SHOT19: Unofficially Dating

311 9 6
                                    

Konnichiwa!!!! Hope you're still enjoying. Marami pa akong naka-plano para dito. Sana subaybayan niyo hanggang sa ending. But I promise this is a very long story, sensiya? Hehe. Minsan naaawa din ako para kay Alto. xD Peace! Dedicated to bleight08. Thanks for reading! {{neko hiraite}}

SHOT 19: Unofficially Dating

Lunch break. Tulad ng hiniling ko kay Alto, ayun at magkasama sila ni Denise mag lunch. I didn't know kung san sila kumakain ngayon basta lumabas sila kanina. Ako naman ...

Kani-kanina lang si Carl at si other guy ang kasama ko pero eto at may nakisalo saming iba. Tatlong lalaki, officemates din ni Alto. Lima sila sa office with Clarissa.

Kainis! Nag-iisang babae ako dito. Ang dami nilang napag-uusapan. Ang kakaiba lang, hindi ako OP! You know why?

"Ganun ba? Kasama ni Alto si Denise ngayon? Kaya pala wala siya dito."

"Oo. Ni-request ko eh. Bait nga at pumayag," sagot ko habang pinaglalaruan ang natitirang gulaman saking baso. Gusto ko nang umexit kaya kunwari hindi ako interesado sa usapan.

"Ay kaya pala. Ikaw ang nagrequest eh. Siguradong papayag yun."

"Bakit? Pag hindi ba ako, hindi yun papayag?"

"Malamang hindi. Malakas ka dun eh!"  Hanudaw? Tss. I didn't like the sound of this.

"Ewan lang ha," sagot ko.

I stood up then pushed my chair. "Sige una na ko. Daan pa ko ng CR," I excused myself at umexit na, diretso ako ng rest room.

Todo interrogation yun ah. Buti nakatakas na ko sa kanila. Apple of the eyes kasi, kaya ayokong napapalibutan ng guys eh. Pero ...

May nalaman akong interesting kanina!

UNA. Si Carl pala may girlfriend na. Aba si senior wala man lang naikukwento sakin. Daya lang!

IKALAWA. Si Clarissa ang gf niya! Ayiieee. Sweet naman. Katuwa kasi pareho silang mabait sakin.

Napag-usapan yun dahil dun sa mga ka-opisina ni Alto na sobrang kukulit. Kung anu-anong tinatanong sakin. Bakit daw hindi pa ko nagbo-boyfriend. Ano daw type ko sa lalaki. Saka kung may crush ba ko ngayon. Nakakabwisit.

 * - * - *

Nasa harap ako ng salamin sa loob ng CR.  Hindi naman talaga 'ko nasi-CR eh, gusto ko lang lumayo sa kanila. Binuksan ko yung faucet at naghugas nalang ng kamay. Sobrang tahimik dito sa restroom, ako lang kasi tao dito. Ayan tuloy, nagsimulang mag-flash back sakin yung mga pangasar na dialogues simula pa kanina:

"Oo tama. Baka ibang relasyon ang gusto ni Alto sayo, Cynthia."

Gah! Si senior kasi ang hilig mag joke. Ibang relasyon daw. Anong relasyon ba? Wag mong sabihing ...

"Ay kaya pala. Ikaw ang nagrequest eh. Siguradong papayag yun."

Talaga lang ha? Baka naman mabait lang kasi siya ... sakin.

"Bakit Cynth? Ayaw mo bang totohanin?"    

Ayaw totohanin? Totohanin na magkaroon ng namamagitan saming dalawa. Seryoso daw siya dun sa tanong niya. Hindi ko naman siya masagot. Hindi ko rin alam ang sagot eh.

* - * - *

It snapped me out when somebody turned off the faucet in front of me. I looked at her.

She told me, "Ano ba yan, nagsasayang ka ng tubig Cynthia."  Si Clarissa pala. Hindi ko namalayan nung pumasok siya sa rest room.

"Ah ... sorry," ngumiti nalang ako as response.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon