SHOT9: Desperation and Pleasure

327 11 10
                                    

Hi Hi Hi sa inyo! Gustong magpasalamat ni Cynthia sa lahat ng mga nagchi-cheer sa kanya. Hope she made it. At gustong magpasalamat ni Hiraite sa pag support niyo sa story na to. ARIGATOU!!!!

= = = = = = = = =

SHOT 9: Desperation and Pleasure

Binibilisan ko na ang trabaho ko ngayong araw. Kasi kelangan nang ipasa lahat ng pages for the magazine ... ngayong araw din. That means kelangan tapos na yun ngayon. Ayos lang. Madali na yon. Ang problema lang ay ... eh ... alam mo na. Yung entry ko for the competition. Di parin ako mapakali. Halos hindi na nga nila ako makausap eh.

Lunch break ... 

Lunch break ...

I was waiting for the lunch break. Not because I wanted to eat badly. But since I still need to capture a good photo. Ang theme? Kahit anong random na bagay. Pero kailangan lang eh raw photo, hindi edited, hindi enhanced.

"Ayos ka lang?" napansin na naman ako ni Senior.

"Yup," I answered without energy.

I was waiting for twelve o'clock.

tik   tok   tik   tok   tik

Suddenly, I heard my wrist watch ring. Kasi I have set it to alarm at twelve. YEEEESSS! Lunch break!!!

I hurriedly stood up from my seat, while I'm taking Cammy and my body bag with me. "Una na ko ha," paalam ko sa kanila.

"Hey, di ka ba sasabay maglunch?"

"Nope. Kayo nalang muna," tanggi ko. Dumeretso ako sa pintuan kaso bigla itong bumukas without even a knock. Nagulat ako pero wala na akong time para ipakita yon.

"Oh, Cynth?" sabi nung nagbukas.

"Oy," sabi ko naman, without looking at him, at umalis narin ako agad.

Whoooosh!

I'm walking hurriedly on the hallway. Too good hindi pa masyadong matao. Pero sa tingin ko napapalingon sila sakin sa bilis kong maglakad, with my long legs aiding on me conveniently.

Then sa tapat ng elevator. (Two storeys tapos may elevator? Saka nalang yung details jan, busy ako.)

Dali ... Dali na ....

Hindi parin bumubukas yung pinto. Lalo tuloy akong natataranta! I need to gooooooo!!!

CARL'S POV

Ang tahimik ng office ngayon, kahit andito ulit si Cynthia. May pinoproblema kasi siya, at hindi siya mapakali. Kadalasan kasi siya ang source ng ingay at kaguluhan sa opisinang to.

"Ayos ka lang?" I asked her.

"Yup," tipid na sagot niya. Haiii ... Bat ba tinanong ko pa? Alam ko namang hindi.

Patingin tingin siya sa relo niya habang nakaharap sa computer doing the pages.

Ewan, ang sarap niyang panoorin. Kabataan nga naman.

bleep  bleep  bleep

Ano yun? I heard a soft sound. Kaya napalingon ako.

Ahh ... relo ni Cynthia. Sabay tayo niya at nag-ayos ng gamit. Nagmamadali lang?

"Una na ko ha?" paalam niya without turning her head. I see ... lunch break na pala.

"Hey, di ka ba sasabay maglunch?" tanong ko while watching her.

"Nope. Kayo nalang muna," sagot niya, paalis na paalis na talaga.

Bumukas yung pinto at bumungad ang excited na mukha ni Alto. Kaso dinaanan lang siya ni Cynthia pagkatapos ng mabilis na batian nila. At ayon, nawala na siya sa paningin namin.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon