisan ang iba pang board member

Nag-aalala akong lumapit kay daddy ng makita kong hinawakan nito ang batok niya

  "Daddy" nag-aalalang usal ko "maaayos pa po ito" sabi ko

Pilit namang ngumiti si daddy saka tumingin kay ken

  "Ken iuwi mo muna si andrea sa bahay mo. Magulo din sa bahay kaya mas mabuting sayo muna siya" utos ni daddy kay ken na agad kong tinutulan

  "Daddy ayoko. Tutulong ako para maayos ang company" sabi ko

  "Anak hindi mo problema ito. Hindi mo ito responsibilidad" sabi ni daddy

  "Pero magiging responsibilidad ko din po ito. Hayaan niyo po akong tumulong" pagpupumilit ko

  "Anak hayaan mo muna na kami ang umayos ng problemang ito. I am still in charge of the company, nagkaproblema under my management kaya responsibilidad kong ayusin ito ng ako lang" pagpapaintindi ni daddy

Tututol pa sana ako pero inunahan ako ni ken

  "Wag po kayong mag-alala sir. Ako nang bahala sakanya" sabi ni ken saka hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa pinto bago pa ulit ako makaalma

  "Ken" biglang tawag ni daddy

Sabay namin siyang nilingon

  "Wag mo na ulit akong tatawaging sir" sabi ni daddy "tito na lang o kaya dad" dagdag pa nito

Napatingin ako kay ken na halatang nagulat sa sinabi ni daddy

Magmula nung naging kami ni ken ay kay daddy lang siya pormal. Ayaw kasi ni daddy na tawagin siya nito maliban sa SIR

Pero ngayon mukang mag-iiba na ito

Hindi pa din nakapagsalita si ken kaya bahagyang natawa si daddy

  "Nagulat yata kita" natatawang saad ni daddy "na realize ko pangit lang, boyfriend ka ng anak ko tapos sir ang tawag mo sakin" hindi pa din nagsalita si ken "ayaw mo ba?"

  "Thank you t-tito" utal na sambit ni ken na mas lalong ikinatawa ni daddy

Paglabas namin ng conference room ay parang wala pa din sa sarili si ken

  "Ma, baka gusto mo nang bumalik sa wisyo" natatawang sambit ko na ikinatawa din nito

Bahagya pa siyang napailing

  "Nakakatakot yung daddy mo" sabi niya

  "Panong nakakatakot?" tanong ko

Bumukas na ang pintong elevator at naglakad na kami papuntta sa labas

  "Nung nagpaalam kasi ako na liligawan kita ok naman siya pero nung naging tayo..." muli itong napailing "biglang nag-iba yung ihip ng hangin, kaya... nagulat lang ako kanina na payag na siyang hindi ko tawaging sir"

Humarap ako kay ken saka pinisil ang magkabilang pisngi nito

  "Ang cute namang matakot ng boyfriend ko" sabi ko saka binitawan ang pisngi nito "ang importante ngayon sigurado kana na ok na kay daddy yung relasyon natin"

Magkahawak kamay kaming naglakad palabas pero bago pa namin tuluyang magawa yon ay may humintong itim na van sa harap at may kung anong ibinato dito sa loob na naglabas ng itim na usok

Nakakahilo ang amoy ng usok, masakit sa ulo at sa dibdib

  "Andrea" narinig kong usal ni ken

Hindi nito binitawan ang kamay ko kahit na halatang nahihirapan din siya dahil sa amoy nung usok

Maya-maya pa ay may dalawang lalaki na lumapit na naka gas mask at hinila ako palayo kay ken

Sinubukan pa ni ken na pigilan ang mga ito na kunin ako pero dahil sa nakakahilong amoy ng usok at dahil din sa dalawang beses na suntok na nakuha ni ken mula don sa dalawang lalaki ay tuluyan itong bumagsak

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang mahinang pagbanggit ni ken sa pangalan ko

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon