Chapter 8

2 1 0
                                    

Andrea POV

  "I am sorry for being too concern about you"

Lahat kami ay natahimik ng lumabas si ken

  "Ipaalam mo sakanya kung hanggang saan lang siya" sabi ni jack

Hindi ako kumibo dahil nanatili lang akong nakatingin sa pinto kung saan lumabas si ken

'Please dont be sorry'

I felt guilty

  "Deyang kumain ka pa" sabi ni jack

Napapabuntong hiningang ipinagpatuloy ko ang pagkain

Lumipas ang buong isang linggo at tuluyan na ngang nagbago ang pakikitungo ni ken sa akin

Sumobra na ito sa pagiging pormal at ngayon ko lang napatunayan na masakit ngang mawalan ng isang taong nagparamdam sayo na espesyal ka

Pagkatapos kong magawa yung mga pinagawa sakin dito sa company ay pumunta na ako sa parking lot kung saan naghihintay si ken

Eeeeeennnngggg

Natitigilan kong nilingon yung humaharurot na itim na kotse na papunta sa direksyon ko

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahilan para hindi ko mapansin si ken at ang paghila nito sa akin papunta sa tabi

Natutuliro kong sinundan ng tingin yung itim na kotse at parang tumigil ang paghinga ko ng maaninag ko sa side mirror nung kotse yung taong nagmamaneho nito

Sa malayong distansya na yon ay hindi ako pwedeng magkamali

'Jack'

  "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni ken sa akin

Naiiyak ko siyang tiningnan at ng makita niya ang mukha ko ay kinabig niya akong ng yakap

'Bakit jack?... bakit?'

Pag-uwi sa bahay ay galit na galit sila daddy dahil sa muntikang aksidente na nangyari sa akin. Galit sila pero hindi ko magawang sabihin na si jack ang nakita kong nagmamaneho nung kotse

'Wala akong matandaang pinagtalunan o pinag-awayan natin para gawin mo to'

  "Hindi ka pwedeng matulog hangga't hindi ka pa nakakakain" sabi ni ken

Dinalhan niya ako ng pagkain sa kwarto ko

Inilapag niya ang dala niya sa side table ko

  "I'm sorry" mahinang usal niya

  "For what?" mahina ding tanong ko

  "Dahil hindi ako naging professional" sagot niya "i cross the line"

  "But you didn't cross the line as my friend. Medyo nasaktan ako nung naging pormal yung pakikitungo mo sa sakin" nakayukong usal ko

  "I'm sorry. Kasalanan ko. Hindi ko dapat pinagbintangan si jack na pinabayaan ka"

'Pero baka tama ka'

Hindi kona naisatinig yon

  "Deyang?"

Sabay kaming napalingon sa pinto ng kwarto

Agad na lumapit sa akin si jack atsaka sinipat ang kabuuan ko

  "Agad akong pumunta dito nung nalaman ko yung nangyari sayo. Nahuli na ba yung nagtangkang sagasaan ka?" nag-aalalang tanong niya

  "P-pano mo nalaman? Hindi ko naman pinasabi sayo" sabi ko, natigilan naman ito pero agad ding nakasagot

  "Pinuntahan kita sa company niyo. Doon ko nalaman yung nangyari sayo" sagot niya

'I cant believe you can lie to me. I cant believe na kaya mong pagtangkaan ang buhay ko'

Bigla na lang tumulo ang luha ko

'Oo minsan may pagka immature ako pero hindi ako tanga. Alam ko kung ano ang nakita ko'

Akmang pupunasan ni jack ang luha ko pero iniiwas ko ang mukha ko

  "Umalis ka muna" bakas ang pagkagitla niya sa sinabi ko

  "Deyang..."

  "Ayokong tumanggap ng bisita ngayon

Ken POV

Nakatingin lang ako kina jack at andrea habang pinakikinggan ang usapan nila

Bakas ang pagkapahiya sa mukha ni jack dahil sa biglang pagpapaalis sakanya ni andrea

Sa dalawang buwan ko dito ngayon niya lang pinaalis ng ganyan si jack

But by just mere looking at her i can already tell something is wrong

Wala namang nagawa si jack kundi ang umalis na lang

  "Ma'am... i mean andrea. Kung may kailangan ka nasa labas lang ako" sabi ko, tumango lang ito

Pagbaba ko ay naabutan ko pa si jack sa baba

  "Bakit ka kaya pinaalis ni andrea?" diretsong tanong ko dito dahilan para matigil ito sa paglabas

  "Hindi ko obligasyong magpaliwanag sayo" sagot niya atsaka tuluyang umalis

'Ibang klase'

Skip Time

2 am

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nagising at pinuntahan si andrea

Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto niya para lang datnan itong walang tao

  "Andrea?" pagtawag ko sa pangalan nito

Nang walang sumagot ay agad akong bumaba at doon ko nakasalubong si Mr. Garcia, daddy ni andrea
 
  "Sir, nakita niyo po ba si andrea?" diretsahang tanong ko

  "She's in her room" sagot nito

Pagkatapos ko siyang sagutin na wala si andrea sa kwarto niya ay doon na kami naghanap sa buong bahay pero ni anino niya hindi namin nakita

Since may cctv ang buong bahay  ay tiningnan namin ito

'Where are you?'

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon