Chapter 12

4 1 0
                                    

After 2 Weeks

Ken POV

Napapailing na lang ako kay andrea

Nautusan kasi ito na i-review ang statistics ng kompanya nila but she is just sulking

Pinagpaalam ko kasi siya na i-date pero bigla siyang inutusan ng grandma niya kaya ito siya ngayon nagtra-trabaho

  "Mas lalong hindi ka matatapos kung kukutkutin mo lang yang mesa" sabi ko

Nagpapadyak naman ito

'Sinumpong na naman ng pagka childish'

  "Tulungan mona lang kaya ako para mabilis" sabi nito

  "Hindi ka matututo kung ganyan ka" sabi ko

Bigla itong pumitik sa ere na para bang may naisip itong napakagandang ideya

  "I got a perfect plan. Mag date na muna tayo tapos mamaya kona lang tatapusin to" sabi niya

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito

  "Lagot na naman ako sa grandma mo kapag pumayag ako sa gusto mo" sabi ko, sumama naman bigla ang mukha nito

  "Hindi naman si grandma ang magiging girlfriend mo" nakasimangot na sagot nito na nakapagpatawa sa akin

  "Ayoko lang magkaron ng problema sa pamilya mo at lalong ayoko na mapagalitan ka. Ngayon ang gawin mo umpisahan mona yang pinapagawa sayo para matapos agad at matuloy ang date natin" mahabang lintanya ko

Napipilitan naman itong tumango

Andrea POV

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakaupo sa loob ng opisina

Si ken ay nasa labas at mahigpit niyang ibinilin sa akin na wag akong lalabas hangga't hindi natatapos yung mga pinapagawa sa akin kung hindi ay magagalit daw siya sa akin

Ramdam ko ang panlulumo ko ng makita ang oras

9:20 pm

Natapos ko nga yung pinapagawa sakin pero gabi na

'Hindi na matutuloy yung date namin'

Mabigat ang loob ko nang lumabas ako sa opisina and to my surprise wala si ken sa labas

  "Siguro nasa baba yon. Nainip na kakahintay sa akin" sabi ko sa sarili ko

Mula sa 10th floor ay nag elevator ako pababa sa ground floor

Napanganga ako nang pagbukas ko ng elevator ay nasa harap ko si ken. Hindi na ito naka uniform dahil nakasuot  na ito ng casual attire at may dala ding boquette ng red roses

  "For you" nakangiti nitong iniabot sa akin yung red roses

  "U-umuwi ka ba?" tanong ko

Umiling ito

  "Hindi kita iiwan dito"

Napangiti ako

  "Tara uwi na tayo" sabi ko

  "Sinong may sabing uuwi ka?" sabi niya dahilan para taka akong mapatingin sakanya "pinagpaalam kita kaya mag de-date pa din tayo" hindi ako nakakibo kaya nagsalita ulit siya "ayaw mona ba?"

  "G-gusto. Pero ken gabi na..."

  "Hindi naman kita pababayaan at isa pa, wala namang pinipiling oras ang date"

Hindi na ako umalma dahil gusto ko ding matuloy ang date namin

Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa marating namin ang isang pamilyar na daan

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon