SHOT22: Making Up and Giving In

255 9 3
                                    

Dedic for GladiesChe. Thanks din sayo! Kumusta na? Para sa lahat, sana abangan niyo hanggang sa ending. I promise to prepare for it. Hindi ko kayo balak biguin. Read my other works too! Thanks!   {{neko hiraite}}

SHOT 22: Making Up and Giving In

ALTO'S POV

Kahapon saka kaninang lunch break, hindi si Cynth ang kasabay ko. Dapat talaga bukas makasabay na ulit ako sa kanya. Kaso si Denise nga pala ...

Lumabas na sina Carl at Vince dun sa office nila, pauwi na kasi. Tapos siguradong sina Cynth na ang sunod. Kaso ...

Sinarhan nila yung pinto?

"Carl!" natawag ko siya tuloy. Lumingon siya sakin tapos tinanong ko sina Cynth.

"Mag-uusap pa sila ni Denise. Kung gusto mo hintayin mo nalang, Alto."

"Ah ... sige."   Mag-uusap sila. About what?

Carl lifted his arm tas tinuro niya ako with his thumb pointing upwards, "Bang! Humanda ka pag labas nila. Siguradong bubulyawan ka ni Cynthia."

"Siguro nga." I felt down. Galit rin siguro si Cynth sakin. Kung mag-uusap nga sila, siguro tungkol dun.

"Sige ha. Una na kami, Alto. Good luck sayo. " Good luck daw sakin. Sakin talaga? Feeling ko tuloy kailangan ko talaga yang luck na yan lalo na mamaya pag harap ko kina Cynth.

Wala akong nagawa kundi maghintay dito. Ang tagal nila sa loob.

Hala, baka totoo yung sinabi ni Shin kanina na magrambol yung dalawa. Hindi pwedeeeee.

Lumapit ako ng konti dun sa pintuan nila. Sinubukan kong makinig kaya medyo nilapit ko yung tenga ko sa pintuan.

Ang hina. Wala akong marinig. Mukha namang matiwasay ang pag-uusap nila. Lumayo nalang ako sa pinto.

Argg!!! Di ako mapakali. After 3 minutes, wala paring lumalabas sa kanila. Nag-aalala na ako dito.

"Bang! Humanda ka pag labas nila. Siguradong bubulyawan ka ni Cynthia."

Nga pala. Kailangan kong paghandaan ang bulyaw ni Cynth sakin. Tapos si Denise pa. I don't know how I should face her. Kalma lang Alto, KALMA.

"Hi Alto!" somebody greets.

"Hi," sagot ko without looking.

"Di ka pa uuwi?" tanong niya. I shook my head. I'm worried about the two of them.

Workmate ko rin yun. Pauwi na sila. Marami na ring nadaan dito eh. Pangalawang office kasi tong kina Cynth from the elevator. Sa kabilang side naman ng elevator meron din. Andun yung kina Sir Cedrik.

Natigilan ako nung bumukas yung pinto nila. Then ... Denise went out.

buh dumph ... buh dumph ... buh dumph

Dadaan siya dito. Bakit nga ba dito ko naisipang pumwesto?

Mabilis siyang naglakad. She noticed me but she didn't stop walking. Napatingin lang siya sakin at dumeretso na sa elevator. Hinabol ko nalang siya ng tingin. At nung mawala na siya sa paningin ko, nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Weird. Siguro may nangyari nga.

Saglit. Si Cynth?! Hindi parin siya lumalabas. Hala, ano kayang nangyari dun??? May nangyari nga kaya? Pero ... wala naman akong napansing kakaiba kay Denise maliban nalang sa hindi na niya ko kinausap.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon