Chapter 6

5 1 0
                                    

Andrea POV

Pigil ang hininga ko habang tinitingnan na pirmahan ni Mr. Chan ang contract deal namin

  "Your company engraved it's name in this country" sabi ni Mr. Chan atsaka iniabot sa akin yung pinirmahan niya "there is no need for me to have a second thought signing"

  "Thank you so much Mr. Chan" sabi ko, doon lang nakahinga ng maluwag

  "You shouldn't doubt your abilities" sabi ni ken atsaka tinapik ang isa kong balikat "job well done"

Kinabukasan

Baguio Botanical Garden

   "Hindi ko akalain na makakagala ulit ako ng ganito" masayang anas ko

Alam niyo naman palaging takas lang yung mga gala ko hindi kagaya nung nag-aaral pa ako, libre pang gawin ang lahat

  "Sabi ko naman sayo diba? Kapag natapos na yung kailangan mong gawin dito gaagwin na natin yung 'live a fun life' ko" sabi ni jack

Si ken naman ang hindi ko kasama ngayon dahil today, no security allowed

  "Muntik pa tayong hindi payagan nung bodyguard mo. Wala talagang tiwala sakin yung mokong na yon eh bago pa nga siya dumating ako yung pumoprotekta sayo"

Natawa na lang ako sa sinabi niya

  "Trabaho niya kasi yon. Kalimutan mo muna yon dahil nandito tayo para mag enjoy" sabi ko saka umikot na parang bata na ikinatawa nito

Ang buong pasyal namin ay puno ng tawanan at kulitan

Tumagal kami doon hanggang 4 ng hapon

Napabuga na lang ako ng hangin bago isandal ang ulo sa balikat ni jack.
 
  "Napagod ka?" nag-aalalang tanong niya, umiling ako

  "Back to normal na naman ako" sabi ko habang nakatingin sa malayo

Nakaupo kami sa taebaek park

Napapangiti na lang ako sa mga batang naglalaro. They are so innocent but it is also sad that someday they will lose that innocence the moment they see the real world

  "Naaalala mo ba yung park na palagi nating pinupuntahan nung bata pa tayo?" tanong ko dito

  "Ahh yung park kung saan ka nag dive sa putik?" natatawang tanong nito

Hinampas ko siya sa braso

  "Hindi yon! Nakakainis ka naman! Ang dami mong pwedeng maalala pero yun pa!" pagmamaktol ko na tinawanan lang nito

  "Pero aminin mo. Isa yon sa memorable moments natin" sabi niya

Nakangiti ko namang inalala ang sandaling iyon

Flashback

  "Gusto kong mag swimming!"

  "Deyang hindi nga kasi pwede" sabi ni jack "atsaka naliligo na nga tayo sa ulan maghahanap ka pa ng swimming pool"

Masama ang mukha na tinalikuran ko siya saka tumakbo pero...

  "Deyang!"

End Of Flashback

Nag swimming ako pero hindi sa swimming pool kundi sa mud pool!!!

  "Kailangan na nating bumalik sa hotel. Babalik na tayo sa manila mamaya" sabi ni jack

  "Restroom muna ako bago tayo bumalik" sabi ko

  "Hihintayin na lang kita sa sasakyan"

Ken POV

Ikinarga kona sa sasakyan yung mga gamit namin para hindi na kami masiyadong mahirapan bago umalis

Sabay-sabay na kami at ang buong staff ng comapany na babalik sa manila. Nauna lang sila dati para asikasuhin ang tutuluyan nila andrea

'Sigh'

Kung ako ang tatanungin hindi ko hahayaang pumasyal si andrea na hindi ako kasama. Hindi man tama pero wala akong tiwala sa jack na yon

  "Ken pabalikin mo na sila ma'am andrea at sir jack. 5:30 na oh" sabi ng kasama namin

Tumingin ako sa relo ko

Dapat kanina pa silang alas kwatro nakabalik

Napapailing na lang na idinial ko ang number si andrea pero cannot be reach ito

Napakunot ang noo ko at agad tinawagan si jack na agad din nitong sinagot

  "Nasan na kayo?" agad na tanong ko

  "I was about to call you" sabi niya, malayo ang sagot sa tanong ko

  "Nasan na kayo ni andrea?" pag-uulit ko

Narinig ko naman ang mabigat na buntong hininga nito sa kabilang linya

  "Jack! Nasan kayo?!" matigas na tanong ko

  "S-si deyang. Hindi ko siya makita"

  "Anong hindi makita?!"

  "N-nawawala siya"

Nahigit ko ang sariling hininga dahil sa sinabi niya

'Sabi kona nga ba eh'

Napapikit muna ako bago mabilis na nagmaneho kung saan sila pumunta

Pagdating ko sa baguio botanical garden ay naabutan ko si jack sa entrance. Halatang hinihintay ako

  "Bakit mo siya pinabayaan?!" inis na tanong ko dito

  "Hindi ko siya pinabayaan! Mag re-restroom lang daw siya pero hindi na siya bumalik!" sagot niya

Napapikit na lang ako habang pilit na kinakalma ang sarili

  "Naikot mo na ba yung buong garden?" tanong ko dito

  "Kanina ko pa ginawa yan pero hindi ko talaga siya nakita" sagot nito

  "Chineck mo na yung cctv?" tanong ko ulit dito"

Umiling ito

  "Tss, naturingang college graduate hindi man lang naisip i-check yung cctv"

Hindi kona ito hinintay na makasagot dahil dali-dali akong pumunta kung nasaan ang monitor ng mga cctv

Agad akong nag request na makita ito

  "Saan po siya huling pumunta bago nawala?" tanong ng nagbabantay ng cctv

Tiningnan ko si jack saka tinanguan senyales na siya ang magsabi

  "Sa restroom po" sabi ni jack

  "Our management are sincerely apologizing for what happened" sabi ng lalaking manager, tumango lang ako

Lahat kami ay tutok sa monitor ng cctv

Napailing na lang ako ng madapa ito at may lumapit na matandang babae dito. Iika-ika na tumayo si andrea habang inaalalayan nung matandang babae

  "Si apo nang-ah" sabi nung nagbabantay sa monitor

  "Sino siya?" tanong ko

  "Isa po siya sa mga katiwala dito sir" sagot nito

  "I can take you to her place sir" sabi naman nung manager

'Buti naman nag offer kana bago pa ako magsabi'

  "Sasama ako" sabi ni jack

Tiningnan ko naman siya

  "Maiwan ka" sabi ko "tawagan mo yung parents ni andrea at ikaw ang magpaliwanag kung bakit hindi tayo makakauwi" dagdag ko nang akma itong magpo-protesta "kasalanan mo din naman dahil hindi mo siya binantayan ng maayos"

Yun lang at pumumta na kami sa bahay nung sinasabi nilang apo nang-ah

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon