SHOT36: Being a Mythical Figure

217 8 5
                                    

"The best way to dress up is to put on a smile. A SMILE is an inexpensive way to improve your looks." Ngiti-ngiti din pag may time!  {{neko hiraite}}

*****************

SHOT 36: Being a Mythical Figure

ALTO'S POV

It was very mystifying. Cynth was in front of my nose but why was I feeling this? Di ba dapat natutuwa ako? I knew that I was really attracted to how she looked right now. Her make up suited her very well. Her hair was delicately crafted, curled on the side of her cheek. There was a desire in me to flip it away to see her face completely. But no, I must restrain myself. Her eyes showed that she's also puzzled, na mukhang hindi niya inaasahan ang pagdating ko sa loob ng tent nila.

Humugot ako ng guts sa kaloob-looban ko. "Ah ... Cynth ... i-ikakasal ka? Paano nangyari—"

"H-ha?! Hindi ah!" she exclaimed. Fire was on her face, and she seemed steaming. Was she embarrassed?

I looked half away. "Ayos lang. Hindi ako magagalit. Susuportahan pa nga kita kung iyan talaga ang ikasasaya mo, Cynth." Bitterness. Pinipigilan kong hindi ito ipahalata. And d*mn that line! Hindi ako magagalit? Siguro nga. But I couldn't promise na hindi magtampo, o masaktan.

"Baliw ka Alto! Baliw! Baliw!" she yelled at me and she turned back. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya.

"Alaaa ... lagot na," the girl who escorted me here muttered.

Nahihiyang lumingon muli sakin si Cynth. Namumula parin ang mukha niya. "Bakit ka pumasok? Kaasar naman, nakita mo pa." She sighed. Ako lang ba o magulo talaga ang mga pangyayari.

I breathed down. "Yung groom, nasan?" buong lakas ng loob kong itinanong. It must be that jerk. D*mn him. Bakit ang bilis niyang naagaw si Cynth sakin? Hindi kaya matagal na talaga silang magkakilala?

"Shunga! Wala ... wala pa ...," humalukipkip siya. What kind of groom was that? Pinaghihintay niya ang bride. Agawin ko sa kanya ang bride niya eh. Remind me to kill him when he arrived.

Now what? Bakit nga ba ako nandito? I didn't know what to do. Nagiging uncomfortable na ang paligid. Tumingin ako sa babaeng nagdala sakin dito, at mukhang hindi rin siya mapakali. She noticed me looking at her when she looked away.

"Baklaaaaa!? Ano, wala pa bang balita?"

Nawindang ako sa narinig kong boses. Tinig ng isang ... errm. Kinilabutan ako. I'm not that comfortable with ... gays. Papalapit siya ng papalapit. Hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya. I gulped. Tumigil ako sa pag-exhale.

"OMG!!! Vakla! Siya na ba?!" excited at malakas na tanong niya sa maliit na babae. Humigpit ang kapit niya sa braso ko. God, save me! Ayoko pang makitil! Gusto kong magkaanak muna!

"Ah ... eh ... sana. I-endorse natin siya. Gusto mo? Friend siya ni Cynthia!"

"Bravo! Like na like ko yan! Tara pogi?" Nanlaki ang mata ko sa tinuran nila. Saan niya ako dadalhin? Sinubukan niya akong hatakin ngunit hindi ako nagpahatak.

"Saglit, ano bang endorse?" tanong ko na may kunot sa noo. Baka mamaya, life threatening yun, wala pa akong kaalam-alam.

"Oo nga bakla! Anong balak niyo?" tanong din ni Cynth. Tila pinipigilan niya kung ano man yun.

"EHEM! Cynthia! Kung hindi natin ito gagawin, lalo tayong magtatagal. Since andiyan naman yang fogi mong friend, siya nalang diba? Mukha naman kayong close, and look! Bagay kayo!!!" he pointed out. Sa totoo lang, nagustuhan ko yung sinabi niyang BAGAY kami ni Cynth. Sakin na dapat siya. Epal yung tungaw na asungot na yun. Mas pogi ba sakin yun?

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon