SHOT27: When you look me in the Eyes

253 11 5
                                    

Bon jour!!! Sipag ko no? Sana nag-eenjoy parin kayong basahin to. And many thanks for sticking with us up to this point. Salamat din sa mga komento at mga botong natatanggap ng bawat kabanata nito. I really enjoy reading all of those comments. Hiraite gives a deep bow to all of the amazing readers out there. xD  Here's SHOT27. The title may remind you of a song pero nagpa-parody lang naman ako. Fine. Ako'y mananahimik na at hahayaan ko nang mag-ingay ang mga characters dito. Enjoy reading?  {{neko hiraite :3}}

Previously on CMH : I can't believe her. Mukha pang masaya si Issa on her discovery. It kinda pissed me off. Kanino ba siya kampi? And hell, sino si sweetheart?   >>Alto

= = = =  = = = = = = = = = =

SHOT 27: When you look me in the Eyes

ALTO'S POV

"Patay tayo diyan! Sino si sweetheart ha? May iba kang suitor? Dami mo palang chicks. Haba ng haaaaaaair!" sunud-sunod na sabi ni Ethan kay Cynth.

"Parang sira to! Wala akong suitor no!" depensa ni Cynth. Yup. She's denying me. Although I could somewhat understand her. Ang di ko maintindihan ay kung bakit may tumatawag sa kanya na 'sweetheart'.

Okay Alto. Clear your mind from all those stupid thoughts. I know her. Hindi malandi si Cynth. Pero ... to think of it, five years nga naman kaming hindi nagkita. Maraming pwedeng maganap sa five years.

"Pano yan bro? May karibal ka yata!" sabi ulit ni Ethan pero sakin naman.

Karibal daw. Karibal ko nga ba? Baka naman babae rin yan na ka-close niya. Think positive. I don't want it to ruin my great day.

     Hey Author! Say something!

     [Hiraite: *tikom bibig*  *sulat ulit*]

     Sige, wag mo kong kausapin! Ganyan ka naaaaaa!!!

Pssshhh.

I looked at Cynth intently. She was about to open her mouth, maybe she wanted to defend herself from that malice when a voice suddenly broke in.

"Cynthia, Denise. Nandiyan pala kayo," the voice called. Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses, pati yung iba sa table namin, and we saw Sir Cedrik walking towards our direction. Tumigil siya sa may likod ni Aaron na katabi ni Ethan na nasa katapat ko. Gets? Putting it simpler, nasa harapan ko siya sa bandang kanan.

Nagsalita ulit siya, "Sa field kayong dalawa mamaya ha. No need to report to me pagkatapos niyo," he instructed.

"Okay po Sir," sagot ni Cynth.

"Kelangan ko pa ng tatlo," patuloy niya, tapos iginala niya ang kanyang paningin around our table. "Sige, kayo nalang. Clarissa, Ethan at ...," nag-pause siya saglit. I want to volunteer, "...ikaw din Alto."

I see. No need for me to volunteer.

"Ah. Sige po," pag-agree ko.

"Yay! Sa field kami. Maaga ang uwi!" sabi ni Issa with excitement on her voice. Madalas kasi maaga ang uwi pag sa field basta maaga ring natapos. Pero marami ring beses na ginagabi.

"Okay na ha? Alas dos kayo magreport sa lobby mamaya," his final remark.

"Yes, Sir!" si Ethan, halatang sabik makalabas ng opisina.

Umalis narin kaagad si Sir pagkatapos niyang pumili ng lima samin. It felt good. Kasi kasama ko si Cynth. Ayos narin kahit may kung sinong 'sweetheart' ang biglang umentra kanina sa usapan namin. I badly want to know who he or she is. Hindi na kasi ako mapakali dahil don.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon