Chapter 5

4 1 0
                                    

Andrea POV

Napapailing na lang akong napabuntong hininga ng maalala yung nangyari kanina bago kami umalis

Flashback

3:55 A.M

Pagkatapos kong magpaalam kina grandma ay lumabas na ako ng mansyon pero ganon na lang ang pangungunot ng noo ko ng makarinig ng komosyon sa labas

Napailing na lang ako ng ma realize na sina ken at jack yon

'Palagi na lang...'

  "Sa sasakyan ko sasakay si andrea
Ako ang bodyguard niya at mas madali ko siyang mapo-protektahan kapag nasa tabi ko siya" sabi ni ken

  "No! Doon siya sa kotse ko sasakay. Bodyguard ka kaya dapat malayo pa lang nakikita mo na kung may panganib kaya doon siya sa kotse ko" sabi naman ni jack

Magkakrus ang mga braso ko na lumapit sakanila

Napatingin sila sa akin at sabay na tumayo sa harapan ko

  "Andrea..."

  "Sa iisang sasakyam tayo sasakay" pampuputol ko sa sasabihin nila

Aangal pa sana sila pero wala na ding nagawa dahil agad na akong sumakay sa van namin

End Of Flashback

Kaya ito sila ngayon parehong nakaupo sa unahan ng van samantalang ako sa dulo nakaupo

'Seryoso... wala namang dapat pagtalunan pero laging nagtatalo'

Pagdating namin sa baguio ay dumiretso kami sa hotel kung saan kami mananatili hanggang bukas

Mamaya pa kasi ang main event ng silver anniversary ng kompanya ni Mr. Chan

Aaminin kong kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na inutusan ako na mag close ng business deal at alam ko na kahit na anong mangyari dapat pagbalik ko sa manila ay close na deal ang kay Mr. Chan

'Ayokong ma dissapoint sila'

Sa deluxe queen room ako samantalang sina ken at jack kasama na din ang ibang staff ng company namin na naghihintay dito ay nasa quad room

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong pumunta sa balcony. Sumalubong naman sa akin ang isang makapigil hiningang tanawin

'They choosed the right place'

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo doon. Basta ang alam ko lang naramdaman ko ang isang bagay na hindi ko akalaing gugustuhin kong maramdaman

'Ang mag-isa'

Time Skip

Jīn lianzi (Gold Chain) Silver Anniversary

Formal event ito kaya formal din ang attire namin

Black suspender long skirt mesh gauze french niche dress ang suot ko at black transparent summer ankle strap stilletos

  "Happy silver anniversary to your company Mr. Chan" bati ko

  "Oh thank you. You must be the heir of Garci Silver Empire" nakangiting anas nito

  "Yes Mr. Chan" nakangiti ding sagot ko

Napatingin siya kay ken na nakatayo sa likod ko

Si ken ang isinama ko dahil bigla na lang sumakit ang tiyan ni jack kaya hindi siya ang nakasama ko

  "And who is this young man?" tanong nito habang nakatingin kay ken

  "This is ken almendra. My personal bodyguard"

  "K-ken almendra?" utal na usal ni Mr. Chan

Hindi ko naman maintindihan  kung bakit bigla itong namutla

  "It's my pleasure to meet you Mr. Chan" nakangiting usal ni ken saka iniabot ang kamay dito

Ilang segundo pang tinitiga ni Mr. Chan si ken bago ito nakipagkamay

  "S-same here"

Nang mag-umpisa ang event ay umupo kaming dalawa ni ken sa naka assign na upuan sa amin

  "Bakit kaya ganon yung reksyon ni Mr. Chan sayo?" takang usal ko atsaka tumingin kay ken "ano sa tingin mo?"

  "Normal lang naman na maging ganon ang reaksyon ng isang tao kapag nakakita ng gwapo" sagot nito

Napangiwi naman ako

  "Hindi ko akain na may pagkamahangin ka din pala"

Natawa ito sa sinabi ko

  "Confidence ang tawag don" sabi niya

  "Ok, Mr. Confidence"

Sabay kaming natawa sa sinabi ko bago tuluyang nag focus  sa nagsasalita sa harap

3rd Person's POV

Pagpasok ni Mr. Chan sa male's comfort room ay kinain siya ng labis na takot ng makita kung sino ang nasa loob

  "Hindi ko gagawin yan kung ako sayo" sabi nito ng akmang lalabas ang matanda

  "What do you want?!" gigil na tanong ni Mr. Chan kahit na bakas na ang takot dito

  "Ano sa tingin mo?" pabalik na tanong ng taong nasa harap ng salamin

  "Ikaw..."

Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang kwelyuhan at malakas na isinandal sa pader

Napaingit naman sa sakit ang matanda

  "Don't even dare Mr. Lim Chan" nakangising usal ng tumulak sakanya "dahil sa pagkakaalala ko IKAW ang may kailangan sa akin" sabi nito saka binitawan ang kwelyo ng matanda "hindi makalimutan ni Mr. D ang ginawa mong panglalaglag sakanya sa harap ng pinakamataas"

  "D-danger..."

Hindi na makuhang magsalita ni Mr. Chan

  "Paano nga naman niya makakalimutan na ang taong tinulungan niyang umangat ay bigla siyang ibinagsak" seryosong usal ni danger

Napayuko na lang si Mr. Chan ng maalala ang ginawa niyang panlalaglag kay Mr. D kung saan isinumbong niya sa pinakamataas ang pagnanakaw nito dito ng mga armas

  "Gusto na nga niyang pasabugin lahat ng meron ka" dagdag pa nito

Lumuhod naman si Mr. Chan

  "Pakiusap... k-kailangan ko ito para buhayin ang pamilya ko..."

  "Ang panlalaglag mo ang dahilan kung bakit namatay ang mama ko!" gigil na saad ni danger saka matalim na tiningnan ang matanda "kung hindi mo inilaglag si Mr. D hindi  na sana kailangang isakripisyo ng mama ko ang buhay niya para mapanatili lang na nakatayo ang black devil mafia! Hindi sana siya nagpakaalila hanggang sa mamatay!" galit na usal ni danger "kung gawin ko kaya yon sa pamilya mo"

Pinagdaop ng matanda ang mga kamay niya

  "H-hindi ko sinasadya. Pakiusap, wag mo silang idamay" umiiyak na pakiusap ng matanda

Napangisi si danger. Gustong-gusto ang pagmamakaawa ng matanda

  "Isang malaking pabor na parehas nating pakikinabangan" lumapit si danger sa matanda saka iniluhod ang isang tuhod para magpantay ang tingin nila "gawin mo lang ng maayos at walang mangyayaring masama sa pamilya mo"

  "A-anong pabor?"

Mas lalong napangisi si danger

  "Access sa G.S.E"

Kill To Love (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon